Diary of an EXO Fangirl

1.8K 46 20
                                    

Alam mo naman sigurong masakit magmahal diba? Lalo na sa taong hindi ka naman kilala. 

Yung tipo bang unti unti na silang gumagawa ng mga proyekto na alam mong hindi kakayanin ng puso mo, yung mga proyektong may nakalaang "kissing scene". Yung kissing scene daw na kahit kalat na kalat na ito online patuloy mo pa ding sinasabi sa sarili mong "Wala yan, rumor lang yan. Rumor era naman lagi diba?

Ang masaklap pa, International fan ka lang. Walang social life sa labas unless kapwa kpop fan mo yung makakaharap mo.

Masaya naman maging fangirl diba? Masaya kaso masakit din. 

Kapag nakabasa ka ng post ng iba online tulad ng "REALTALK Ayaw mong magkagirlfriend idol mo, anong gusto mo? Sayo magkagusto? Asa ka pa!" Yang mga post ng mga anti-kpop pero wala, hindi mo na lang pinapansin kasi alam mong may pag-asa pa. Oo, umaasa ka kahit hindi mo aminin sa sarili mo.

Kapag may fanwar, asan ka? Ayun, nakikipagtalakan online. Nakikipagsiraan, nakikiepal sa away ng may away kasi ayaw mong sinasabihan nila ng masama yung OPPA mo. Masakit diba? Masakit.

Pero alam nyo din siguro ang masayang parte ng pagiging fangirl? Ito yung kapag magrerelease sila ng bagong kanta, comeback shows at mananalo sa awarding sobrang sarap sa pakiramdam kasi alam mong alam ng EXO na maraming nagmamahal sa kanila. 

Diary of an EXO FangirlWhere stories live. Discover now