Beki two!

15.2K 341 23
                                    

"Huh? Ako ba kausap mo Miss?" taka kong tanong dun sa babae ng harapin ko ito. Maganda,sopistikada,pero mukhang demonyita. Pano ko nasabi? Tinaasan ako ng kilay eh!

"Obviously,ang mga katulad mong bakla ay hanggang pangarap na lang sa mga tulad ng bartender na yan,ako ang nararapat para sa kanya." taas kilay na sabi nito at iniliyad pa ang boobs nyang halos hindi na masakop ng tube dress na suot nya.

Boobita Rose din eh,sa bagay,hindi nya alam na bestfriend kami ng bartender na sinasabi nya,baka sya ang hanggang pangarap na lang. Jusme ah? Kota na ako sa stress ngayong araw na to.

Matapos ang mga pakikipag sapalaran ni Bless sa mga paghagis ng bote ay nabaling ang tingin nya sa direksyon namin ng babae. Ngumiti at kumaway sya.

Tiningnan ako nung babae at nginitian. "See that? Napansin nya agad ako." at naglakad ito papunta sa bar counter,agad ko syang sinundan at sinabayan,sabay kaming nakarating nung babae sa harapan ni Bless.

"Sabi ko na nga ba,ikaw yung nakita ko eh,hindi mo ako matiis no?" nakangiting sabi ni Bless.

"Who wouldn't eh ang gwap--"

"Eh kasi maaga natapos ang shift ko. Gusto kong mapalibre pauwi." ang agad kong putol dun sa babae. Napatingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Libre lang pala eh! Basta ang kapalit ay kiss" nakangising sabi ni Bless. Napanganga na ngayon ang babae at nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa.

"Pakyu!" ani ko at humalakhak si Bless. Natigil sya ng mapansin ang babae.

"Good evening maam,ano pong drinks nyo?" baling nya dito. Napatanga ang babae.

"Johny Walker." sagot nung babae. Grabe,lakas ng tolerance nito sa alak. Ilang saglit pa at na serve na ni Bless ang alak nito. Kami naman ni Bless ay nagkwentuhan,nilibre nya ako ng juice.

Pag abala si Bless sa pagtimpla ng alak ay tinitingnan ko ang paligid. Madami pa ding tao dito,mamayang 3AM pa ang closing. Attraction si Bless dito at ang regular band na nag peperform. First year college pa lang natanggap na si Bless dito at third year high school pa lang ako noon.

Tiningnan ko ang katabi ko. Nandito pa din ang babae. Wala ba syang kasama? Hanggang sa may lumapit dito na lalaki na ikinalaki ng mga mata ko.

Sya! Yung lalaking nagpahiya sa akin kanina! Tingnan mo nga naman pag mamalasin ka talaga! Hindi ako nito napansin. Pinakinggan ko sila nung babae. Hmp! Tamang flirt sa isa't isa,tapos naghalikan at umalis. Mga imoral!

"Hindi ka pa ba sanay?" biglang sabi ni Bless. Libre na naman sya. Umiling ako at ngumiti sya. "Matagal ng uso sa mga ganitong lugar ang mga indicent proposals."

"Talaga? Sayo ba may nagyaya na?" ang curious kong tanong.

"Marami,mga matatandang lalaki,matatandang babae,mga babaeng nagtitrip lang,mga bakla,pati mga lalaking trip lang din ang sumubok sa kapwa lalaki." nakangiti nyang sagot. I wonder,may pinagbigyan kaya sya sa mga yon? "I know what youre thinking Laii,at ang sagot ay wala akong pinagbigyan. Gusto kong ang mahal ko lang ang makakasex ko."

Mind reader huh? "Weh? Sa gwapo mong yan? Si Keez nga madami na atang naganun eh."

"Haha si Keez yon,magkaiba kami. Laki sa layaw yon eh,kaya lahat ng gusto nya nakukuha nya. Kahit naman nung bata pa tayo diba? Gusto daw nya tayong maging kaibigan kaya nangulit sya ng nangulit." sagot nya.

"Sa bagay. Uhm,hindi mo pa ba out? Inaantok na ako eh." ani ko at naghikab. Nakakapagod ang araw na ito. Gusto ko ng matulog.

"Sa totoo lang,pwede na akong umuwi,kaya tara na,alam na iyon ni Boss."

He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!Место, где живут истории. Откройте их для себя