Beki five!

13.3K 326 15
                                    

"Keez!" ang bulalas ko at bumangon. Ganun din ang ginawa ni Bless. "Ang aga mo naman?"

"Alam nyo namang bored ako sa bahay palagi. Sa iisang kwarto lang pala kayo natutulog?" ang nakangising sabi ni Keez habang naka cross arms. Pero may iba akong natutunugan sa sinabi.

"Hindi no!" ang agad kong sagot.

"Inantok na ako at dito nakatulog. Anong oras na kasi kami nakauwi ni Nicolai dahil nagpaka bayani pa sya." ang sabi naman ni Bless at tumayo na.

"Nagpaka bayani?" salubong na kilay na tanong ni Keez.

"Oo,nagpaka good samaritan kasi sya at may dinala sa ospital,kaya ayun." ani Bless at naglakad na papunta sa pinto. Bigla ko naisip si Kipp. Kamusta na kaya sya? Sana okay lang sya. "Sina Nanay?"

"Nagluluto na ng breakfast." sagot ni Keez. Pinapakinggan ko lang ang pag uusap nila habang inaayos ko ang kama.

"Tara na,para pagkatapos maghanap tayo ng mapaglilibangan." ang sabi ko na lang at nauna ng lumabas ng kwarto,ramdam ko namang agad din silang sumunod sa akin.

Pagdating sa kusina ay katatapos lang nina Nanay magluto at napansin ko sa lamesa na may ibang pagkain,may prutas pa. Syempre,kay Keez galing yon.

Masaya kaming nag agahan,masaya akong makita na masaya si Nanay at Nanay Beth sa bagong buhay at bagong bahay namin. Ito ang pangarap namin ni Bless,ang makapag pahinga sila.

Matapos mag agahan ay naligo na kami ni Bless at pagkatapos ay umalis na. Gamit namin ang kotse ni Keez,at sa totoo lang ay wala pa kaming destinasyon. Halos lahat kasi ata ng pwedeng puntahan ay napuntahan na naming tatlo mula nung mga bata pa kami. Ganun ka eager at kakulit si Keez kahit noon pa man,ayaw nyang mag gala o umalis ng hindi kaming dalawa ni Bless kasama.

Kaka park lang namin sa parking ng isang mall ng may tumawag kay Bless,kinailangan pa nyang lumayo para makipag usap,at ng bumalik sya ay seryoso na.

"Lai, Keez. Im sorry pero hindi na ako makakasama."

"Bakit? Sino ba yung tumawag?" ang agad na tanong ni Keez.

"Baka girlfriend." ang segunda ko naman.

"Hindi! Alam nyong wala akong girlfriend. Boss ko sa bar ang tumawag,may party daw mamayang gabi at ngayon pa lang naghahanda na sila,lahat ng crew ay invited at kailangan ko daw umattend." ang malungkot nyang sabi. Medyo nalungkot din ako dahil hindi na sya makakasama.

"Ganon? Edi sige,umattend ka,minsan lang ang ganyang kasiyahan sa trabaho." ani ko at tumabi kay Bless. "Uwian mo kami ng pagkain ah?"

"Haha! I'll try Nicolai. Oh pano Keez! Kayo muna ang magsaya." sagot ni Bless.

"Sure!" nakangising sabi ni Keez. Humalik lang si Bless sa noo ko at nakipag manly hug kay Keez bago tuluyang umalis.

"So pano? Kakampi ko ang tadhana ngayong araw,masosolo din kita." nakangising sabi ni Keez sabay akbay sakin.

"Hahaha! Baliw! Tara na nga." sabi ko na lamang at hinila na sya papasok sa Mall. Madaming tao,palibhasa bakasyon.

"Ano nga pala yung sinasabi ni Bless na may tinulungan ka at dinala sa ospital?" tanong ni Keez habang naglalakad kami at naghahanap ng pupuntahan.

"Yun ba? Kaka out ko lang sa work at pauwi na sana ako,kaso may nakita akong binubugbog. Napuruhan yung lalaki,nabagok. Kaya ayun,dinala ko sa ospital." ang sagot ko habang binabalikan sa isipan ko ang pangyayari.

Sana okay na sya.

"Wow! Napaka buti mo talaga! Kaya mahal na mahal kita eh!" aniya at hinapit ako palapit sa kanya.

He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon