Our Real Love: Third step (3)

53.1K 1K 222
                                    

CHAPTER 3: CLOSER

ADELINE'S POV

"Rey..." Tawag ko kay Rey na naka-upo sa may upuan tapos nakatungo na parang problemado.

Tinignan naman niya 'ko agad pagkarinig ng name niya. "Oh, Analyn..."

"Ah... Si Jarret?" Tanong ko.

Napatingin naman siya sa pintuan papunta sa likod-bahay, tapos sa'kin. "Kung ako sa'yo, wag mo na muna puntahan. Masama ang tama, daig naka-inom. Tsk, tsk tsk, bakit nanaman kaya?" Saka siya tumayo at lumabas ng bahay.

Naiwan naman akong nakatingin dun sa pintuan papuntang likod-bahay.

What will I do? Kailangan ko ba talagang magsorry?

Pero kapag nagsorry ako, I will look like a guilty person, isn't it?

Pero guilty ka nga Adeline, can't you see!?

Yeah, yeah, guilty, I am. Pero, wala akong intention na may masaktan or something.

I am just guilty of lying and... using other people trust to gain my self-interest.

Oh great. Now, I sound more like a villain one.

Nagpunta muna ako sa kwarto. Maghahanap sana ng kahit anong tela na pwede kong magamit if ever na may dugo nga or something... Bigla naman pumasok si Jenn...

"Ate, kahit eto na lang gamitin mo."

Napalingon naman ako, nakatayo siya sa may pintuan.

May hawak na batya at telang puti.

Lumapit ako sa kanya, kinuha yung dala niya.

"Kanina kasi, dapat lilinisin ko yung sugat niya. Kaso umiwas siya sa'kin... Di na ako nagpumilit. Baka ikaw ate, magagawan mo ng paraan. Baka nasaktan na talaga siya, ayaw lang niya sabihin..."

"Okay. I'll do what I can." Sagot ko.

Sino nga bang aamin na nasasaktan na sila?

Yeah right, those person who don't admit that they're hurt or in pain... Sila yung mga taong mas kailangan ng tulong... mas mahina... Ayaw nilang makita sila ng iba na nasasaktan.

Adeline, seriously? Are you giving yourself a lecture?

Iba naman sa'kin.

I don't really need the help of others... I know I can... I will...

Naglakad na 'ko papunta sa likod bahay dala yung batya na may konting lamang tubig at yung malinis na damit. Hindi ko siya kaagad nakita kaya naglakad pa 'ko ng konti papunta dun sa mas maraming puno ng buko at kung anu-ano pang puno na di ko alam ang pangalan.

Pero hindi ko talaga siya Makita!

At na'san naman siya ngayon??

Bigla na lang akong may narinig na parang nagsisibak ng kahoy, kaya I turned my head to see kung ano yun. And yeah, just like what I've been thinking... Nagsisibak nga ng kahoy ang naririnig ko. It's Jarret... Very serious having black aura on his face.

Okay, kailangan ba talagang lumapit ako?

Kapag sinaktan nanaman niya 'ko, sorry, but I will do my best na ibalik sa kanya ang gagawin niya. Enough is enough. I won't let him do it again.

Lumapit ako sa kanya pero siya tuloy pa rin sa pagsisibak. Ng makalapit naman ako sa tabi niya, of course nakikita na niya ako right at this moment, pero di niya ko pinapansin.

Nakaka-inis, anong dapat kong sabihin?!

Wala kong maisip—

"AH!" Sigaw ko ng magulat ako sa binagsak niyang mga kahoy sa tabi ko.

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon