Introduction:

5.2K 116 3
                                    

Copyright 2018 by ZdnElle

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Grammatical Error, Typographical Error AHEAD!
---------

Papalubog na ang araw, kaya napagdesisyunan ko nang ligpitin ang tinda namin, sakto naman at ilan nalang ang natira

"Ne, sandali bilhin ko na yan lahat" Napatigil ako sa pagbalot at plinastik ko ang mga natirang isda. Isang kilo din ang inabot

Nag abot siya ng isang daang buo.

"Sayo na yung sukli ne, salamat" Saad ng babae

"Salamat din po. Ingat po kayo" Sabi ko at ngumiti.

Inayos ko na muli ang mga gamit at naglakad na pauwi.

May pwesto kasi kami sa gilid ng palengke, nagtitinda kami ng isda.

Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si Tatay na nanunuod ng balita, at nasa tabi naman niya si Tita Elisha ang nanay-nanayan ko.

"Buti at maagang naubos?" Tanong ni Tatay

"Opo" Inabot ko kay tatay ang lahat ng napag bentahan at tsaka ako nagtungo sa likod ng bahay upang hugasan lahat ng ginamit sa pagbenta, pagkatapos ay naligo na ako tsaka nagbihis.

Kahit naman mahirap kami may sarili akong kwarto, maliit nga lang. Katwiran kasi ni tatay ay dalaga na daw ako

"Sera, kain na tayo" saad ni tita elisha.

"Opo" Nagpapasalamat lang talaga ako dahil, kahit na nanay nanayan ko si tita elisha ay napakabait nito sa akin.

Nagtungo kami sa hapagkainan at nanalangin kami tsaka kumain.

Pagkatapos kumain at mag-hugas ng plato ay napagdesisyunan kong lumabas muna ng bahay at maglakad lakad.

Maganda kasi sa syudad namin, tahimik at walang krimen, maganda kasi ang pamamalakad ng mayor namin.

Habang naglalakad ay napatigil ako napatingin sa nag iisang napakalaking mansion sa buong lugar namin.

Ang Mansion ng Alleris

Mababait ang pamilyang alleris, kahit na mayaman sila hindi sila matapobre.

Naglakad na ako muli, ngunit hindi pa ako nakakalayo ng may marinig akong sigaw ng babae.

Mahina ngunit sapat na upang matukoy ko na sa loob ng mansion nanggaling ang sigaw.

Papasok ba ako o papasok?

Ano kayang nangyari sa loob? Baka may mga masasamang tao ang pumasok sa loob at sinasaktan ang pamilyang alleris!

Dahan dahan akong naglakad sa gilid ng mansion at tinalon iyon upang makaakyat sa taas.

Nang makaakyat ako ay agad din akong tumalon pababa. Tsaka nag-tago mahirap na baka mahuli ako

"Aaaaaaaahhhh!" Narinig ko nanaman na may sumigaw kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko, at mas lalong gusto kong malaman kung anong nangyayari

Napunta ako sa likod ng mansion at may nakita akong pinto. Sinilip ko ito at walang tao

Pumasok ako sa loob at puro washing machine ang nandito. May pinto nanaman, binuksan ko ito at lumabas madilim ang paligid

Naglakad ako ng dahan dahan hanggang sa nakarating ako sa mahabang pasilyo.

"Aaaaaaahhhh!" Ayan nanaman.

Sinundan ko ang tinig na narinig ko at nakarating ako sa isang hagdan.

Hagdan patungo sa baba?

Anong floor ba ito at may baba pa? Nagdirediretso ako hanggang sa may isang pinto na nandoon sa dulo

May ilaw na nagmumula sa maliit na parang bintana sa pinto.

Sinilip ko ito at ganun nalang ang pagkabigla ko ng makita kong may isang lalaki na kagat-kagat ang leeg ng babae at puro dugo ang paligid nito

Napatakbo ako paakyat sa sobrang takot.

Ano iyon?! Mga aswang ba sila?

Takbo pa din ako ng takbo hanggang sa nakarating ako sa malawak na sa sala.

Nakita ko naman ang pinto nila hindi kalayuan at tinakbo ko ito, ngunit hindi ko pa nahahawakan ang pinto ay may humawak sa tyan ko

Napatigil ako at naramdaman ko na inaamoy nito ang leeg ko, hanggang sa pinasadahan niya ito ng dila niya.

Gusto kong sumigaw ngunit parang natutop ang bibig ko at wala akong nagawa kundi manahimik.

"Trespasser" Saad niya.

"S-sorry" Hindi ko alam kung saang lakas ng loob ko hinigot iyon, ngunit nakapagsalita ako.

"Should i kill you?" Tanong niya.

"H-h-huwag po, gagawin ko lahat. Huwag mo lang akong patayin please!" Pagmamakaawa ko

"Be my slave"

"Slave? As in alila?" Tanong ko.

"Yes."

"Pero di mo na ako papatayin?"

"Depende kung di mo ako susundin, papatayin kita. Pero as long as marunong kang sumunod. Hindi kita papatayin"

Napabuntong hininga na lang ako, at tumango.

"You belong to me now" Ayun lang ang huli kong narinig at naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa likod ko

Napasigaw ako ngunit hindi din narinig dahil tinakpan niya ang bibig ko. At agad akong nawalan ng malay

The Vampire's SlaveWhere stories live. Discover now