Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Wew, kailangan ko maghanda sa sermon ni ate. Nang malapit na ako sa airport ay tinawagan ko siya.

"Hello ate, malapit na ako. Nasaan ka?" tanong ko kay ate.

"Nandito ako sa waiting area, gate 3, dalian mo gutom na ako" sagot ni ate. Kelan ka ba nabusog?

"Ok sige", sagot ko sa kanya sabay baba ng phone.

Mga ilang minuto pa akong nagdrive bago makarating doon. Nakita ko agad si ate. Pinark ko sandali ang sasakyan saka bumaba.

"Ate!", tawag ko habang papalapit sa kanya. Narinig naman niya agad ako at sumalubong sa akin.

Paglapit niya sa akin ay niyakap ko siya, namiss ko din naman to kahit masungit.

"I missed you ate", sabi ko sa kanya.

"Tsk ikaw talaga. I missed you too. Antagal mo, nagugutom na ako,. Kumain muna tayo bago umuwi ok?", sagot niya sa akin. Ayun, buti humupa na yung galit hehe, ang gulo talaga ng mga babae.

Kinuha ko ang mga gamit niya at naglakad na kami papunta sa kotse. Sa compartment ko nilagay ang ibang gamit niya, anlaki kasi. Bakit parang andaming dala ni ate? Wag mong sabihin magtatagal siya dito?

Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse.

"Thank you", ani ate.

Pagsakay ko ng kotse pinaandar ko na agad ito, baka magalit na yung guard.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ko kay ate.

"Kahit saan, basta gusto ko ng pizza", sagot niya.

"Okay, sa Kenny rogers tayo", sabi ko sa kanya.

"Anong sa Kenny Rogers?!", pasigaw na tanong niya sabay harap sa akin. With matching hampas pa sa harapan niya. Masungit talaga 'to eh. Gutumin mo, mas masungit pa.

"Haha, I'm just joking. Tara sa shakey's, hehe", sagot ko sa kanya.

Pagdating namin sa Shakey's ay umorder agad kami. Andaming inorder ni ate. Gutom na gutom?

"Dalhan din natin si Kazu ng pizza, sigurado maghahanap yun ng pasalubong", ani ate.

"Sigurado yan", sagot ko habang natatawa. Favorite kasi naming magkakapatid ang pizza.

Matapos naming kumain ay bumyahe na agad kami pauwi. Hindi na kami nakapagkwentuhan dahil seryoso siya sa pagkain, gutom talaga.Nang makauwi kami ay sinalubong agad kami ni Kazu.

"Nee-chan! I missed you!", ani Kazu sabay yakap kay ate.

"I missed you too, Kazu", sagot ni ate na gumanti din ng yakap.

"Here, we got pizza for you", ani ate at inabot kay Kazu ang dala niya.

"Wow! Thank you", ani Kazu na malawak ang ngiti ng malamang pizza ang dala namin.

"Nii-san! Sabi ko tawagan mo ako pag nasundo mo na si nee-chan eh!", baling ni Kazu sa akin.

"Sorry Kazu, nakalimutan ko hehe" sagot ko sa kanya.

"Manang paakyat na lang ng mga gamit ni ate, salamat", utos ko sa isang maid.

"Ok po sir.", sagot niya.

Sa sala muna kami tumambay nila ate para makapagkwentuhan.

"So, kamusta? How's your studies?" tanong ni ate sa amin.

"Ok naman nee-chan, I'm doing good." pagmamayabang ni Kazu kay ate habang kumakain ng pizza.

"Mabuti naman Kazu, ikaw Haru? ", baling niya sa akin.

"Ok naman ate, may thesis kami ngayon kaya ayun ang inaasikaso namin." sagot ko sa kanya habang kumakain din ng pizza, madami naman ang dala namin, hindi yan mauubos ni Kazu kaya tutulungan ko na siya hehe.

"Ok good!, pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo, ok? Lalo ka na Haru" nanlalaking matang sabi ni ate sa akin.

"Oo naman ate, para sa future", sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Eh ikaw kamusta ka naman sa Japan? Bakit pala umuwi ka dito? Magbabaksyon ka lang ba ?" tanong ko sa kanya.

"Ok naman ako sa Japan, madami akong natutunan doon." Sagot ni ate.

"Hindi ako magbabakasyon, dito na ulit ako naassign sa Pilipinas kaya magkakasama na ulit tayo", dagdag ni ate ng may kasamang magandang ngiti.

Huwaaat?!!!

Second SightWhere stories live. Discover now