MPST Chapter 13

80.4K 573 19
                                    

Chapter 13 - Lesson Number One

-

EDISVELY LANIE LORRAINE DELMUNDO'S POINT OF VIEW

Hindi ko pa din alam ang irereact ko.

Ano ba ang dapat ireact kapag niyaya ka ng isang Jake Ethan Salvador na makipag-sex?

Kikiligin ba ko o mababastusan?

Pero bakit ganoon? Imbis na matakot ay parang ikinatuwa pa ng kalooban ko ang pagyaya niya sakin. Alam ko naman na mangyayari to pero di ko inaasahan na this soon. Now na talaga?

Pati di pa ko handa. Hindi pa nga ako nakakapagbasa kung paano ba gawin yon. Ni hindi ko alam kung saan kami magsisimula!

Para naman akong batang binigyan ng ice cream na napatungo. Kung anu-ano iniisip ko. Nakakainis!

For God Sake Ell! Para ka lang niya niyayang kumain sa labas the way he said it that to you!

Narinig ko ang malakas na pagtawa ng dalawang tao sa harap ko. Tumatawa pala si Sandra?

"That. We need to change." Agad niya ko hinila palabas ng green house. Ramdam ko ang pagkakilig sa paghawak niya sa kamay ko.

Bakit ba ako kinikilig!? Sinong hindi kikiligin? Dapat di ako kinikilig! Bakit naman? Hindi ko alam! Crush mo na siya no? Hindi ah!

Nagiging malandi na talaga ko. Kasalanan sa Diyos tong mga naiisip ko. Tsk.

Agad niyang pinaharurot ang sasakyan. Dahil sa sobrang occupated ang isipan ko about dun sa 1 word, 3 letters na 'yon ay di ko namalayan na nasa tapat na kami ng condo building ko.

Hinila niya ako papasok ng elevator at ng makarating sa floor na kinaroroonan ng unit ko ay hinila niya ulit ako. Binuksan ang pintuan gamit ang spare key na binigay ko sa kanya at agad na sinandal ako sa pintuan pagpasok namin.

Ang bilis ng mga pangyayari. Walang break. Nahihirapan ako huminga. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Sa kabila ng mga nangyayari ay hindi matanggal sa loob ko ang excitement. Bakit ba may lugar sa puso't isipan ko ang ganitong pakiramdam?

Dahan-dahan niyang inilapit ang muka niya sa muka ko. Pipikit ba ako? O tatakbo?

Napili ko gawin ang nauna. Pumikit ako.

"You need to be strong Lanie Lorraine. Be bold. Be brave. Let them know you have the power. But dont ever show what you really feels. Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng ibang tao. That's the lesson number one Lorraine. Always Act." Agad ako napamulat sa mga sinabi niya.

Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng ibang tao. Dahil sa nararamdaman kong kalandian kanina. Nakalimutan ko kung ano ba talaga si Jake at ako. Nandito nga pala siya para turuan ako. YUN LANG.

Agad kong tinanggal ang kakarampot na paghanga sa lalaking nasa harapan ko. Tinignan ko siya ng seryoso. Ngumiti siya.

"That's good."

Ngunit hindi ko inaasahan ang mga susunod na ginawa niya.

Nakapalat ang mga labi niya sa labi ko. Nakatingin lang siya sakin. Ni hindi nakasara ang mga mata nito.

Naramdaman ko ang unti-unting paggalaw ng mga labi niya sa labi ko. Nagulat ako pero pilit kong itinago ito.

ALWAYS ACT.

Itinatak ko sa isipan ko iyan.

Ngunit sa paggalaw ng mga labi ni Jake sa labi ko ay gusto kong pumikit. Gusto kong dam-damin.

Pinilit ko ang sarili at katawan ko makumbinsi na ginagawa lang to ni Jake para tulungan ako.

Lalong lumalim ang mga halik niya. Dumapo na din ang dalawang kamay nito sa bewang ko.

Hindi ko na napigilan. Itinulak ko na siya.

"That was a great start." nakangiting sabi niya. Napahinga na lang ako ng malalim.

