TOP 3:

39 3 1
                                    

Uwian na, mag aalas singko na. Nakakapagtaka dahil pagabell na pagka bell nagsitayuan lahat ng hinayupak kong classmates, nung lumabas ako sa pintuan, alon ng mga students ang makikita mo, sa sobrang daming estudyante, parang magkakaroon ng stampede kaya nag stay muna ako sa room.

Nagmuni muni lang ako sa loob ng room at nagisip isip ng mga bagay, naalala ko na naman ang nangyari kaninang umaga, nakakahiya, ilang lalaki din ang nakakita saakin, next time talaga mag sho-short na ako.

Hindi ko alam kung bakit, pero lahat ng students ata ng nakakasalubong ko napapangiti kapag napapatingin saakin. Ayaw ko na silang pansinin pero pag mga lalake ang nakikita kong ganuon ang ginagawa, feeling ko ni-bluetooth nila ang picture ko.

After 10 minutes ng pagmumuni muni, naisipan ko nang lumabas, kaninang mala alon na estudyante ay napalitan ng katahimikan, para bang zombie apocalypse ang ambiance niya. May hangin na sumisipol at yung mga kalat ng students ay nagliliparan, wala kang maririnig na nag kikwentuhan o mga yapak wala rin. kinakabahan ako.

ganto ang mga napapanuod ko minsan sa zombie apocalypse movie, naalala ko nung bakasyon kapag nanunuod kami ng pinsan ko ng T.V series na walking dead, bibili siya ng C.D at mag mo-movie marathon kami, ganitong ganito talaga ang ambiance niya.

"Hello??" tawag ko, um-echo lang ang boses ko sa buong corridor,  "may tao ba diyan?" nagsalita ulit ako, pero ganun lang din ang nangyari, nakakita ako ng tambo sa gilid at kinuha ito. Hawak hawak ko ito na parang sword habang naglalakad ako ng mabagal. Nakakatakot kaya baka mamaya may zombie nalang na sumugod saakin.

"Ahhh!" napatili ako nang makita ko ang reflection ko sa isang salamin dun sa pader, lumiko kasi ako sa kanan dahil duon ang daan palabas at dun ko nakita ang sarili ko. Parang bumagsak ang puso ko dun, wala paring nag re-react sa paligid. "Baka nasa labas lang sila" kalma ko sa sarili ko, pero hawak hawak ko parin yung tambo.

Bumilis ang lakad ko nang kumalma ako, hindi naman siguro totoo ang zombie apocalypse, nakababa na ang walis tambo pero hawak hawak ko parin. Kahit na nasa isipan ko na wala naman talagang zombie sa mundo mas maganda parin na safe ka. Kahit tambo lang ito, atleast may pamukpok sa ulo ng zombie.

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makarating ako sa labas ng building. pang 3rd floor ako kaya parang dumaan ako sa hallway ng kamatayan. lalo na sa second floor, hindi ko naisip na wala nga palang ilaw duon. Wala kasing bintana para makapasok ang sinag ng araw duon sa loob ng building, ilaw lang ang nagpapaliwanag sa hallway,  kaya hindi ko rin makita ang labas. At sa second floor? sobrang dilim, ang makikita mo lang ay ang liwanag sa dulo, This time hindi na zombie naiisip ko, kundi the grudge

Ang labas, ganun parin, Sipol ng hangin lang maririnig mo, at mga dahon na sumasabay sa hangin. Pero this time, hindi ma masyadong nakakatakot dahil maliwanag pa naman,  naglakad ako at inikot ko ang ulo ko, wala namang students, nandun parin naman sa parking area ang mga sasakyan nila at mga service, Pero nasan na sila? ano ito langoliers? oh baka naman may rapture, Oh no, nagsinungaling ako sa mommy ko kahapon, ninakaw ko ang contact lens niya at nakipag away ako kanina, Lord please patawarin ninyo na ako. Iiyak na sana ako nang makakita ako ng isang tao dun malapit sa gate, tumakbo ako papunta dun.

"Hello?" tawag ko at pagkasabi ko ng pagkasabi nun, biglang may mga papel na nahulog mula sa kabilang pader. papalapit na ako sa Gate nun, ibig sabihin, sa labas ng school nagmula ang mga papel na nagsipaglaglagan.

Nung una hindi ko pa makita kung ano ang nakalagay sa papel, kukuha sana ako ng isang papel na nakabagsak pero nang naaninagan ko sa isang papel na naka harap saakin, hindi ko na nagawang pumulot dahil nangilid kaagad ang luha sa mata ko.

Napaatras ako lalo na nang makita ko ang mga students na nagsilabasan sa kaniya kaniyang lungga, iba nakatago sa puno, yung iba naman naka tabon lang sa damo, yung iba umakyat sa puno yung iba sa labas ng campus, pero kahit na saan man sila nagtago isa lang alam ko, tumatawa sila ngayon at ako ang pinagtatawanan nila, pinagkaisahan nila ako.

The Outcast Princess - ON-HOLDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu