TOP 7:

37 1 0
                                    

Sabi nga, kung kelan susuko ka na, saka darating ang isang milagro. Nung monday, muntik na akong sumuko after ng incedent na iyon, Parang ayoko nang magaral o mabuhay pa sa mundo, pero afterwards, nagbago ang ihip ng hangin. Napapansin na ako kahit papaano sa school, in a negtive way nga lang, pero alteast hindi na ako nagiging outcast at naiinis ko pa sila. Isang linggo kong makakasama yung ultimate crush ko na si James, at ngayon kinakausap na niya ako ng matino, feeling ko willing na rin siyang makipagaibigan saakin, sana, and now, matatapunan ka ng juice ng Girl crush mo, at sa wakas narinig ko na yung boses niya at nakita ko nang malapitan ang angelic face niya.

"Ako nga pala si Zheanne Lilet," inabot niya yung kamay niya., inabot ko din yung saakin pero nakatuod parin sa kinatatayuan ko, hindi na ako nakapag salita.

Natauhan lang ako nang ikinaway niya yung kamay niya sa muka ko. "Mia?" at ikinaway kaway parin niya yung kamay niya.

"Oh, nice to meet you." sabi ko sa kanya nang nagfunction na yung utak ko.

"Nice to meet you too, and I'm sorry natapunan kita ng juice." ang hinhin ng boses niya, para siyang modernong maria clara. Mukang napakabait pa niya. "Ito yung vest ko, ikaw na muna magsuot." sinimulan niyang i-unbutton yung vest niya,

"Nako wag na, vest lang ito, hindi naman yung mismong uniform ang natapunan ehh." Sabi ko, nakakahiya din naman kasi, at ayokong nakatanggal yung vest niya, baka mawala yung mariaclara image niya.

"Sure ka ba?" tumango ako at kinabit niya ulit yung buttons ng vest. "Ah, para makabawi ako, duon ka samin mag dinner mamaya." teka, yung girlcrush ko niyayaya akong i-date? sana talaga na document ko ang nangyari saakin this week.

"Oh no, nakakahiya sa family mo." sabi ko sa kanya, konting pakipot lang, pero alam ko na pipilitin niya ako. Ayoko namang um-oo kaagad, hindi naman ganuon ka kapal ang muka ko.

"Hindi, okay lang yan, wala yung parents and yung brother ko sa bahay. Girl bonding narin natin ito, matagal ko na kasing ikaw nakikita," Girl bonding? ang ibig bang sabhin, gusto niya akong maging kaibigan? sa bandang huli um-oo ako, gusto ko din siyang makilala, hindi lang para maging kaibigan siya, para malaman ko na rin yung ugali niya, family background, CRUSHES at hobbies para sa gagawin kong novel.

Hindi na kami nakapagusap ng matagal dahil kailangan na niyang pumunta sa next period niya, nag bell na din kasi ehh. Magkasing year lang kami pero magkaibang room.

~~~~~~~

"Grabe, ang daming nangyari ngayong araw." kausap ko si Klein ngayon, nagigitara siya pero hindi kumakanta. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang mag gitara. Ako naman nag pe-prepare para mamaya, nagpaalam na ako kay mommy na dun ako kila Zheanne mag di-dinner dahil niyaya niya ako. Syempre as usual na reaction, nagulat, dahil for the first time in forever daw ay may nagkainterest daw na yayain akong mag dinner.

"Kinakausap na ako ni James ang una." humarap ako sa salamin at kinuha yung brush at binrush ito sa buhok ko, simula kasi nung monday, hindi ko na tinirintas yung buhok ko, buhaghag parin yung buhok ko, parang yung buhok ni hermione granger sa harry potter. Nung monday napagtiyagaan ko lang na suklayin buhok ko kaya kahit papaano ay umunat ito.

"James?" sabi ni Klein habang nag-gigitara parin.

"Yeah, kamuka mo yun." napa okay reaction nalang siya. "And ngayon yung girl crush ko, niyaya akong mag dinner sa kanila."

"Girl crush?"

"Yap, yung taga diyan." itinuro ko yung bahay nila Zheanne at sinundan naman ng tingin ni Klein iyon. "Maganda iyon. And I think it's an opportunity para makilala ko siya, para sa story na gagawin natin." Maglalagay nalang ako ng lip gloss at tapos na ako sa pag peprepare. Aligaga akong kumikilos sa kwarto ko, first time kasi na makikikain ako sa ibang bahay.

The Outcast Princess - ON-HOLDWhere stories live. Discover now