Kailangan kong makausap yung maga-asawa tungkol dito. Sasabihin ko na din sa tatlo.

"HUY!" Nabalik yata ako sa huwisyo nung may humiyaw.

"Oh?" Tanong ko sa tatlo.

"Recess na po kaya. Nakakahiya naman sa'yo, kanina ka pa nakatulala diyan." Sabay irap ni Aya.

Katarayan ng babae na 'to, itapon ko siya sa kanal eh.

Inikot ko yung paningin ko at kaming tatlo na nga lang yung nandito sa room.

Ay teka.. Pinapapunta kami nila Mrs. Fajardo sa opisina nila.

"Tara na. Pinapapunta tayo sa opisina diba?" Tumayo ako at lumakad na kasunod yung tatlo.

Maraming nagbubulungan habang nakatingin sa amin. May narinig pa ko kung magpinsan daw ba talaga kami ni Ethan.

"Bakit ba kasi sinabi ni Mrs. Fajardo na magpinsan daw kayo?" Usisa ni Mika.

"Ewan ko din. Tanungin na lang natin." Sagot ko at mas binilisana na lang ang lakad.

Nang makapasok kami sa opisina, nakita namin yung apat na katabi yung kanya-kanya nilang ina.

"Good you're here.. Please take your seat mga iha." Sabi ni Mrs. Quizon.

Tinignan namin yung paligid. Wala ng uupan. Nagtinginan kaming apat tapos sumalampak na lang sa lapag.

"Seriously Mom? Gaano sila kahirap at ganyan sila umasta?" Tanong ni Sir Dane.

"Dane. I didn't raise you up with that attitude!" Seryosong saad ni Mrs. Ramos.

"Sorry.." Yumuko si Sir Dane.

"Why did you tell to our classmates that she's my cousin?" Mahinahong sabi ni Sir Ethan habang tinuturo pa ko.

"Knowing the people studying here son. They are bully to those commoners. Kaya mas mabuti ng alam nila na magpinsan kayo ni Ela para hindi nila sila paglaruan." Paliwanag ng mama niya.

"Pero kaya naman po namin yung mga sarili namin." Singit ni Yumi.

"Tama po. Kung ano man po yung gagawin nila sa min, hindi naman po namin papansinin yun." Dugtong ni Mika.

"At gusto po namin, kung magkakaron man kami ng kaibigan dito sa eskwelahan na 'to, yung tanggap kami kahit ano mang estado ng buhay namin." Sabat pa ni Aya.

Napatingin ako kay Ethan na nakatingin din pala sa kin. Pero yung tingin niya parang naiinis.

Hindi naman ako yung may gusto nun. Ayoko dim naman maging pinsan siya.

"No.. Hindi niyo kilala ang mga tao dito mga iha. So you four guys, you will always guide them okay?" Sabi ni Mrs. Quizon.

"Wait.. Wait Ma. Sila ang Maid namin diba? Bakit kailangang kami pa ang magbantay sa kanila?"

"Tama. Ano 'to tita? Balikan lang? Bodyguard nila kami tapos maid namin sila?" Dugtong na tanong pa ni Andrei.

"No... Pero pwede din. Sa bahay niyo lang naman sila Maid. You should treat them as your friend dito sa school. And Ela as Ethan's cousin." Sagot ni Mrs. Guevarra.

"Hindi na po---" sasagot pa sana ko pero pumigil na sila.

"That's our decision. Kami ang nagpapa-sweldo sa inyo kaya susundin niyo kami." Sabi ni Mrs. Fajardo.

"Pero hindi niyo kami pinapa-sweldo kaya pwedeng hindi kami sumunod." Sabi ni Andrei.

"But we can not give you your allowance per week. Try us young men. Sa kanila nakasalalay ang allowance niyo." Nakangising sabi ni Mrs. Ramos. Tuso din 'to eh noh?

My GuardianWhere stories live. Discover now