Hindi ako makapaniwala habang pinapanuod ko si Shivan na naglalakad palayo mula sa akin. So, hindi ba nerd si Uno? I mean, umiinom rin s'ya? Umiling ako. No, siguro kaya lang talaga n'yang i-handle ang pag inom ng alak. Tama! Ganon lang iyon!

Iiling iling na pumasok ako sa bahay. Dahan dahan kong binuksan iyong gate, baka kasi magising si lola at sermonan na naman ako 'non tapos pagbabantaan na magsusumbong kila mommy! Naku po, baka talaga'ng ilipat na nila ako ng school o kaya ay i-sama na ako sa States, kaloka!

Bubuksan ko na sana iyong pinto ng kwarto ko nang may humawak sa balikat ko. Napangiwi ako. Naku, yari!

"Jamillienne!"

Napapiksi ako sa gulat dahil sa sigaw ni lola. Mabilis na nilingon ko si lola na ngayon ay galit na galit sa akin. Hinawakan n'ya ang patilya ko at inikot iyon dahilan para mapatingkayad ako sa sakit.

"A-aray! L-lola! S-sorry!"

Hinila n'ya pa ako hanggang sa makarating kami sa sala. Binuksan n'ya iyong ilaw habang ako ay hirap na hirap na tiisin ang sakit sa ibabaw ng tenga ko. Hila hila pa rin n'ya ako sa patilya ko! Ang sakit!

"Ilang beses ko bang sinabi sa'yo, na masama para sa babae ang magpa-abot ng ganitong oras sa labas?!" sigaw n'ya sa akin at saka binitawan ang patilya ko.

Mangiyak ngiyak na hinimas ko iyong ibabaw ng tenga ko. Ang sakit, hindi na talaga dapat ako magpahuli pa kay lola!

"Lola naman, huwag ka ng magalit at baka tumaas na naman ang presyon mo,"

Tinaasan n'ya ako ng kilay at akmang kukurutin ako sa tagiliran pero agad akong umiwas kaya mas lalo s'yang nagalit.

"Presyon, presyon! Ikaw talagang bata ka, binabago mo pa ang usapan, ha! Halika rito,"

Napasinghap ako nang abutin akong muli ni lola at nahawakan ako sa braso. Hinila n'ya akong muli. Napangiwi ako dahil nakita ko na may bilao'ng nakalatag sa sahig na may lamang asin! Oh my gosh! Huwag n'yang sabihin na paluluhurin n'ya ako d'yan?!

"Luhod!"

Sumimangot ako at nilingon si lola. Naiiyak na pinagdikit ko ang dalawang palad ko.

"Lola naman, masakit 'yan." pagpapaawa ko.

"Hindi ka magdadala kapag hindi kita pinarusahan, kaya sige na! Luhod, kung ayaw mong hatawin kita ng sinturon!"

Tuluyan na talagang tumulo ang luha ko. Hindi ba naaawa sa akin si lola? First time n'ya 'tong ipagawa sa akin! Lumapit ako sa bilao at akmang luluhod na nang hinawakan ni lola ang braso ko at pinatayo ng tuwid.

"Ano'ng ginagawa mo?" takang tanong ni lola.

"Luluhod na po," sagot ko.

Ang gulo ni lola kausap, ha! Kanina pinapaluhod ako, ngayon tinatanong kung anong gagawin ko? Kaloka!

"Hindi d'yan!"

Pinaluhod n'ya ako sa tabi ng bilao kay nagtaka naman ako sa ginawa n'ya.

"Bilangin mo isa isa 'yang bawat butil ng asin. Nakikita kita, kaya huwag mo akong dadayain."

Nanlaki ang mga mata ko at tiningala si lola. Bibilangin ko ito isa isa? Bukas pa ako matatapos nito!

"Lola naman, eh!" pagdadabog ko.

"Bibilangin mo ba 'yan o luluhod ka na lang talaga d'yan?" pagbabanta pa ni lola.

Agad na umiling ako ng mabilis at sinimulang kumuha ng asin sa bilao.

"Bilangin mo na 'yan, dito lang ako sa sofa at magbabasa ng dyaryo,"

Kinagat ko ang labi ko at pinunasan ang luha ko. Sa susunod talaga, hindi na ako magpapahuli ulit. Antok na antok na pa naman ako!

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now