MPST Chapter 5

130K 837 29
                                    

Para akong baliw nung binabasa ko yung TVFN Series niya. Naiyak ako habang tumatawa. Badtrip. HAHAHA! Ang ganda po.

Nakakadepressed po yung Midterm ko sa Research kaya nakakadepressed din yung update. Damay-damay na'to. <//3

-



Chapter 5 - Her Delusion



ELL's POV


"...help." Sabi ko na lang na wala sa loob.


Yung gustong-gusto mo pang lumaban pero wala ka ng pinaglalaban.


Pagod ka na pero gusto mo pa din tumayo mahabol lang siya. Para magkaroon lang ulit ng 'kayo'.




"Jed. Bakit mo'ko minahal. I mean. Bakit ako pa?" Lumingon lang siya sa'kin at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Miski ako ay hindi makapaniwala na ang isang Jed Emmanuel Alagon ay nasa tabi ko. Hawak ang kamay ko. Yiieeee! Kinikilig ako!


"Eh kasi ikaw ang pinakamabait at pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang swerte-swerte ko kasi sinagot mo'ko." Sabi niya na may pagkamot pa sa ulo. Nahihiya ba siya? Sa poging niyang yan? Nahiya pa siya?


"Sinasabi mo lang yan kasi girlfriend mo'ko. Marami kayang mas mababait sa'kin. Tapos hindi naman ako gano'on kaganda. Ehhh. Bakit nga kasi ako Jed." Pamimilit ko sa kanya habang nakangiti. Alam ko naman kasi ang sagot. Sa halos araw-araw na pagtatanong ko sa kanya ng gano'on. Saulong-saulo ko na kada word sa sagot niya. Pero siyempre. Gusto ko ulit-ulitin niya.


Tumawa siya ng mahina. Ang gwapo niya talaga. Sweet na, mabait pa. Sinong magaakala na magtatagal kami ng pitong buwan? Miski ako hindi ko inakala e.


"Kahit gaano pa sila kaganda. Kahit gaano pa sila kahigit sa'yo. Ikaw pa din ang mahal ko kasi ikaw si Ell. Ang nagiisang babae na mamahalin ko ng ganitong habang buhay."





Masisisi niyo ba ako kung ganito kasakit ang nararamdaman ko sa panlolokong ginawa ni Jed? Nagmahal lang naman ako e. Sa maling tao nga lang. Sino ba ang makakapagisip na maghihiwalay pa'kami.



Napaka-smooth ng relationship na'min. Nakapalano na, na kapag nakapagtapos kami ng pagaaral. Papakasalan na niya ako. Bibili kami ng bahay malayo dito sa Manila. Magkakaroon kami ng dalawang anak.


Pero lahat nang yon ay naglaho na lang ng parang bula.


Lahat ng mga pangako niya. Lahat ng efforts. Lahat nang yon nangyare lang dahil sa isang pustahan.


A bet that has been played to make my downfall.


Napatangin ako sa box na kinuha ni Emm sa kwarto ko. Dito nakalagay ang lahat ng memorabilia ng magulang ko.

My Private Sex TutorWhere stories live. Discover now