“Arrrg lowbat bakit ngayon pa” Nakailang isaw, at dugo si Deh Mil. Nilibre pa nga niya yung batang mukhang uling eh para may kasama lang siya.

“Ate maganda naman po kayo bakit naka-jacket kayo eh ang init dito?”

“Eh kasi new fashion yan, you know kailangang makisabay” sabi niya sa pulubing bata.

“Eh bakit ang laki ng glasses niyo, gabi na po wala ng araw”

“kumain ka na nga lang, nilibre na nga kita eh” sabay abot pa ng ilang isaw sa bata para manahimik nalang.

*
Pauwi na rin si topher sa kasalukuyan at traffic sa highway kaya naisipan niyang dumaan sa ibang lugar. Naasar siya kasi hindi na siya pinlit ni de mil na kausapin siya. Gusto niya kasing lambingin siya nito kaya lang di effective. Kaya napagdesisyunan niyang bukas kakausapin na niya ito.

Natanaw niya nag sasakyan ni deh mil na nakapark sa tapat ng mga isawan kaya nagpark din siya sa likod ng kotse nito. Nakita niyang nakikipag usap siya sa isang pulubing bata na iisa lang ang tsinelas.

“Ate may boyfriend po kayo?” tanong nung batang babae.

“Ahm yata” hindi sure na sagot nito

“bakit po yata?”

“It's complicated” sabay hawak ni deh mil sa sentido niya at minasahe ito.

“Nahihilo po ba kayo? Gusto niyo i-massage ko kayo? Dati ginagawa ko yon pero may bayad sampung piso isang oras”

“Nasaan ba yung magulang mo?” pag-iiba ni deh mil ng usapan

“wala hindi ko po alam” malungkot na sabi nung pulubi

“Eh saan ka nakatira?”

“eh di sa kalye, bobo lang ate?”

“wag ka ngang magmura, ang bata mo pa eh, hala kumain ka pa”

Napangiti nalang si topher alam niyang asar si deh mil ngayon.

Kasi after ng klase at pag hindi ito ang highest sa room mag-aaya itong ibili niya ng mga isaw. Nandidiri pa nga siya nung una, pero nung nakita niya ang masayang mukha ni deh mil habang kinakain ito ay sinubukan din niya.

"oh topher kainin mo na wag ng maarte"

"eh kadiri kaya yan"

"wag ka ngang magsalita ng ganyan baka marinig ka nung may-ari" sabay hampas ni blossom dito

"blossom tara na ihahatid pa kita"

'wait lang kita mo namang depress ako eh ahuhu" sabay arte na naiyak siya

"fine"

Ang dami niyang adventures kasama si deh mil kaya nga kahit joke lang ang lahat hindi niya maiwasang totohanin ang relationship nila, pero huli na ang lahat.

“Limang isaw at dugo nga ho!” sigaw ni deh mil na nakaagaw pansin uli kay topher.

Tumayo siya at naabutan niyang isinasawsaw ni deh mil yung isang isaw at saka isinubo.

Kinuha niya ang isa pang isaw sa kamay ni deh mil.

“Oy akin ya-yan” Nagulat naman si deh mil kay topher kaya para siyang nahihiyang ewan.

“pahingi lang naman, gutom na rin ako” sabay subo nung kinuha niya kay deh mil

“Gutom ka pa sa lagay mo na yan, eh ang dami ngang pagkain na binigay sayo si betty” sabay irap niya kay topher.

"Hindi ko naman kinain yung mga dala niya, baka may lason" pagbibiro ni topher.

"O di mas masaya, nalason ka sana" bulong ni deh mil

"may sinasabi ka?"

"wala wala tss"

"ate sino yang gwapong kasama mo?" tanong nung batang pulubi kay deh mil.

"gwapo? yan gwapo? tss o di wala ng pangit sa mundo"

"gwapo po talaga siya, mukha pa nga siyang artista eh yung nakikita ko don sa t.v. sa mga karendirya"

"kalook-a-like niya lang yun lalo na kapag nakaside view, kain na"

"anong pangalan mo?" tanong ni topher doon sa bata pagkaupo niya.

"Hindi ko po alam eh pero tinatawag nila akong bulati, ang likot ko daw kasi, muntikan pa nga akong masagasaan nung isang araw sa kalye, kasi nakikipagpatintero ako sa mga sasakyan" masayang-masaya ng sabi ni bulati.

*

"ayaw mo ba talagang tumira sa ampunan mas maalagaan ka doon" pangungulit ni topher

"ayaw ko po masaya po ako kasama ng mga kaibigan ko dito sa kalye"

"pero delikado dito" pangungulit din ni deh mil

"Ate kuya malaki na ako kaya alam ko na ang tama at mali, okey? Bye ilibre niyo uli ako ng isaw next time! Magbati na rin kayo alam kong may something sa inyo babush!" at nawala na nga sa paningin nila si bulati.

"Malaki na daw siya eh ang liit liit nga lang niya at pagsabihan ba naman ako tungkol sa lovelife ko" sabi ni deh mil habang pinapahid ang luha.

"teka naiyak ka ba?" tanong naman ni topher na abalang kumuha ng panyo.

"hindi!" umalis naman si deh mil papunta sa sasakyan niya at sinundan siya ni topher. Bubuksan na niya ang pintuan ng sasakyan pero isinara uli ito ni topher.

"mag-usap nga tayo"

"ano pa ba ang dapat nating pag-usapan" naaasar na sabi ni deh mil.

"okey, I'm sorry for what I did earlier and for being a jerk dahil hindi kita pinapansin"

"tss you’re a jerk nakatatak na yun sa pwet mo! Bye!" bubuksan pa sana ni deh mil uli ang kotse niya pero hinablot ni topher ang susi ng kotse niya.

"akin na yan!" pilit na inaabot ni deh mil ang susi niya pero sadyang matangkad si deh mil.

"belat! Deh mil pandak ahahaha" pangaasar pa ni topher

"akin  na yan!" galit na sabi ni deh mil

"ayaw! Nakita mo na pala ang pwet ko kailan pa? ikaw ha" panunukso nito

"Ewan! Nakakaasar ka!" bigla naman umupo si Deh Mil sa sahig at umiyak

"oy sorry na ikaw naman hindi mabiro, ito na yung susi mo" biglang kinuha ni deh mil yung susi niya at tumakbo papasok sa sasakyan niya.

"ble bye!" at naiwan nalang nakaluhod sa gitna ng daan si topher.

"You didn't fail to make my heart fluster, all the time, all the time blossom"

__________________________________________________________________

How is the update? Please feedback guys! Vote and Comment ^___^

I'm thiking about changing the characters kasi feeling ko hindi sila bagay…yung mga characters dito ay parang wala lang ahahaha

There is a new cover of this book, check it out!

Ex-Girlfriend's ComebackWhere stories live. Discover now