The Truth Behind Scarlet

11K 165 5
                                    

So, hi readers! Huhu! Ang laki na ng atraso ko sa inyo! Ang tagal kong hindi nag update. Pasensya na kayo. Ngayon lang ako nagkaroon ng time since it's our sembreak. So, guys bilang pambawi here comes my very first long update. I hope sapat na itong pambawi sa tagal kong hindi nag update.

P.S. Flashback ang halos buong chapter nito ok? Kung medyo nalilito kayo don't hesitate to ask me. Kapag italicized ang words automatic FLASHBACK YON. Magkakaiba ang scenes so sana maintindihan nyo.

~~~

A 7-year-old Scarlet was playing and smiling together with her friends. She is happy. No-she was happy.

"Alyanna akin na! Akin na! Akin na ang bola!"

"Eto na eto na. Eto na ang bola Scarlet! Teka! Inagaw ni Miranda ang bola scarlet!" galit na galit ang batang Scarlet sa narinig.

"Aken ang bola na iyan! Peste ka Miranda!" nagulat si Miranda at ang kaibigan nyang si Alyanna dahil sa sinabi ni Scarlet maging ang mga nanay na nandodoon. Kelan pa natutong magmura si Scarlet? Ang anghel na si Scarlet?

Dumating ang ina ni Scarlet at agad na inuwi ang anak. Dinala nya ito sa kwarto kasama ang ama. Kumuha sya ng sinturon at pilit na pinadapa ang anak. Parati niya itong ginagawa at parati namang sumusunod si Scarlet ngunit sa pagkakataong ito, hindi. Marahil ay napagod na si Scarlet sa araw araw na pambubugbog nito sa kaniya.

"Ayoko! Hindi ako susunod sayo! Hindi naman ikaw ang mama ko! Ayoko! Ayoko!" patakbo siyang lumapit sa ama niya at yumakap dito. That was the cycle. Scarlet never felt to be loved by her mother. Until nalaman niya na hindi naman pala ito ang tunay niyang ina, doon namuo ang galit sa puso ni Scarlet at sakit at the same time. Hindi niya naramdaman manlang ang pagmamahal na hinahanap niya. Indeed, her father loves her pero parati itong wala. Si Alyanna? They barely see each other. SI Alyanna nalang ang meron siya.

"Daddy ayaw ko sa kanya daddy! Hindi naman siya ang mama ko! I hate her! Ilayo mo siya sakin daddy!" Bilang isang spoiled na anak ni Reynaldo Simon Jones ay inalo niya ang anak at pinatahan ito.

"Reynaldo! Kailan pa natutong sumagot ang batang iyan!"

"Pabayaan mo na Emilia. Hindi mo narin naman siya dapat sinasaktan. Anak ko ang batang ito. Ako ang nakakaalam kung ano ang mas makabubuti sa kaniya." wala nang nagawa ang babae at hinayaan na lamang ang bata.

Tumagal ang ilang taon at ngayon ay 15 taong gulang na si Scarlett. Ang laki na ng pinagbago ni Scarlet. Bihira na siyang lumabas at parating tahimik sa sulok. Sa kwarto niya ay sinisira niya ang lahat ng laruan na bigay ng ina. Lalo na ang mga barbie.

"Peste! Dapat sa inyo sinisira! Ang papanget niyo! Dapat sinisira kayo! Aaaahhhhh!!!!"

Isang beses ay naglalakad siya pauwi. Hinahanap niya si Alyanna kanina ngunit hindi niya ito makita. Napagod na siya at umuwi na lamang siyang mag isa. Ngunit habang naglalakad siya dala dala ang baton niya na gamit sa majorette ay nakita nya ang tanging kaibigan na kasama ang isang taong ayaw nya. Si Miranda. Namuo ang galit sa loob ni Scarlet. Ilang oras siyang nag antay sa kaibigan at napagod na siya sa kakahanap dito ngunit nandito lamang pala ito at kasama ang taong nagpapainit ng dugo nya

"Natatakot na ako sa kanya Miranda. Nag iba na si Scar-"

Lumapit siya sa dalawa at hinila ang braso ni Alyanna. Napaaray naman ang huli sa ginawa ng kaibigan. Sinubukan namang pigilan ni Miranda si Scarlet ngunit hindi naging maganda ang kinalabasan nito.

My Husband's MistressWhere stories live. Discover now