Chapter 10: Does Not Parade Itself

Start from the beginning
                                    

            "Wow, that's awesome."

            "Nakakapagod naman," nakalabing sabi nito. "But, yeah, it's fulfilling. I got to earn all by myself."

            Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Eunice. Masaya siya para sa achievement ng kaibigan. "How about your lovelife?" tanong niya pa. "Kayo pa ba ni Dean?" tukoy niya sa long time boyfriend nito.

            Rizza widely smiled. "Well, yeah. Tumino na siya magmula nang hiniwalayan ko siya last year."

            "You broke up?"

            "Ahm... kami na ulit. Last month lang," natatawang sabi nito.

            "Bakit naman kayo naghiwalay last year?" Although, she knew that Rizza's relationship with her high school sweetheart had been on-and-off. "At kayo na ulit? Tell me about it."

            Ang naalala ni Eunice about Dean is that, isa itong repeater at ang pinakapalaaway nilang classmate nang high school. Pasaway rin ito at teacher's enemy number one. Pero, tumino naman si Dean kahit papa'no nung fourth-year high school sila. Tumino ito nang maging study buddy nito si Rizza. Rizza was one of the brightest student in their class. Kaya ito ang inutusan noon ng adviser nila na i-guide si Dean para naman maka-graduate na ng high school ang lalaki. Dalawang taon na kasi itong late para mag-college. Hanggang sa ang lagi nang magkasama ay sina Rizza at Dean. Then, Dean courted Rizza.

            Ang magaling niyang kaibigan na takot mag-commit sa isang relatioship dahil bata pa nga sila noon, ay binasted si Dean. Kaso, hindi sumuko ang huli, tuloy pa rin sa panliligaw. Ang alam niya, Rizza was falling in love already. Ito pa at ang lalaki ang magka-partner sa graduation ball nila. Nagpromise ang dalawa sa isa't-isa that they'll be in the same college together, with the same course. Pero, iba ang pinasukan ni Rizza na university at masyado iyong malayo sa napagkasunduan nito at ni Dean.

            "Eunice, you know naman na Dean had this bad attitude of being mayabang. Pero, tolerable naman kasi iyon. Ang mahirap lang sa kanya, tuwing may mga away kami, he kept on bragging that, sa aming dalawa, siya naman daw ang pinaka-nagmamahal because siya ang naghintay sa'kin noon kahit pa hindi ko tinupad ang promise namin sa isa't isa," panimula ni Rizza.

            "Hindi na lang ako kumikibo, tutal, totoo naman kasing ako yung nambalewala sa kanya noon. Sa unang try namin sa relationship namin when we were in fourth-year college, siya lagi ang nasusunod kasi nga mas marami na raw siyang alam sa mga relationships. First love and first boyfriend ko siya, and so, pumayag lang ako na siya ang magkontrol ng relasyon namin. Dean's a really sweet guy kaso lang talaga, he kept on showing off that he knew a lot better about love than I do," pagpapatuloy nito. "Mas alam niyang gawin ang ganoon. Mas alam niyang i-handle ang ganyan, na hindi ko naman daw kayang gawin."

            "Wow, what a jerk," hindi niya mapigilang sabihin.

            "Yeah. Kaya nga, hiniwalayan ko last year."

            She sipped on her mango shake. "Eh, bakit mo binalikan last month?"

            Rizza smiled like a fool. Kinikilig yata ito. "Because he realized his faults. Sabi niya, kahit gaano naman daw kalaki ang pag-ibig niya sa'kin, he should not say those things. Dahil hindi naman importante sa relasyon kung sino ang mas nagmamahal o hindi. Hindi naman paligsahan ang pakikipagrelasyon, kundi pagbibigayan at pag-iintindihan The more important thing is, you both love each other and you both want to work things between the two of you."

            "Wow. Hindi na 'ko magtataka kung bakit mo binalikan," nasabi niya.

            Nagkibit-balikat ito at nilaru-laro ang straw ng strawberry shake nito. "That's what I want him to realize. Kahit masakit sa'kin na makipaghiwalay sa kanya, ginawa ko kaysa naman habang-buhay na lang kaming ganoon. Mahal niya nga ako, but he keeps on bringing up my faults and bragging how long he waited for me and the things I don't know about love and relationships. Naisip ko, kung mahal niya talaga ako, bakit siya ganoon?" anito. "Afterall, love does not parade itself."

Love at its Best (Love Series #1)Where stories live. Discover now