MPST Chapter 26

45.8K 603 83
                                    

Happy Birthday Lara :)

-

Chapter 26 - One bad Move

Third Person's Point of View

Isang malakas na ingay ang gumimbala sa loob ng silid aklatan.

Hindi makagalaw ang mga naroroon sa gulat... at sa takot.

Marahas na isinalya ng matanda ang swivel chair nito habang kaharap ang mga taong inutusan niya upang bantayan ang isang importanteng tao. 

Lahat ng galaw nito ay gusto niyang malaman. lahat ng taong nakakasalumuha nito ay gusto niya makilala. Dahil ayaw niyang maging sagabal sa buhay ng apo niya.

"Mga walang pagiisip." Mahina ngunit sa matigas na tonong sabi nito. Tinutukoy ang mga pangalan ng tao na nasa loob ng puting folder.

Lalo namang natakot ang iba pang nasa loob ng silid. Walang nagsasalita. Lahat sila'y nakatungo. Naghihintay ng sunod na ipaguutos ng matanda.

"Hindi ko na papayagan ang mga susunod nilang gagawin sa kanya. Wala silang karapatan." Tinignan ng nakamamatay na tingin ng matanda ang mga lalaking takot na takot na nakaupo sa harap niya.

Mga walang kwenta. Sa isip-isip niya. Kumuha siya ng limang sobre sa ilalim ng conference talbe kung saan sila ay tahimik na magkakaharap kani-kanina lang.

"Hans." tawag nito sa kaisa-isahang tao na pinagkakatiwalaan niya na hindi niya kaanak.

Isang lalaking nasa mahigit apa't-napung gulang ang lumapit. Muka namang naintindihan agad ng lalaki ang gustong gawin ng matanda kaya tumango lamang ito. Agad na ipinahanda ang Chopper sa isa pa nitong kasama at inutos sa isa sa mga katulong ang paghahanda ng gamit ng matanda.

Palabas na ang lalaki sa silid aklatan ngunit bago niya isara ang seradura ay napasilip siya sa limang lalaki na halos magkakasabay na binuksan ang sobre. Lahat ng mga ito ay nagulat. Bakit hindi? Sampung beses na mas malaki ang laman ng sobreng iyon kay'sa sa napagusapan.

Napailing na lang ang lalaki. Ngunit muling naitanong sa sarili ang isang tanong na hindi niya mabigyan ng sagot simula pa noong pagtuntong niya sa mansyon na ito, mahigit tatlupung taon na ang nakakaraan.

'Pera ba talaga ang susi sa lahat ng bagay sa mundo?'

Kalahati ng utak niya ang nagsasabi ng 'OO' at ang kalahati naman ay 'HINDI'

 -

 Edisvely Lanie Lorraine DelMundo's Point of View

"Kailan ka aalis?" Bigla kong naitanong kay Jake.

Tinignan lamang niya ako at nagkibit-balikat.

"Umayos na ang itsura ko. Nakaganti na ko. Nalaman na din nila na isa akong DelMundo. Siguro naman ay hindi na nila ulit ako aawayin. Siguro naman ay matatahimik na ulit ang buhay ko." Walang kabuhay-buhay kong sabi. Parang latang lata ang katawan ko. Wala na ngang masyadong sense ang mga pinagsasabi ko. Redundant na.

"Well, tama ka. But d'you think dito lang nagtatapos ang lahat?" 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"HIndi mo ba naisip na kapag nalaman nga nila na ikaw nga yung kaisa isahang DelMundo. Mas rarami ang matang nakatingin sayo. Tatanungin kita, bakit mas pinili mo ilihim ang totoong ikaw? Hindi ba para mamuhay ng normal. Pero ngayon na alam na nila, sa tingin mo ba magiging tahimik pa din ang buhay mo?" 

"Look Ell. I fixed you not because para magsisi ang taong nangiwan sayo na iniwanan ka niya at pinagpalit sa kung sino man. Tinulungan kita magayos para ipakita na you are a DelMundo and you have it all. DelMundo ka kaya dapat maganda ka. Delmundo ka kaya dapat walang manghahamak sayo. You understand me?" Patuloy niya.

"I don't get it. Wala naman sa pamilya namin ang beuty queen. Wala din naman sa pamilya namin ang nakilala ng sobra---" Jake cuttedd me off.

"Because you are a DelMundo. Nang dahil sa lolo mo. You don't have to do anything to built your name. Kahit saang larangan ka pumasok, kilala ka na agad. One of the perks of being DelMundo."

"You know what, ang dami mong alam. Ta--" napatigil ako sa pagsasalita ng may maalala ako.

"Never akong nagkwento sa kung sino ako. Pero ang dami mong alam. Alam mo din ang kapangyarihan ng lolo ko. Jake, answer me. who are you?" Tinignan lang niya ako sa mga mata.

"I'm Jake Ethan Salvador. You Private Sex Tutor" 

He then, lower down his face and kiss me. Hard. Wala akong ibang ginawa kundi tugunin ang kanyang halik sa pamamaraang alam ko.

My Private Sex TutorWhere stories live. Discover now