TOP 2:

37 2 1
                                    

Umuulan nang sumilip ako sa Bintana namin, nakabukas nalang ang T.V at naghihintay ako ng anunsyo kung may pasok o wala, well Ambon lang talaga hindi ulan, in-OA-yan ko lang para maging ulan talaga. Kahit nerd ako kung  tawagin nila, tintamad din ako paminsan minsan.

Nakabihis na talaga ako ng uniform, sinusuklay ko ang buhok ko habang hinihintay ko na tawagin ako ni Mommy para ihatid na ako ng driver namin sa school. Naka salamin parin ako, sa C.R ng girls sa school na ako mag lalagay nng contact lens.

About sa nangyari kagabi kung nagwala si mommy sa pagkawala ng contact lens niya sa table, Hindi parin siya nagwawala dahil naalala ko, mas maaga akonng pumapasok kesa kay mommy, tiyak pag alis ko tsaka mag wawala yun dahil gagamitin niya sa office ang kanyang eye glasses.

"Mia, bumaba ka na dito." at last dumating din ang makupad kong driver, bumaba na ako na disappointed dahil hindi binalita sa T.V na signal number 3 kami. Ou ambon lang bakit ba. Pero okay lang, buti naalala ko ang aking effort para lang makuha ang contact lens ni mommy, naalala ko rin ang pagsisinungaling ko sa kanya na hindi ko na flush ang tae ko sa C.R ko, kaya naman, ok na rin na may pasok, atleast makikita ako ni James na iba at bago.

Deretso ako sa C.R ng Girls nung makalapag ako sa campus namin, nakayuko ako habang pinagmamasdan ako ng mga babaeng panget. Feeling ko tuloy ang liit liit ko habang pinagmamasdan nila ako. Makikita mo sila, nag memake up, may makikita ka pa sa gilid na may nag ki-kiss na babae. eww so lesbian parang hindi nila pinapansin ang mga tao. Sabagay wala naman silang pakielam sa isat isa, ako lang talaga ang tinitigan nila nnung pumasok ako, Ganuon ba ako kaganda?

Naghahalikan parin yung dalawa nung tinulak ko silang palayo sa pintuan sa isang cubicle sa C.R, parang hindi nila naramdaman kasi nahiga na sila sa sofa ehh err gross, tinanggal ko nalang ang tingin sa kanila. Ou may sofa sa loob ng C.R ng school namin, ano naman, trip nila yun ehh.

Dun na ako nag lagay ng contact sa loob ng cubicle, sobrang tagal ko dahil hindi naman ako sanay talaga maglagay ehh. pero woah, atleast nagawa ko. Lumabas ako ng cubicle at pinagtignan nila ako lahat, feeling ko napaka ganda ko ngayon at tumitingin sila saakin dahil nakakita sila ng dyosa.

"What the hell" rinig ko pa sa isang babae, kaya tinignan ko siya nang nakataas ang baba at proud na proud. Nakita ko ang iba, nagngingisihan, Hindi ko alam kung bakit ba sila nagtatawanan.

Aba, wala na rin yung dalawang lesbians, nahuli na siguro ng Teacher, o kaya baka nagsawa na sila, Pero hindi na iyon ang naisip ko, ang iniisip ko ngayon kung bakit sila nagtatawanan.

Tumingin ako sa salamin at nakita ko na naging dalawa ang bilog sa mata ko.

"haha hoy nerd, kahit anong gawin mo, nerd ka parin, wag ka na mag illusion." sabi ng isang babae habang inaayos ko ang contact lens, sana talaga sa salamin ako humarap habang naglalagay wehh.  Hindi talaga ako sanay maglagay, Stupid me.

"I don't need your opinion" sabi ko sa babae at nag woah ang mga babae na nasa loob. Lumapit saakin yung babae at hinawakan ako sa kwelyo ng uniform ko, ang lakas niya grabe, nabuhat niya ako, narinig ko pa na parang may konting napunit sa likuran ng uniform ko,

"Ano sabi mo." banggit niya saakin, sobrang lapit ng muka niya, naamoy ko pa ang hininga niya, infairness mabango pero dahil magkagalit kami ngayon, ang baho ng hininga niya.

"I dont need your opinion, bad breath" dinagdagann ko pa ang sinabi ko na lalong nagpakulo ng dugo niya, para siyang dragon na umuusok ang ilong sa sinabi ko, hindi ko alam kung tama ba na sinabi ko iyon sa kanya oh hindi, dahil mukang kaibigan niya lahat ng nasa C.R at ako lang ang nagiisa dito. Mukang gugulpihin nila ako.

"Aba, nnag contact lens ka lang Nerd ka, tumapang ka na, pampatapang ba yang contact lens mo." nangigigil na sabi ng babaeng maskulada. Mukanng kagagaling lang kasi sa gym ehh, puro pawis, naka pusod pa buhok niya, Sabihin na natin na maganda siya, maputi, pero dahil sa sobrang lakas niya, kung ako ay lalake, ma te-turn off ako sa kanya.

The Outcast Princess - ON-HOLDWhere stories live. Discover now