Chapter 3

43 0 0
                                    

5:30 AM

kanina pa ako gising pero ayaw pang bumangon ng katawan ko sa kama. ewan ko ba, ang tamad tamad ng katawan ko.

hanggang ngayon, naaalala ko parin yung picture nila ni Drake at Kristen. selos na selos talaga ako kay Kristen. bukod sa kaibigan nya si drake, sobrang close pa nila sa isa't isa. si Kristen kasi Maganda, Maputi, Mabait, Matalino at halos lahat nasa kanya na. parang kulang nalang ay si drake. ewan ko ba. feeling ko kasi talaga may gusto si Kristen kay Drake. at sa tingin ko naman ay di malabong mangyari yon.

mga ilang minuto rin ang naisayang ko bago ako tuluyang bumangon sa higaan ko.

pagkatapos ko gawin lahat ng dapat gawin ay bumaba na ako para mag breakfast.

nga pala, bukod sa yaya ko which is si Manang Lusing ay ako lang ang nakatira dito. hindi naman kasi umuuwi dito ang parents ko. madalas silang busy sa trabaho kaya kung uuwi man sila dito ay minsan ko lang maabutan.

madaming nagsasabi na maswerte daw ako dahil nakukuha ko at naibibigay ng parents ko ang mga bagay na gusto ko dahil only child ako pero ang sabi ko? mas swerte sila. dahil kahit di man sila katulad ko na nakukuha ang lahat, lagi naman nilang nakakasama ang mga magulang nila.

di ko namalayan na tumutulo na ang mga luha galing sa mga mata ko nung naalala ko ang mga memories namin ng parents ko nung hindi pa sila gaanong nakatuon sa business namin.

sana, maulit ulit yon. miss na miss ko na kayp daddy, mommy...

"Manang Lusing, Aalis na po ako"  pagpapaalam ko sa kanya.

swerte ko nga dito kay manang eh. sya ang tumatayong magulang ko, kaya kahit wala sila mom di ko masyadong naiisip na nag iisa ako.

"Mag iingat ka ha, sige bye" pahabol ni manang

medyo matagal din bago ako makapunta sa school dahil traffic. letse

pagkababa ko ng kotse dali dali naman akong pumunta sa building namin dahil malamang kapag nagpabebe pa ako maglakad, malalate ako.

bali sa 3rd floor pa yung room namin kaya nakakapagod.

pagakyat ko ng 3rd floor, naririnig kong maingay sa kabilang building. malamang building ng juniors.

bago ako tuluyang pumasok ng room tinignan ko muna ng mabuti yung mga Juniors. wala pa naman yung prof namin e.

mukang nagkakasiyahan sila, na agaw naman yung atensyon ko nila Kristen, Westley at Nathaniel. naghahabulan sila. parang may kulang... kulang talaga dahil wala si Drake, Mylove ko.

Hinahanap naman agad ito ng mga mata ko at di naman ako nabigo, nakita ko sya sa sulok, nagbabasa ng libro.

si kristen naman habang tumatakbo, papunta sya sa direction ni Drake. sa ginagasa ni Kristen halatang pinipilit nyang sumali si Drake pero tumanggi ito at bumalik sa pagbabasa. hmmp buti nga. harot harot kasi. chawot!

nawalan na ako ng gana panoorin sila. uwian na di na masaya, may paepal kasi, di ko sasabihin.

pagpasok ko, sinalubong ako agad nila Pamela at Andrea.

"Oh, himala. bat late ka?" tanong ni
pamela sakin

"i wasnt inform that im not allowed to be late" bored kong sagot sa kanya.

"Ito naman, aga aga eh nagsusungit." sabi naman ni pamela.

"Nako malamang nakita na naman nya si Kristen at Drake na magkasama" bulong ni Andrea

"Ewan ko sa inyo." pagpunta ko naman sa upuan ko ay saktong pagpasok naman ng prof namin. nakakabored makinig.

wala naman akong magawa dahil di ko makita di drake dahil yung kurtina ng bintana nila nakasara. nakatapat kasi sa kanila yung araw.

I Love You, My Little BoyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz