1

21 0 0
                                    

I've been training since I was nine years old. It's been eight years, and I haven't had the chance to debut... yet.

"Okay, Y! You're done," sabi ni Teddy oppa sa 'kin.

"Kamsahamnida! Nice work!" I replied while taking off my headphones. I left the recording room at naabutan ko si Teddy oppa na nakaupo pa rin sa swivel chair niya. Linagay ko ang tumbler ko sa knapsack ko. Sinuot ko ang denim jacket ko at linagay ko ang face mask at cap ko. 

"Hey, Y," pagtawag ni Teddy oppa sa 'kin. Tumingin ako sa kanya.

"Ne?"

"Ayaw mo pa rin bang i-reveal ang sarili mo? Kahit sa company lang. Kahit 'yang mukha mo lang."

"I already revealed my face, oppa," sinuot ko ang knapsack ko.

"In MVs. Or as a background dancer," he pointed out.

"Or as an actress in random scenes," I added. "It's better for me to remain this way, oppa. I'm an asset." I winked. 

"Asset ka riyan. Nag-i-spark ka lang ng rumors, eh," nagrereklamo niyang sabi.

"More attention! More promotion!" natatawa kong sabi. "Una na ako, oppa~ male-late na ako sa vocal lessons ko, eh."

"Okay," sabi niya. Nag-wave ako sa kanya at nag-wave din siya sa 'kin. Binuksan ko ang pinto at saktong bubuksan din sana ni One sunbae na nasa labas ng studio. 

"Annyeonghaseyo," bati ko sa kanya.

"Annyeonghaseyo," nanginginig niyang sabi. Nauna na akong lumabas ng studio at ngumiti. Ganoon na ba kalakas ang epekto ko, pati sa mga sunbae ko? I'm amazing, really. Joke lang.

Nagre-record nga pala ako dahil ako ang kakanta sa demo ng rap-vocals song na ginawa ni Teddy oppa at ni One sunbae. Mailalagay ito sa debut album ni One oppa. 'Pag kukunin ito ng YG, maghahanap sila ng kakanta ng vocals na kinanta ko sa demo. Most probably BLACKPINK's Jennie Kim, or, para sa 'kin, ang best friend ko. 

A few people only know who I am, or my face. Ang alam lang talaga nila ay ang nickname kong 'Y' at ang mukha ko, and they know my real name, but aside from that, like where I'm from, and such, wala silang kaalam-alam. Basta sila-sila lang ang mga kasama ko. They're Jennie eonni, Teddy oppa, Dara eonni, GD oppa, Bobby oppa, Mino oppa, and Suhyun eonni. Si YG appa lang talaga ang nakakaalam ng lahat. May isang ex-trainee na nakakakilala rin sa 'kin. Lee Seoyeon, also my best friend. Nasa idol school na siya ngayon, I think it was because she wasn't able to debut in BLACKPINK.

It'll be years. It'll be years again bago sila magde-debut ng bagong girl group, pero rumor has it na magde-debut daw si YG appa ng bagong girl group. And rumor has it na isasama na nila ako, at ngayon na nila ire-reveal ang identity ko.

Ba't 'di pa ako nag-debut, you ask? Well, simple. Ayaw ko. 'Di pa ako handang mag-debut sa BLACKPINK or PINKPUNK. I was supposed to be the fifth member, but I told them I can't reveal my identity yet. Not now. But I guess pipilitin ako ni YG appa? 'Di 'yan tatalab sa 'kin. 

"Annyeonghaseyo," bati ko nang nakarating na ako sa kabilang recording studio. Soon, the vocal lessons began.

***

I knocked on YG appa's door. Pinagbuksan ako ng secretary niya. Binati namin ang isa't isa.

"The boss is in his office. Follow me," she said. I followed her to YG appa's office, and she spoke through the intercom. "Boss, Y-ssi is here."

"Let her in."

Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. I thanked her and entered YG appa's office.

"Annyeonghaseyo," I greeted him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YG Entertainment: YWhere stories live. Discover now