Beki fourteen!

10.3K 295 18
                                    

Pagdating namin sa lugar nina Kyso ay namangha ako. Mayaman pala sya. Pero bakit wala syang kotse? O baka hindi niya lang trip ang ganun?

"Pasensya na kayo. Parang haunted house itong bahay. Nabubuhay lang ito pag nandito si Finn at ang tropa." ani Kyso ng makababa kami sa kotse ni Keez.

"Its okay dude. Ganyan din sa amin,kaya lagi akong na kina Bless at Lai." sabi ni Keez.

"Wow. Magkasama kayo sa bahay?" amused na tanong sa akin ni Kyso. Tumango at ngumiti ako bilang sagot.

"Saan ba tayo tol?" ani Bless habang ginagala ang paningin sa paligid ng bahay.

"Sa likod muna tayo. Papagawa ako ng meryenda. Naglalaro ba kayo ng basketball?" sagot at tanong ni Kyso. Tumango lang naman ang dalawa. "That's good,may basketball court kami sa likod."

Nag apir sina Keez at Bless. Nakita ko ang pagkakataon na iyon para maitext si Kipp pag abala na sila. Kaya habang papunta kami sa likod ng bahay ni Kyso ay nagdadaldalan na ang tatlo.

Kailangan kong maitext si Kipp na huwag na lang kaming magkita ngayong araw. Hindi sya dapat makita nina Keez at Bless.

Namangha ako lalo ng marating namin ang court. Ngayon lang ako nakakita ng bahay na may sariling court.

"Ayos ito!" sabi ni Keez.

"Maglaro muna tayo habang hinihintay si Finn at ang tropa." ani Kyso at may kinuhang bola. Naglaro na silang tatlo,ako ay naupo sa may isang gilid at nagkunwaring nanonood sa kanila. Kinuha ko ang aking cellphone at pasimpleng nagtxt kay Kipp.

"Lai!" sigaw ni Bless na dahilan kung bakit hindi ko naituloy ang pagtetext. Nilingon ko sila. "Ikaw ang taga score ah?"

"Huh?" ang hindi ko agad na gets.

"Oy! Ayos ito! Two on two na lang!" sabi ng isang boses na ikinalingon ko. Si Finn pala,kakadating lang.

"Tama ang dating mo,laro muna tayo best habang hinihintay ang tropa. Sila nga pala sina Keez at Bless,mga bestfriend ni Lai. Mga tol,si Finn ang bestfriend ko." pagpapakilala ni Kyso sa bawat isa.

"Nasan si Lai?" ang agad na tanong ni Finn kaya ng itinuro ako ni Kyso ay ngumiti agad ako.

Takte! Mukhang hindi ako makaka kuha ng pagkakataon para maitext si Kipp ah?

Nagsimula na silang maglaro at ako nga ang naging taga score sa kanila,magkakampi sina Bless at Keez,tas sina Kyso at Finn naman. Somehow,hindi ko maiwasang mapangiti,ito kasi ang unang pagkakataon na nakisalamuha kami sa iba. And I must admit na sana,nung una palang ay naging open na kami sa pakikipagkaibigan sa iba. Masyado kasing umikot ang mundo namin sa aming tatlo lang. Hindi ko sinasabing wala silang kaibigan,meron din naman,mga kaklase siguro nila,pero ito ang unang pagkakataon na kaming tatlo mismo ang nakipag bonding sa ibang tropa,salamat at nakilala ko sina Kyso at Finn kahit na medyo weird ang una kong pagkaka kita sa kanila.

Seryoso ang laro nila pero maya't maya din sila nagtatawanan. Nag enjoy akong panoorin sila at nakalimutan ko ng itext si Kipp.

Hindi nagtagal ay may lumapit na katulong kay Kyso. May sinabi ito at umalis na din.

"Luto na ang meryenda at padating na ang tropa. Tara na muna sa loob." ani Kyso.

"Nice game mga tol!" ani Finn at nakipag high five kina Bless at Keez.

"Mukhang mapapadalas kami dito." ani Bless ng palapit na sila sa akin,tumayo na din ako.

"Lalo na pag nakilala nyo ang tropa." sagot ni Kyso at ngumiti. "Tara na Lai,paniguradong napagod ka kakapanood samin." baling nito sa akin at tumawa sila.

He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