Chapter 13 : First ever Principal Office

52 3 1
                                    


Ash's PoV

The hell, this is my first ever Principal office. The f*ck.

"The two of you, I'm disappointed in your behaviors." panimula ng dean. Ang sama rin ng tingin niya sa amin.

"Ms. Gray, I know you are a good kid, anong nangyare ?? And you Ms. Soriano, kabago bago lang ikaw gumagawa ka na nang gulo." sabi ng dean. Nakayuko lang ako. Nagulat ako ng biglang bumukas ung pintuan at tumambad ang magandang babae at may kasamang lalaki. Hindi para sa akin ito siyempre, hindi ko kilala ehh.

"CHANEL!!!! ANO NA NAMAN PINAGGAGAWA MO?!??" bungad sa kanya nung babae.

"Pwede ba ate?? bago mo ko sigawan, tanungin mo muna kung okay ako?? " sabi niya sa ate niya.

"Oh, bakit nandito yang kapatid natin sa nanay." sabi niya, "Chanel nag-uumpisa ka na naman. Kapatid pa rin natin siya, malamang nag-aalala din sa'yo itong kuya mo." sabi ng ate niya.

Napatingin sa akin ung ate niya, nanlaki mata.

 A-Ano p-pa-pangalan mo??" tanong niya sa akin na nauutal. "Ashynnlei Gray" sabi ko, nanlaki naman mata niya. "Pahamak ka talaga" inis na sabi nung ate niya kay Chanel.

Maya-maya may kumatok at pumasok, andito naman sila kuya at ung dalawa kung pinsan, si Ate Allexandra at ate Natasha. Actually, pati si kuya Azreal.

"Mr. Sebastian Gray, Mr. Sage Gray, Mr. Axel Gray, Mr. De Gua, Ms. Hanazono and Ms. Ty?? Pinatawag ko kayo para i-company niyo muna ang pinsan niyo rito sa office habang wala pa ang mga parents niyo." sabi ng Dean sa kanila.

"Are you okay??" bulong sa akin ng kakambal ko. Tumango naman ako.

"Kaya pala. Soriano ang nakipag-away." sabi ni Ate Allexandr, napatingin naman ako sa kanya. She just shrugged.

OK, anong meron ??

"Ms. Gray, Ms. Soriano we still need to wait your parents, I'll give you 10 minutes to cure yourselves. Be back after 10." sabi nung Dean at hinawakan pa niya ang sentido niya.

Magkahiwalay kaming clinic total may lima naman dito ehhh. Kung magsama kami, gulo na naman.

"Ano bang nangyari ha?? tingnan mo, ayaw ka nga naming na sasaktan pero ito may kalmot at sugat ka naman." sabi ni Kuya Baste, seryoso lang yung dalawa ko pang kuya.

"Eh kuya siya naman nauna ehh, pagdating pa lang niya ang sama na nang tingin niya sa akin, tapos nung time na recess, she called me several times, umiwas nako kaya tinawag niya na ako na slut tapos edi hinarap ko na siya, siyempre lumaban na ako. She shouted at me na kasalanan ko raw bakit di siya kasali sa swimming team, and ayaw sa kanya ni Bryle, ehh wala naman akong paki kay Bryle ni hindi nga kami close noon, tapos sa swimming team kasalanan ko ba kung nahuli siya. So ayun nakipagbangayan na ako until dumating ung deam. " kwento ko, napailing na lang si kuya Baste.

"War freak talaga yang mga Soriano na iyan da—" bago pa matuloy ni Ate Natasha eh sinapok na ni ate Allexandra, ok anong meron ??

"Natasha..." warning tone ni ate. Ok, what the hell is this...

"Ashynnlei Gray?" tawag sa akin ng nurse napatingin naman ako.

"Why po??"

"The Dean already calling you, Andoon na raw kasi yung parents ni Chanel pati siya andoon na, akyat na raw ikaw." sabi niya, tumango naman ako at nagpasalamat na kami.

Pag-akyat namin doon, nagparining na naman si Chanel, onti na lang hindi ko na toh babangasan ehhh papatayin ko na toh ehhh.

"Pa-VIP" sabi niya ba naman. G*go ba toh, ehh halos excited ata siya ehhh halos limang minuto pa lang kami sa clinic.

"Chanel, I'm warning you" matigas na sabi nung ate niya. Actually nakatalikod ung upuan ng parents niya kasi ganto yan, yung desk ng dean tapos sa magkabilang gilid nun dalawang upuan for students then sa tapat ng dean's desk ay apat for parents ganern.

Pagka-upo ko, napatingin ako sa parents niya. Siyempre napatinign ung tatay niya sa amin nila kuya, nanlaki ung mata, tas parang nag stiff katawan niya kaya napatingin sa kanya yung asawa niya ung nanay ni Chanel, tas tumingnin sa akin at tinaasan lang ako ng kilay

Ehhh ??

*bogsh*

"Principessa?? / Honey?!!?"




"MOM! DAD!!" sigaw ko.

Charles' PoV

Papunta kami ngayon ni Katherine sa School ni Chanel dahil na Principal Office, as usual gulo na naman palagi naman, kung ano kinabait ni Kandice kinamaldita ni Chanel, spoiled kasi ni Kath, were married, yes but unfortunately, I still have a little feelings to her, you know who.

Pagdating namin doon, hinintay namin si Chanel, nauna siya bago ung naka-away niya. Pinatawag na naman kaya hihintayin na lang, nag-uusap pa ung magnanay kung anong nangyari. Maya-maya bumukas ung pinto, hindi ko na nilingon dahil makikita ko rin naman. Umupo na sa upuan ung naka-away nang napatingin ako sa kanya, nanlaki na lang ang mata ko nang nakita ko na kahawig niya si Trisha, impossible. Parang nanigas ang katawan ko, mata niya parang si Ashton na kulay grey pero mukha pa lang niya hawig na ni Trisha, siya lang naiiba dahil ung tatlong lalaki kamukha na ni Ashton. Imposibleng ang naka-away ng anak ko ay anak ni Trisha.

Bumukas ung pinto at rinig ko pa lang ng boses na iyon ay alam kung sila na iyon.

"Principessa?? / Honey?!!?"

"MOM! DAD!!" sigaw niya.

Hindii na nila ako napansin pero alam kung sila yun.

SHIT. IMPOSIBLE ITONG NAKIKITA KO!!!!!

_

_

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The War of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon