Kung ano ano pa ang sinabi ng babaeng yon bago umalis.

"Oi! Ok ka lang ba talaga? Baka may masakit sayo?" tanong sa akin ni Aya. Totoo ba to? Mukhang concern talaga siya sakin. Hala.. kinikilig ako.. hehehe.

"Ok lang ako.Salamat. ikaw ok ka lang ba? Ano bang problema ng babae na yun?" alalang tanong ko sa kanya.

"Wala wag mo ng pansinin yun. Sanay na ako sa mga ganyang tao." tipid sagot ni Aya.

Anong ibig niyang sabihing sanay na sa mga ganyang tao? Ibig sabihin may iba pang gumaganon sa kanya? Nope, hindi pwede yun, hindi pwede.

Maya-maya pa ay lumapit na sa akin ang mga groupmates namin at kinamusta ako.

Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang nagsalita si Kento.

"Guys may klase pa tayo. Late na tayo sa last subject natin" tarantang sabi ni Kento.

"Hala oo nga! Tara na tara na" yayaan ng mga groupmate ko.

END OF FLASHBACK

Nahihiwagaan ako sayo Aya. Gusto ko pang malaman ang tungkol sayo, gusto kong mapalapit pa sayo. Sana may chance pa akong makausap ka. Pero teka, sino ba ang batang yun kanina? At sino ang tumawag sa akin? Ako nga ba yung tinawag na kuya? O baka iba naman yung tinatawag hindi ako? Si Haruka? Si Haruka ba yung bata? No, that's impossible. Hindi na siya babalik, kahit anong gawin ko hindi na siya babalik pa. Hindi ko namalayan at nakatulog pala ako sa kaiisip. Nagising ako sa ring ng phone ko.

"Despacito
Quiero respirar tu cuello despacito
Deja que te diga cosas al oído
Para que te acuerdes si no estás conmigo" 
ringtone ng phone ko., pinalitan ko nga pala kanina.Tumatawag ulit si Kazu. Bakit ba? Gusto ko yang kanta eh, walang kokontra.

"Hello, Kazu" bungad ko kay Kazu.

"Nii-san, nasa airport ka na ba?" tanong ni Kazu. Oo nga pala, susunduin ko pala si ate, nawala na sa isip ko. Alas singko na ng gabi, at 5:20  ang dating ni ate sa airport.

"Wala pa, papunta pa lang." sagot ko sa kanya, hindi ko pinahalata na nakalimutan ko. Bakit kasi kelangan mong umuwi ate.

"What?! Papunta ka pa lang ? Nii-san, wag mong pag-antayin si nee-chan dun.Hmmft!" sagot ni Kazu sa akin. Nagmamaktol na naman , palibhasa ate's boy.

"Oo na, papunta na ko. Sige na bye Kazu" paalam ko kay Kazu.

"Okay, nii-san. Ingat. Tawagan mo ako kapag nasundo mo na si nee-chan.okay? bye." pagkasabi niya nun ay binaba niya na ang tawag.

Naligo muna ako, after forty minutes pa bago ako nakaalis. Pagsakay ko ng kotse ko ay may tumawag na hindi nakaregister sa phone ko.

"Hello, who's this?" bungad ko sa tumatawag.

"Hey Haru! Asan ka na ba ?! Thirty minutes na akong naghihintay dito. Ang tagal mo ano ba ?!", sagot ng nasa kabilang linya. Waahh! Si ate pala to. Galit na siya, patay!

"Nasa byahe na ako ate." sagot ko sa kanya.

"Aw! Aw! Aw!" biglang may tumahol na aso. Naku naman Mocha!

"Anong nasa byahe ?! Eh paalis ka pa lang ng bahay eh! Naririnig ko pa si Mocha!", galit na sabi ni ate. Pahamak ka Mocha!

"Basta wait for me, ok ate? Bye! Love you!" sabi ko kay ate sabay baba ng phone. Wew, sa phone pa lang nakakatakot na, pano pag nagkita na kami,, huhu Kento tulong.

Second SightWhere stories live. Discover now