"No nii-san, actually nee-chan(ate) is coming tonight sabi ni mom!" excited na sabi ni Kazu sa akin.

What the?! Dadating si ate ? Argh! Bakit kailangan mong umuwi ate. Sana sa Japan ka muna huhu. Simula na naman ng kalbaryo ko.


"Ikaw daw ang sumundo sa airport. 5:20 ang lapag ng eroplano niya sa Terminal 1, hindi ako makakasama dahil pupunta ako sa bahay ng classmate ko, may group project kami" dagdag niya pa na parang naghihinayang na hindi siya makakasama.

"Bakit kailangan ko pang sunduin si ate? Kaya naman niyang umuwi mag-isa sa atin" sagot  ko kay Kazu ng may mapansin akong bata sa harapan ko, parang siya yung batang muntik ko ng mabunggo sa mall nung sabado. May tinuturo siya pero hindi ko pinansin.

"Ah basta kuya sunduin mo daw si nee-chan." sagot ni Kazu sa akin na parang batang nagmamaktol.

Medyo lumapit yung bata sa akin at may tinuturo siya kaya sinabi kong..

"Bata may kausap ako sandali lang." sabay tingin ko sa ibang direksyon. Mukhang nasa limang taong gulang na siya, natatakpan ng bangs ang mukha niya kaya hindi ko sigurado kung siya ba yung bata sa mall. Teka, may bangs din yung batang yun eh,parang si Haruka. Paglingon ko sa bata ay wala na siya sa harapan ko.

Kasing edad niya si Haruka noon. Kung hindi lang sana nangyari yun.

"Kuya!!" isang malakas na boses ng batang babae ang narinig ko. Tinanggal ko ang earphone ko. Haruka? Boses ni Haruka. Paglingon ko sa kung saan nanggaling ang boses ay nakita kong may paparating na truck, papunta ito sa direksyon ko. Gusto ko sanang tumakbo pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Katapusan ko na ba ? Dito na ba ako mamamatay?

Biglang may humila sa akin papalayo sa kung saan papunta ang truck. Si Aya! Niligtas niya ako. Bakit nandito siya? Ito ba ang dahilan kaya ayaw niyang magpunta ako dito? Hindi pa man ako nakakapag react ay sinampal niya na ako at sinermonan dahil hindi ako nakinig sa sinabi niya kanina. Pati si Kento ay pinagalitan niya din. Mukhang galit na galit siya, na mukhang worried? Worried nga ba?

Hindi pinansin ni Kento ang panenermon ni Aya. Lumapit si Kento sa akin at kinamusta ako. Mukhang nakonsensya naman si Aya kaya sinigurado niya kung ok lang ba talaga ako.

"Tsk, sigurado ka bang ok ka lang? " tanong ni Aya.

"Ok lang ako. Salamat. Kung hindi dahil sayo malamang wala na ako." sagot ko kay Aya.

Maya-maya ay may nagsalitang babae at kung ano ano ang sinabi kay Aya. Sinabihan niya din ako na layuan si Aya mamalasin lang daw ako pag kasama ko siya.

"Kuyang pogi, nakita ko yung nangyari. Kaibigan mo ba yan?" tanong niya sa akin sabay turo kay Aya.

"Naku, kung ako sayo lalayuan ko na yan. Mamalasin ka lang pag kasama mo yan. Best friend yata nyan si kamatayan eh. Lahat ng malapitan namamatay." Sabi ng babae na parang diring-diri kay Aya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sinagot ko siya.

"Miss, ano bang problema mo? Sabi mo nakita mo ang nangyari. Hindi mo ba nakitang niligtas niya ako?" naiinis ako sa babaeng to.

Inawat ni Naomi ang babae ngunit ayaw pa rin tumigil at kung ano-ano ang sinasabi kaya sinampal siya ni Naomi.

"Matagal ko ng kaibigan yan. Eh bakit hanggang ngayon buhay pa din ako?" mataray na sabi ni Naomi.

Lumapit si Aya sa kanila at sinabing..

"Alam mo kung bakit, Bea? Kasi sinasabi ko kay kamatayan kung sino ang gusto kong mamatay. Gusto mo bang sabihin ko sa kanya na isunod ka na niya? Best friend ko si kamatayan di ba? Makikinig yun sakin" mukhang malalim ang away ng dalawang 'to. Nakakatakot mag away ang mga babae.

Second SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon