Ikapitong Kabanata:[Who did that?]

488 13 0
                                    

Ikapitong Kabanata:
[Who did that?]

by: zEroArzaeL

ANGEL'S POINT OF VIEW

Lumabas na ako sa dressing room ng matapos na akong mag ayos sa sarili

Di ko na rin makita ang President Andrea na yun!

Napabuntong hininga muna ako bago ipikit ang aking mga mata. Kinakabahan ako. Kaya kailangan ko munang ikalma ang aking sarili

"Good afternoon to all of you, students of Stevenson University. We all gather you here for some reason. And that is you will now see the one and only owner of this school. Are you all excited?!" napamulat agad ako ng mata nang magsalita na yung emcee sa stage. Fuck! Bat di ko alam na ipapakilala na pala ako sa lahat na ako yung may ari?

"Let us all welcome. Ms. Angel Diane Stevenson!" pagkabanggit non sa pangalan ko ay dahan dahan akong lumabas sa likod ng back stage kahit medyo kinakabahan pa rin ako. Kaya mo yan, Angel! Kaw pa! Aja!

Naghihiyawan pa rin sila pero agad silang natahimik nang makita nila ako sa harapan

Hanggang sa makarating ako sa tabi nung emcee, nagsimula na silang magbulong bulungan

d-.-b

'What? siya yung owner nitong school na pinag aaralan natin?'

'Ay hindi, kakasabi nga lang diba?'

'Toh naman, parang naninigurado lang eh'

'Teka, tomboy yan diba? Yung dyosang tomboy ng section one?'

'Oo tol, ang sayang nga niya eh'

'Haay. Ang ganda niya talaga sa malapitan'

'What the fuck?! Siya yung owner nitong school?! No way!!'

'Yes way, Angelica. You can't do anything about it'

'Aaaargh! Nakakainis isipin na ang nag mamay ari nitong school ay tomboy! Feeling lalake! Feeling gwapo kahit hindi naman! Aargh!'

'Manahimik ka nga! Tinitignan ka na ni Ms. Angel o'

'Tss. Wala akong pakealam!'

Napairap na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga stupidyante dito

"So for now, may we call for our Chairman. Mr. Frederick Stevenson. The one and only grandfather of Ms. Angel" kung kanina ay nagbubulungan sila tungkol sa akin. Ngayon ay natahimik sila at bakas ang pagkatakot sa kanilang mukha. Kahit ako ay nakaramdam ng takot at panlalamig. Ngunit hindi ko iyon pinahalata. Dahil kilala rin ako bilang isang matapang na estudyante.

Napalingon ako sa back stage kung saan ako nanggaling, nalipat kasi yung spotlight na nakatutok lang sa akin kanina lang

Lumabas naman doon ang isang kagalang galang na ginoo na siyang kinatatakutan naming lahat

Nang mapalingon siya sa akin ay nasilayan kong muli ang kanyang mababangis na mata, walang kaekspre expresyon na mukha. Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa rin na ngitian siya kahit hindi niya rin naman ako ngingitian. Pero laking gulat ko na lang ng ngitian niya rin ako pabalik. Mabilis ang nangyare kaya nasisiguro ko na hindi yon napansin ng iba

Hanggang sa makarating siya sa tabi ko

"Let's give a round of aplause for our Chairman!" sabi muna ng emcee bago iabot kay Lolo yung mic. Nagpalakpakan naman silang lahat

"Ehem!" pagtitikhim ni Lolo kaya natahimik sila "Good afternoon to all of you. Sa lahat ng hindi pa nakakakilala sa akin, ako si Frederick Stevenson, ang nag iisang Chairman ng eskwelahang ito" pagpapakilala niya. Huminga muna siya ng malalim bago ituloy ang pagsasalita "Naparito ako dahil napag alaman kong marami sa inyo ang hindi sumusunod ng rules and regulations sa paaralang ito. Kahit hindi ako ang may ari nitong eskwelahan ay may karapatan akong mangealam hindi dahil bilang isang Chairman kundi bilang isang Lolo ni Angel" saka ako inakbayan ni Lolo. Napaawang naman ang bibig ko sa gulat. Napatingin ako kay Lolo at nakangiti siya sa akin. Yung kabang nararamdaman ko kanina lang ay unti unting nawawala dahil sa ngiting yon "As i said, marami sa inyo ang nag di disobey ng rules. May mga listahan ako ng mga pangalan ng mga pasaway na ito." agad sinenyasan ni Lolo si President Angelica na lumapit kaya lumapit ito. Nakita ko naman na may iniabot siyang papel kaya umalis na rin siya

"Makinig kayong mabuti dahil magkikita tayo bukas sa disciplinary room kayong mga estudyanteng hindi sumusunod!" mas lalo lamang silang kinabahan noong naramdaman nila ang galit sa tono nito. Hindi ko sila masisisi. Nagulat na lamang ako nung may papel sa harapan ko. Kinuha ko naman iyon agad bago abutin ang mic na nakay Lolo

"Listen. Lahat ng babanggitin kong pangalan ay pumunta sa gilid ng stage" paunang salita ko. Di naman sila nagsalita kaya itinuloy ko na "Angelo Dela Cruz, Christopher Lopez, Alexander Sanchez, Mark Pangilinan, John Michael Fajardo, Andren Bautista and.... K-kyle Laurence Monteverde. That is for boys" sabi ko. Bakit kasama tong ulupong na to? Nakita ko naman sa di kalayuan ang mga estudyanteng naglalakad patungo sa gilid ng stage "Angelica Dela Fuente, Jamie Fier, Tiffany Riberal, Natalie Park, Nanami Misatokazi" pagbabangit ko naman sa mga pangalan ng babae. Nakita ko naman tumayo yung dalawang babae sa harapan malapit sa stage. Sila yung kanina na nag uusap. Makahusga kala mo kung sinO!. Bigwasan ko to eh

Magsasalita pa sana ako kaso parang may kung anong tumama sa likuran ko

Lahat sila napatayo dahil sa narinig nilang pagputok ng b-baril

Napaluhod ako dahil sa panghihina, ramdam ko rin ang tuloy tuloy na pag agos ng dugo mula sa likod ko na tinamaan

Parang nablangko lahat at hindi ko na rin maintindihan ang mga naririnig kong sigawan

Nagdadalawa na yung paningin ko at parang inaantok ako

Bago pa man lumanding yung likod ko sa sahig ay naramdaman kong may mga bisig na sumalo sa akin

Inaninag ko ang gagong makapal ang mukha na hawakan ako at nakita ko si Kyle. Whut? Si Kyle?!


Mas lalo yata akong nanghina kaya tuluyan na akong nilamon ng dilim

Hello dreamland! 👻👻👻👻

Ang Syota Kong Tomboy!Where stories live. Discover now