Chapter Fourteen:[Mr. Tanga and Ms. Manhid]

463 9 0
                                    

Chapter Fourteen:
[Mr. Tanga and Ms. Manhid]

by: zEroArzaeL

ANGEL'S POINT OF VIEW

Pagkatapos sumigaw ng pagkalakas lakas nitong Karl ay may mga taong dumungaw sa bintana. Mga usisero't usisera😒

"ANO?! TITINGIN NA LANG BA KAYO JAN?! MAGSIPAGHANDA ANG LAHAT PARA SA PAGBABALIK NG ATING REYNA!" malakas nyang sigaw rito kaya lahat nung mga nakadungaw ay nagsiwalaan sa paningin ko. May narinig pa nga akong nabasag sa loob😒

BIANCA'S POINT OF VIEW

Hello sa inyo! Ako nga pala ang nag iisang magandang dilag sa balat ng lupa! (A/n: Pasensya ka na pero walang balat ang lupa kaya mangarap ka na lang)

Napasimangot ako sa tinuran ng ating magaling na Author. Hmp! Bahala nga sya dyan sa buhay nya

By the way, magpapakilala uli ako sa inyo para masaya😄

Ako nga pala si BIANCA IMPERIAL. The THIRD PRINCESS OF THE WHOLE GANGSTER WORLD IN THE PHILIPPINES! 😉

Capslock pa talaga yan ha. Hmm. Nagtataka ba kayo kung bakit ang isang conyo girl na tulad ko ay hindi conyong magsalita sa isipan? Well, pag magsasalita talaga ako ay alien language na ang lumalabas. Ewan. Mongoloid ata ako. Hehe😅

So, balik tayo sa kasalukuyan. Eherm!

"Do we have a bagong member?" tanong ko kay Karl. Tumango naman sya sa tanong ko bilang pagsagot ng oo "Just make sigurado that they are palaban and have a respeto lalo na us. Cause if they bastos bastos us, they will tikim tikim may upper cut na malakas" sabi ko at pinakita sa kanya ang kamao ko. Napaatras naman sya ng kaunti

"O-oo naman. Sigurado ako sa bagay na yan" sabi nya kaya tumango na lang ako

Maya maya pa ay nagreklamo na ang kakambal ko. Hehe. Reklamador yang babaitang yan eh. Buti nga nabawasan na ang kadaldalan

"Can we make pasok pasok na sa loob cause I'm so inip na kanina pa" kunot noong pagsasabi ni Aira kay Karl. Hindi ko naman talaga actually kakambal si Aira. Hello! Castillo sya at Imperial ang apelido ko. Nasabi ko lang na kakambal ko sya dahil parehas kaming conyo

"S-sige. T-tara na" kinakabahang sagot ni Karl at nauna na syang maglakad kaya sumunod kami. Parang syang linta, di mapakali 😒

Pagkabukas nya ng pinto ay mga nakahilerang taong nakaitim ang bumungad sa amin. Seriously? Aattend ba sila ng burol? Libing?

Gumilid kami ni Aira pakanan at gumilid sila Khate and Karl pakaliwa. Nagsimula ng maglakad si Queen Diane  at nakapaskil sa kanyang mukha ang pagkaseryoso

Nang mapadaan sya sa harapan namin ay yumuko kami bilang paggalang. Yung mga taong nakahilera which is mga myembro ng Arzael Gang ay unti unting nahahawi pagilid at yumuyuko sila pag nadaanan na sila ng aming Reyna. Tomboy na Reyna😁

Nang tuluyan syang makapasok ay pumunta sa gitna si Khate. Sumunod si Aira. At sumunod naman ako. Sumunod rin pala si Karl. Teka, Prince na ba sya ng Arzael Gang?!😱

Nagsimula na ring maglakad si Khate, nang makalayo ng onte ay nagsimula na ring maglakad si Aira. Ganun rin ang ginawa ko at ni Karl

Lahat kami rito ay ginagalang, nirerespeto, kinakatakutan. Dahil kapag may mali ka lamang na nagawa, ay isang malaking kaparusahan ang iyong mapapala😏

Hanggang sa makarating kami sa long table. Nakaupo na sa pinakadulo si Diane. Umupo na rin kami para masaya😄

"Karl.." tawag niya kay Karl. Napaigtad naman sya bigla at napatuwid ng pagkakaupo bago tumingin kay Diane

"B-bakit? May p-problema ba?" nauutal nyang tanong. Namumutla na rin sya dala ng pagkatakot

"Ipatawag mo lahat ng mga bagong myembro rito nung mga panahong hindi na uli ako nakabisita rito. Gusto ko silang makita dahil alam ko ang gagong tao sa matino" mahabang sabi nya. Napatawa ako ng kaunti sa huli nyang sinabi. Grabe, wala parin pala syang pinagbago. Akala ko, kahit asdfghjkl..

