Our Real Love (Step 22)

Start from the beginning
                                    

"Adeline...?" This time, si Tita Rhian na ang tumawag sa kaniya. "Masama ba pakiramdam mo?"

Nang marinig niya si Tita, doon lang siya lumingon sa parents niya.

"Medyo po, pero ayos lang ako." Bullshit. Tumingin siya sa relos niya bago ulit siya nagsalita. "Nay, Tay, una na po ako. May shoot kami ngayon sa Bulacan."

"Hssh! You don't look fine."

"I'm fine, really." She stood up and gave her parents a tight smile. "May ayusin lang po ako na dadalhin ko sa room ko."

We resumed eating after that. Hindi na rin naman kami nagtagal dahil umalis na rin si Tito. Naiwan ako to help the dishes, pero sinaway ako ni Tita Rhian.

"Ano kaba, sige na – umakyat ka na. Alam ko may gagawin ka pa. 'Yung project mo, aasikasuhin mo pa."

I just smiled kahit na wala naman talaga akong project na aasikasuhin. I'll take a mental note na sabihin din sa kanila 'yun mamayang gabi. "Okay, I'll just go to my room."

I turned my back to Tita nang tawagin niya 'ko ulit. Naglakad siya papunta sa harapan ko with worry visible in her face.

"Napapansin ko kasi, si Adeline, parang may iniisip palagi. May problemaba siya?"

Shit. This is the part kung saan hindi ko alam ang mas tamang gawin.

"Sinabi ba niyang 'wag sabihin sa 'min? Tungkol kay...Jarret?"

"Tita... Ahm... I don't want to lie to you, nor I don't want to break Adeline's trust, but I will promise you that I'll convince her to tell you what's bothering her. And...I'll do my best to be at her side - always."

She reached for my hand and stared at it.

"She needs someone to turn up to bukod sa 'min." Turning her head up to look at me, she said, "Wala siyang kapatid na pwede niya sabihan. Para siyang Tatay niya na matapang, matalino, saka malakas ang loob. Pero she's very naïve and vulnerable, too. Alam ko... Ayaw niyang ipakikita sa 'min kapag may problema siya kasi kilala namin siyang independent, lalo na sa mga desisyon niyang ginagawa. Kaya, please, I know it's too much to ask, pero 'wag mo sana siyang iwan in times like this. There are things she can't tell her parents right now, pero she can sa inyong tatlong. Maghihintay ako na sabihin niya sa 'kin."

I squeezed her hand to reassure her.

Umakyat na 'kko pagkatapos. I was planning to go directly to my room nang magbago ang isip ko at saka naglakad papunta sa kuwarto ni Adeline. Nadatnan ko siyang may nilalagay sa bag niya. She didn't bother to look at me nang pumasok ako. I closed the door saka ako lumapit sa kaniya.

"Hey."

She didn't respond.

"Adeline."

Nang hindi pa rin siya sumagot, hinatak ko 'ung bag niya palayo sa kaniya. She tried to reach for it, pero nilayo ko sa kaniya.

"You need to tell your parents the truth," I said.

Tumingin siya sa 'kin . "No. Don't say anything."

"They have to know."

"No."

"Adeline—."

"I SAID NO!" She's glaring at me now. "They don't have to know, okay?! And don't tell it to them, or I swear—."

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Where stories live. Discover now