Why?

24 2 0
                                    

Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko. Bat mo ako niligawan kung sasaktan mo lang ako?.

Bakit kita sinagot eh umpisa palang alam ko nang lolokohin mo ako?

Bakit mo ako iniwan ng walang dahilan? Hindi man lang nagpaalam? Hindi mo manlang sinabi na iiwan mo na ako o break na tayo.

Para manlang alam ko na, wala na tayo at hindi na ako aasa na babalikan mo ako. Asang asa ako na isang araw, sasabihin mo sakin na...

"Sorry ngayon lang ako nagtext sayo, marami kasing ginagawa sa school. Kaya hindi na ako nakakapag text sayo. Im sorry talaga"

Pero wala eh. Araw araw ko hinihintay na magtext ka o tumawag pero wala. Nagmumukha na akong tanga dito kakahintay.

Tinetext kita pero hindi ka nagrereply, tinatawagan din kita pero hindi mo sinasagot. Wala na ba talaga? Hanggang dito na lang ba talaga?

Sobrang tagal na nung nalaman ko na two timer ka baka nga mas marami pa sa dalawa. Pero ako tong si tanga. Nagpaligaw pa sayo at sinagot pa kita.

Wala naman akong magagawa kong mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat maging kayo. Ayun lang naman ginawa ko pero hindi ko alam na hahantong to sa ganto.

Masakit. Sobrang sakit. Na gusto mo nang mawala sa mundo.

Pero pagkagising ko biglang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Siguro nga, excited lang ako mag karoon ng boyfriend at dahil wala pa akong isip pinatulan kita.

Nandidiri sa tuwing tinitignan lahat ng mga sinasabi ko sayo. Nung tayo pa.

Pinagdedelete ko lahat ng message na iniscreenshot ko pati na rin picture mo sa cellphone ko.

Masakit eh. Atsaka pagod na rin ako. Ayaw ko na magpakatanga sayo. Kahit umpisa pa lang tanga na ako.

Nakakapagod din pala magpakatanga. Nakakasawa din at masakit din pala.


Lalo na nung may nalaman ako tungkol sayo. Simula nung iwan mo ako.


Hindi ko alam na magagawa mo yun.


Bakit ha?


Bakit hindi mo manlang sinabi saakin na last day mo na yun.


Alam ko hindi kita nakikita dahil LDR tayo. Sa telepono lang tayo naguusap.

Pero bakit?

Bakit mo kami iniwan? Bakit ka namatay?.














Why?.

MigraineWhere stories live. Discover now