“17.” Sagot ko. Tipid lang talaga ako sumagot. Tapos nagtanong tanong pa sila ng kung ano ano. Mamaya makakarinig na ako ng negatives sa akin. Ganyan naman ang mga tao ngayon eh.

Days passed, madami ng kumakausap sa akin. Nakikipagusap naman ako, but I don’t consider them as a friend. Wala pa akong kaibigan dito.

 

“Huwag kang lalapit sa babaeng yun, malandi yun eh. Tapos bully pa. Mag-isa lang siya, buti nga sakanya.” Sabi nitong Michelle doon sa kaklase naming kakapasok lang. Tinignan ko naman siya, napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay sabay snob.

 

 

“Paano niyo naman nasabi?”

 

 

 

“Kasi yung boyfriend ng kaibigan ko, inagaw niya. Nagbreak sila nung boyfriend ng kaibigan ko tas niligawan niya yung malanding yun.” Turo niya sa babae.

 

 

“Naging sila?” Tanong ko.

 

“Hindi, pero inagaw niya pa din.” Sabi niya. Napakunot noo naman ako. Inakusahan na siyang malandi at mangaagaw dahil lang niligawan siya ng ex ng kaibigan niya? Hindi naman niya kasalanan kung nagkagusto sa kanya yung lalaki eh. Hindi ko na lang pinansin at nagbasa ako.

Pero eto kwento pa din sila ng kwento at parinig ng parinig doon sa girl ng kung ano-ano.

 

“Tigilan niyo na nga yan. Mag-aral na lang kayo, may quiz mamaya.” Sabi ko. Kanina pa kasi sila, iritang irita ako.

 

 

“She deserves that.” Napatingin naman ako sa kanila. Umiling ako at lumipat ng pwesto saka nagbasa. Abnormal pala tong mga ito ehh.

Lunch break, naabutan kong nagkakasagutan yung babaeng malandi daw at yung isang babae sa kabilang section.

 

“Inagaw mo boyfriend ko! At isa pa, tapos parinig ka ng parinig sa akin sa Facebook!” Sigaw nung babae sa ibang section sa babae kanina.

 

 

“Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala akong Facebook, at lalong lalo na wala akong inaagaw. Kasalanan ko bang magkagusto sila sa akin?” Sabi niya. I smirked. Oo nga naman.

 

 

“Hoy meron kang Facebook huwag ka nga! Andami pa! Pasikat lang?” Sabi nung babae.

 

 

“Kasalanan ko ba kung madami akong poser? Masyado nila siguro akong idol kaya ginagawahan nila ng sariling Facebook ako.” She rolled her eyes, aalis na sana siya ng hinila siya nung babae at triny sampalin. Pero napigilan niya, kaya hinigit na lang niya ang buhok nito saka sinabutan.

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Where stories live. Discover now