"M-masusunod" tumayo sya at may lumapit kaagad sa kanyang lalake. Kinausap sya ni Karl at tumango tango lamang ito. Umalis na yung lalake kaya umupo na sya uli

"Hey. Karl." tawag pansin ni Khate rito. Ngunit para syang hindi nakikinig dahil nakatulala lang sya sa mesa at parang ang lalim ng iniisip. Grabe, nalunod ako sa sobrang lalim ah? K. Ang corny ko. Wag kayong tumawa

"Huy! Karl! Karl na unggoy! Punyemas Japan naman oo!" di na napigilang sumigaw ni Khate kaya napahagik hik kaming dalawa ni Aira na katapat ko lamang. Magkatabi kasi si Karl at Aira kaya magkatabi kami ni Khate. Katapat ni Khate si Aira kaya katapat ko si Karl. Nakuha nyo ba? Teka. Paano nyo makukuha eh wala naman akong pinapakuha? Kinukuha ba yung mga sinasabi ko? Edi wag nyong kuhanin! Mga magnanakaw pala kayo eh

(a/n: ang slow😒)

Heh! Tumahimik ka dyan author!

Napalingon naman agad si Karl sa kanya dahil sa gulat. Sino ba naman ang hindi magugulat sa mala megaphone na bunganga ni Khate?

Napawi ang kanyang pagkagulat sa pagkainis

"Anong sabi mong babaeng may regla?!" inis na sigaw ni Karl rito. Nainis naman si Khate kaya dito na magsisimula ang muli nilang pag aaway😪

"Paano mo nalamang may regla ako?! Bakla ka ba?! O baka naman nagpatransplant ka kaya alam mo yung feeling ng nireregla!"

"Excuse me---"

"Ang luwag luwag ng daan, mag eexcuse ka pa! Tanga mo rin eh no?!"

"Wow! Ako pa talaga ang tanga ha? Coming that kind of word from you? Unbelievable!"

"Anong anbelibabol anbelibabol pinagsasasabi mo dyan. Ano? Di ka makapaniwala na tanga ka?!"

"Kumpara naman sayo, mas tanga ka! Nag aala giraffe nga pag exam eh!"

"Excuse me----"

"Ang luwag luwag ng daan, mag eexcuse ka pa?! Tanga mo rin eh no?!"

"Aba't siraulo kang unggoy ka ah?! Line ko yun bakit mo ginaya?! Ha?!"

"Itikom mo yang bibig mo, nagsisipasukan yung mga langaw dahil sa mala imburnal mong hininga. Atsaka, sa'yo ba yung line na yun? Di naman ah! May pangalan mo ba?!"

"Letse ka talagang hinayupak kang unggoy ka! Ang yabang mo!"

"Aba! Ako pa talaga yung mayabang ngayon. Eh ikaw nga tong unang nag yabang eh"

"Eh niyabangan mo rin ako eh. Sino ngayon ang mas mayabang sa ating dalawa?!"

"Pag ako naasar, malapit na akong mainis"

"Wala akong pake, teka, matraffic. Hintayin mo muna"

"Marunong akong maghintay, pero sa tagal ng aking paghihintay, yung puso nya, di napasaakin ng matagumpay"

"May puso ba yung pake ko?! Antanga mo talaga no?!"

"Huwag kang magyabang. Kasi ako, kahit gaano ako katalino, di ko pinagyayabang. Dahil may isang katangahan akong ginawa kaya wala akong karapatang magyabang. Alam mo kung ano yon?"

"Malamang hindi! Bobo neto"

"Ang katangahang nahulog ako sa taong hindi naman ako kayang saluhin" napatahimik si Khate dahil sa sinabi ni Karl

"Edi dakilang tanga ka talaga. Bat ka ba kasi nagpahulog kung alam mo rin naman palang di ka sasaluhin. Unggoy ka na nga, tanga ka pa. Ano to? Kapeng 2 in 1?" napasapo ako sa aking noo dahil sa pagiging slow ng utak ni Khate. Ang manhid nya. Halata naman kasing may gusto sa kanya si Karl pero hindi nya man lang maramdaman

Ang Syota Kong Tomboy!Where stories live. Discover now