Ikawalong Kabanata:[Boyfriend?!]

481 14 0
                                    

Ikawalong Kabanata:[Boyfriend?!]

by: zEroArzaeL

KYLE'S POINT OF VIEW

Nang marinig at makita ko ang nangyare. Parang naging mabagal para sa akin lahat. Di ko namalayan na nasa bisig ko ang katawan ni Angel na ngayon ay nanghihina. Di ko alam ang gagawin ko. Makita pa lang na ganito ang nangyari sa kanya, parang tinarak ng tinarak ang puso ko

Nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon pero ipinagsawalang bahala ko na lamang muna at itinuon ang atensyon sa kanya

Agad ko siyang binuhat at tinakbo papuntang parking lot. Hindi siya umaangal dahil nawalan na siya ng malay

Natataranta ko siyang ipinasok sa loob ng sasakyan. Sa backseat. Mabilis naman akong pumasok sa loob ng kotse ko at umupo sa driver seat. Nang hawakan ko na ang manibela ay agad akong binalot ng kaba at panginginig. May dugo. May dugo ang kamay ko. Dugong galing kay Angel. Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay nagawa ko pa ring paliparin ng mabilis ang kotse ko patungong hospital

Pagkarating ay agad ko siyang binuhat at pumunta sa nurse station. May sumalubong naman sa aking nurse

"Ano pong nangyare?" tanong nito kaya nakaramdaman ako ng inis

"Miss! Nakikita mo na nga diba?! Kung kumuha na kaya kayo ng stretcher at dalhin na siya sa operating room?!" di ko na napigilan at nasigawan ko na siya. Nagulat naman siya sa pagsigaw ko

"S-sir. Kumalma po m-muna kayo. Tatawag lang ako ng mga magbubuhat sa kanya gamit ang stretcher" uutal utal na sabi niya saka kinalikot ang telepono

Di na ako makapag antay! Nauubusan na ng dugo si Angel eh!

"Ano? Balak niyo pa ba siyang gamutin?! Napakawalang kwenta niyo naman! Nauubusan na ng dugo yung tao oh! Di pa rin kayo kumikilos! Pvtang ina!" napamura na rin ako dahil sa inis

Agad agad namang may dumating na mga nurses na may dalang stretcher at inihiga si Angel doon. Mabuti naman. Nangawit ako ng onte eh

Sumama ako hanggang sa makarating sa O.R (operating room). Pero hinarangan ako nung doktor nang balakin kong sumama hanggang sa loob. Umiling iling siya sa akin na para bang ipinapahiwatig niya na sila na ang bahala doon at bawal akong pumasok

Napaupo na lang ako at napasabunot. Di ko alam pero sobrang kinabahan ako nang makita kong nabaril si Angel. Di makayanan ng sistema ko ang nasaksihan

Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Bakit? Bakit ako umiiyak? Why am i crying?! (in english mo lang eh)

Anong ginawa mo sa akin ha? Angel? Bakit kaya mo akong paiyakin ng ganto? Bakit kaya mo akong pag alalahanin ng sobra samantalang mag kaaway tayo? Na kakakilala pa lang? Bakit pakiramdam ko, naging parte ka na ng buhay ko? Na isa ka sa malaking parte ng nakaraan ko?

SOMEONE'S POINT OF VIEW

"Ano? Masaya ka na ba? Pwede naman na siguro akong umalis?!" kanina pa tong hayop na to ah. Pero, natuwa talaga ako sa nangyare kanina lang

Hahahahahahaha!

"Manahimik ka! Baka gusto mong ikaw ang isunod ko?!" galit na sigaw ko. Tinignan niya lang ako ng bored look na nakapagpainit pa lalo ng ulo ko

"Whatever" tanging nasabi niya bago lumayas sa harapan ko. Aba't gago yun ah? Layasan daw ba ako? May iuutos pa ako sa hayop na yun eh

"Bumalik ka ditong hayop ka!!!!!!!" malakas na sigaw ko. At alam kong rinig niya ang napakaganda kong boses. Pero ang hayop, di man lang lumingon sa akin

Aish! Isa pa to eh! Sasapatusin ko na ngala ngala niya. Makita niya.

Agad na naman na pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina

Una pa lang yan. Siyempre may pangalawa. Alangan pangatlo agad eh wala pa ngang pangalawa. Bobo niyo rin eh. Basta. May susunod pa. Di ko alam kung kailan. Pakialam niyo? Kayo isunod ko diyan eh. Psh! Makaalis na nga. Dinadamay niyo pa ako sa kabobohan niyo eh

KYLE'S POINT OF VIEW

"Where's my apo?!" agad umalingawngaw ang malakas na sigaw ng isang lalake. Pamilyar ang boses nito sa akin

Napaangat ako ng tingin at nakita ko malapit sa kinauupuan ko ang lolo ni Angel. Ang Chairman ng school na pinapasukan ko

Tumayo ako at inayos ang sarili bago lumapit sa kinaroroonan ng Chairman

Napalingon naman siya sa akin at agad nangunot ang kanyang noo

"Ikaw. Ikaw ang nakita kong nagbuhat sa apo ko. Nasaan siya?" mahinahong tanong niya pero mahihimigan mo ang pagkaotoridad nito

"N-nasa operating room po. Kasalukuyang inooperahan" mahinang sagot ko. Sapat na marinig niya

Di siya umimik. Nakita ko na lang na nilagpasan niya ako at nagmamadaling pumunta sa OR

Tahimik lang akong sumunod sa kanya

"Hello?........Punta kayo dito ng asawa mo sa hospital.....Si Angel nabaril.....Malapit sa Stevenson University......Bilisan niyo dahil may apointment pa akong pupuntahan.....Sige sige.....Mag iingat kayo" rinig kong pakikipag usap niya sa telepono

Umupo na lang ako at napatulala sa kawalan

Kita ko. Kitang kita ng dalawang singkit na mata ko ang bumaril. Di ko matukoy kung babae ba siya o lalake. Parang babae kase base na rin sa hubog ng katawan. Pero Parang naman lalake kase hindi mahaba yung buhok. Nakacap siya ng itim. Di rin klaro ang mukha niya dahil nasa madilim na parte siya nakatayo

Bakit? Kahit tomboy si Angel, kahit matabil dila niya, kahit feeling gwapo siya, kahit kaaway ko siya, hindi niya deserve ng ganun. Alam kong mabait siya

"Iho!!!" nabalik ako sa kasalukuyan ng sigawan ako sa mukha ni Chairman. Napatayo ako bigla dahil sa gulat

"A-ano po 'yon?" nahihiya kong tanong. Buti na lang at nagawa ko pang magsalita sa sobrang kaba

"Pwede bang, pakibantayan mo muna ang apo ko? Hanggat wala pa ang magulang niya?" pakiusap niya sa akin. Totoo ba to? Nakikiusap ang Chairman sa akin?

"Opo naman po" magalang na sagot ko

"Boypren ka ba ng apo ko?" nagulat ako sa tanong niya kaya napatingin ako agad. Magsasalita pa sana ako kaso "Hahahaha! Kung boypren ka nga ng apo ko. Wag ka na masyadong mag po at opo sa akin. Atsaka, you can call me Lolo from now on. So, aalis na ako. Alagaan mo ang unica ija namin" nakangiting sabi niya tsaka ako tinapik tapik sa balikat bago lumayas sa harapan ko

Loading.....

Processing.....

Downloading.....

Twerking.....

100%

Putapete! Watdapak?! B-b-boyfriend!

Boyfriend ako ni Angel?!

Ang Syota Kong Tomboy!Where stories live. Discover now