Hindi alam ng lalaking ito kung gaanong kalaking pagtitimpi ang ginawa ko. Wag lang ipakita na sobra akong apektado.

-

"Saan na naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Kahapon, matapos ang klase ko sa kanya ay pinatulog niya ko. Daig ko pa ang may personal nanny na kasama sa bahay.

"Clothes." Sabi niya habang minamaneobra ang manibela paliko sa intersection.

Kanina, noong sabihin niya na magayos daw ako ay tumanggi ako. Kailangan ko nang pumasok. Malapit na ang finals. Ayoko bumagsak due to absences.

Pero tinaasan lang ako nito ng kilay at sinabing walang pasok. Hindi ako naniwala. Bakit naman kasi mawawalan ng pasok? Nagkibit balikat lang siya at sinabing tignan ko sa website ng PIU. Tinignan ko naman sa University website kung totoo ang sinasabi niya, ano bang meron ngayon. Meroon palang board meeting ang lahat ng faculty for three days. Ang haba naman ng meeting nila. Si Emm na naman ang may pakana nito. Malamang ay tinatamad pumasok at tinakot na naman ang Presidente ng University.

Lagi niya 'tong ginagawa. Kapag may ayaw siya ay agad siyang pupunta sa opisina ng President para sabihin dito ang gusto nitong mangyari. Kapag tumanggi ay agad na tatakutin na tatanggalin ito sa pwesto. Maiiwan namang walang pagpipilian ang isa kaya mapipilitan sundin ang gusto ni Emm.

Pagkarating namin sa mall ay umunang maglakad si Jake. Nakangiti namang sinalubong ako ng babae pero alam niyo yung may hidden agenda? Parang in any moment ay gagawa ito ng masama. Pinapasok sa fitting room ng department store.

Nagulat ako na imbis maliit na ispasyo lamang ang nasa loob nito ay napakalaking kwarto. Napapalibutan ng salamin. Sinukatan ako ng babae. Hindi naman ako nagtanong kasi nakakatakot siya.

Sino kaya itong mga babaeng to? Kahapon si Sandra. Ngayon, Nadine.

Maya-maya ay umalis siya. Di kalaunan ay muling bumalik tulak-tulak ang dalawang cart ng damit.

Pinatayo niya ako ng tuwid. Sa takot ay agad ko naman siyang sinunod.

Itinatapat lang niya sakin yung mga damit na dala niya. Lahat ng klase ng damit ata nakita ko. Hindi man lang ba niya ipapasukat sa akin kung bagay o hindi?

Umalis na naman siya at bumalik na may dalang mahigit sa 10 kahon ng sapatos.

Nakatingin ito sakin at tumango-tango. Nangangalay na ko kakatayo.

Hindi din ba niya ipapasukat sa akin ang mga sapotos na hawak niya?

Umalis na naman siya. Tinignan ko ang wristwatch ko. Alastres na ng hapon? Ganoong katagal na kong nakatayo?

Biglang kumalam ang sikmura ko.

Halos limang oras na kong nakatayo. Hindi nagsasalita. Hindi kumakain.

Nakakangalay. Nakakatuyo ng laway. Nakakagutom.

Ilan pang minuto ay dumating siya at pinalabas na ko. Nakita ko si Jake. Prenteng nakaupo at nagbabasa.

Naramdaman niya ata ang presensya ko at agad siyang tumayo ng makita ako.

"Do you like the dresses? The shoes?" Tinignan ko lang siya. Anong isasagot ko? Ni hindi ko man lang nahawakan yung mga damit at sapatos. Ilalabas ko na sana ang wallet ko sa bag na dala ko pero pinigilan niya ko.

"No. Ill pay." Sabay kindat sakin. Hindi ko na-appreciate ang ginawa niya dahil sa gutom.

"Ah. Nalimutan ko. I bet you're hungry. Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko.

Gusto ko sana matuwa pero gutom ako.

Pero kahit gutom ako. Malinaw pa din ang paningin ko.

Nakit ko si Jed. May kasamang iba. Masayang nagtatawanan...

My Private Sex TutorNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