ᑕᕼᗩᖘTᕮᖇ 2

33.6K 983 217
                                    

𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 2

"𝐇𝐀𝐑𝐔𝐊𝐀 𝐏.𝐎.𝐕"

"Heto na yata yun?" Kumukurap-kurap na tumingin ako sa harap ng napakalaking building......ang cute, mas cute siguro to pag kinulayan ng kulay pink tapos lagyan ng mga pictures ko hehehe.

Binilang ko ang floor ng building woah! Astig 50 floor kapagod siguro pag umakyat jan gamit ang hagdan.

Tumatalon-talon akong pumunta sa entrance.....hehe ang pangit ng mga damit nila manong guards mas cute yun pag kulay pink or violet.

"Mga kuya, kuya!!" Magiliw na sigaw ko habang papalapit sa mga guards.

"Miss?"

"Pweding pumasok?" Sumilip-silip pa ako habang nakangangang nakatingin sakin ang dalawang guard.

"Wow ang laki!" Manghang sabi ko habang nakasilip dito sa labas.

"Miss? May kailangan kayo?" Alangang sabi ni kuya habang lumulunok na nakatingin sa legs ko. Anong akala niya pagkain yung legs ko? Baliw yata itong si kuya.

"Oo kuya. Nan-jan boss niyo?" Lumilinga-linga pa ako sa paligid.

Nag-singhapan naman ang mga tao sa paligid ng marinig ang sinabi ko saka weird na tumingin sa akin.

"Girlfriend ba ni boss?"

"I don't think so, mukhang minor pa yan!"

"Ang cute ng bata."

"What's with the get-up?"

"Ang ganda niya, para siyang living doll. Ang cute!"

"She's weird!"

Girlfriend? Ano naman kaya yun? Pagkain kaya? Siguro masarap yon? hehe pero ang bad nila weird daw ako. Hindi kaya.

Ang ganda rin ng suot kong basketball jersey sando and shorts na hanggang kalahati ng hita ko saka rubber shoes na kulay puti.......ang cute kaya na outfit ko.

Hehehe naka ponytails din ng dalawang hati ang mahaba kung buhok.

Dito na kasi ako dumiretso pagkatapos ng liga sa baranggay kanina. Malaki ang pusta kaya ibig sabihin may pera. Money, thinking that things makes my heartbeat go rampage.

Bitbit ko ang school bag na may mga documents na kailangan sa trabaho. Kahit 17 palang ako fully developed na daw ang katawan ko at may kataasan kaya hindi halatang 17 palang ako.

"Miss may appointment kaba? Bawal magpapasok kung wala namang appointment o kaya hindi employee." Sabi ni kuyang guard habang nakatingin sakin mula ulo hanggang paa.

Appointment? Appointment siguro sa doctor......pero wala naman akong sakit?

"Wala akong sakit kuya. Papasukin niyo nalang kaya ako."

"Pasensiya na ma'am bawal talaga."

"Mamamasyal este Kakausapin kulang ang boss niyo kuya." Ani ko saka nag pout ng kaunti ang bad nila. Bat ba ayaw nila akong papasukin, I'm not a bad girl naman.

HER DEVIL SIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now