CHAPTER 36: Club Day

14.7K 286 0
                                    

ALYANNA'S POV:

"Sorry na!" Jessica said to me while pouting

"I'm so sorry! I didn't expect that Sir Jim would punish us again!" sabi niya ulit sakin habang naglalakad kami papunta sa may classroom pero hindi ko pa rin siya kinikibo

After nung away nila kahapon sa detention room ay di ko sila kinikibo, as in silang tatlo. Sa totoo lang magkakasama kaming lima simula kaninang umaga at si Ernest lang ang kinausap ko since hindi naman siya kasali sa nangyaring away kahapon dahil sa tahimik lang siyang nanunuod.

"Ysabel!" tawag niya sakin sabay hawak sa kamay ko kaya naman ako napatigil sa paglalakad

"Please!" naka simangot na sabi niya sakin and I can see in her eyes that she's about to cry

"Next time, you need to control your temper!" seryosong sabi ko sa kanya kaya naman tumango siya

"Yung alam mong maiksi ang pasensya mo tapos yung dalawang yun pa talaga ang kinalaban mo! At tsaka alam mo naman na mabilis rin mapikon yung dalawa at kung gaano kaiksi ang pasensya nila" seryosong sabi ko ulit sa kanya tapos bigla niyang pinagdikit yung dalawang palad niya na para bang nagmamakaawa

"I promise that won't happen again. If you want, I will talk to those two!" sagot niya kaya naman inirapan lang siya

"As if" sarcastic na sagit ko naman sa kanya kaya tapos ngumiti lang siya

"Even if you talk to those two, like Sir Jim said, his decision won't change anymore, and that means it's compulsory for all of us to join all those clubs that he mentioned!" biglang sabi naman ni Ernest na naka tayo pala sa may likuran namin

"Hi, Ernest!" bati ni Jessica kay Ernest kaya naman ngumiti ito

"Why are here?" nagtatakang tanong ko sa kanya

"To inform your friend that we were asked to go to the faculty" sabi naman ni Ernest

"Faculty?" tanong ni Jessica sa kanya kaya naman tumango si Ernest

"Let's go then!" sabi ulit ni Jessica at akmang maglalakad na paalis pero lumingon ulit siya sakin

"See you in class" sabi niya sakin habang ikinakaway yung niya kaya tumango naman ako at tuluyan na silang naglakad papunta sa may faculty

At dahil naiwan nalang ako mag isa dito sa may hallway ay itinuloy ko nalang ang paglalakad papunta sa classroom namin.

Habang naglalakad ako ay naka salubong ko naman si Yvon kasama si Andrey.

"Hi, Ate Ysa!" masayang bati sakin ni Andrey kaya ngumiti naman ako

"Why are you alone?" tanong naman sakin nitong kapatid ko

"Jessica went to the faculty with Ernest" sagot ko naman sa kanya

"Ate Ysabel, I've heard that you're joining the dance club! I'm curious if you prepare your performance already?" sabi naman ni Andrey na siyang ikinagulat ni Yvon

"She's joining what club?" di makapaniwalang tanong naman ni Yvon

"C'mon! Didn't you hear what I said earlier about your sister joining the Dance club?" tanong naman ni Andrey sa kanya

"Dance Club?" nagtatakang tanong ulit ni Yvon kaya tumango naman si Andrey

At dahil dito ay bigla siyang tumingin sakin kaya naman ngumiti nalang ako dahil sa nakalimutan ko palang sabihin sa kanila na compulsory kaming sumali sa Dance Club.

Secretly Married To The Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon