CHAPTER 4 - PHILIPPINES

Comenzar desde el principio
                                    

 

 

“Ate Azumi!” Sabi sa akin ni Fumiko. Kahit nasa Japan si Fumiko hindi kami nagkikita doon, magkaiba kasing city kami at bata pa siya, medyo malayo kasi sa amin. Vacation siya dito sa Pilipinas.

 

 

“Fumiko!” I hugged her.

 

 

“HOY!” May lumapit sa akin tapos hinug ako mula sa likod then binuhat niya ako pataas. “Namiss kita. Matagal kitang hindi nakita.” Ang clingy ng pinsan kong ito.

 

 

“Akira! Ibaba mo ako!” Sabi ko.

 

“Ayaw!”

 

 

“Fine, baka gusto mong—“

 

 

“Hindi joke lang eto na nga oh.” Saka niya ako binaba. “Eto naman, huwag mo akong saktan please.”

 

 

“Bat naman kita sasaktan? Sasaktan lang kita sa yakap! Namiss kita!” Sabi ko sa kanya at niyakap ng sobrang higpit. Hindi man kami laging nagkikita, may communication pa din.

At thankful ako, nandito silang lahat. Akala ko tuluyan na akong malulungkot kaya nga ako umalis ng Japan e. It’s good to be back.

June, start of classes.

Fourth year high school ako. Bakit? Kasi trip ko. Joke lang, hindi ko tinapos yung last year ko kaya tapusin ko daw dito.

 

“Good Morning class. This is your new classmate, she’s from Japan. Treat her well.” Sabi ng adviser namin. I smiled at nagbow. Treat her well? Bully ba tong mga to?

Pinaupo ako ng Teacher namin sa pinakadulo. Nagorient lang teacher namin dahil umpisa pa naman ng klase, ng umalis na siya pinagkaguluhan na ako ng ilan. Hindi ko alam kung bakit.

 

“Anong name mo?” Tanong sa akin nung babae sa right.

 

 

“Azumi.” Sabi ko.

 

 

“Ilang taon ka na?”

 

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora