Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 1

200K 3.6K 319
                                    

"CONGRATULATIONS to you, Mrs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"CONGRATULATIONS to you, Mrs. Grecco!" bati ni Pomee sa kaniyang sarili. Itinaas niya ang shot glass na halos buong gabi na niyang karamay at marahang ginalaw-galaw sa ere. "Cheers! You're now officially married to the guy you love but hates you!"

She smiled bitterly at her own sarcasm. The sound of her distress echoed all over the cold and dimly lit house. Katatapos lang ng kasal nila ni Chase, pero heto siya at nagpapakalasing mag-isa, drowning herself in misery. Umupo siya sa isang stool at inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay na titirahan niya—nila ni Chase. Their two-story abode was new and fully furnished, a wedding gift from her husband's generous parents. May mangilan-ngilan pang mga kahon na nagkalat sa paligid.

"Ah, must be my stuff," Pomee told herself as she shoved the liquor down her throat. Mayamaya'y muli siyang napatanga sa kawalan.

"What are you doing here?"

Halos mapatalon siya sa gulat nang makarinig ng pamilyar na boses. Pomee turned around, one hand clutched firmly at the edge of the marble countertop for support. Tuluyan nang nagliwanag ang kaniyang mukha nang makita si Chase.

Ganoon ba kalalim ang iniisip niya at hindi niya napansin ang pagdating nito?

Suot-suot pa rin ni Chase ang tuxedo na ginamit sa kasal nila, though the first three buttons of his inner polo were open. His hair was disheveled and all over his handsome face. His lids hooded sexily over his sharp, gray eyes. Halatang nakainom ito.

"Hi," nakangiting bati ni Pomee sa asawa. Hindi niya pinansin ang matalim nitong tingin sa kaniya. "Saan ka galing?"

Bigla kasi itong nawala pagkatapos na pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan. Ni hindi ito sumipot o maski nagpakita man lang sa reception. Pinilit niya na lamang na huwag ipahalata sa mga magulang at mga bisita ang pagkapahiya at sakit na nararamdaman sa ginawa nito. Nagmukha siyang tanga sa sarili niyang kasal. Mabuti na lamang at intimate lang din iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" matabang na ulit ni Chase sa tanong nito na para bang wala siyang sinabi. Wala pang isang minuto silang magkasama sa iisang lugar ngunit puno na agad ng iritasyon ang buong mukha nito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya naman ito masisi kung bakit ganito ang inaakto nito sa kaniya, pero sana naman ay pinakisamahan na lang muna siya nito hanggang sa matapos ang buong event kanina—even just for the sake of formality.

Pinuno niya muna ng hangin ang dibdib bago ito sinagot. "Dito ako pinahatid nina Tito Javier."

"Ni dad?" tila hindi makapaniwalang ulit nito.

Kimi siyang tumango. "Ito raw ang magiging bahay nating dalawa. D-Dito na tayo titira."

Pagak itong natawa at napahilamos sa mukha. "This is insane. You're kidding, right?"

ENDLESS - The Unwanted Marriage (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon