MPST Chapter 24

49.7K 395 40
                                    

Thankyou for reading Heizel! :)

CHAPTER 24 - BETWEEN HER AND ELL

Tahimik lang kami ni Jed na naglalakad palabas ng school. 

"Ang tahimik mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman niya ako sinagot at tumungo lang at medyo pakamot-kamot pa sa batok.

"Hindi ka sasagot?" Tanong ko sa kanya ng malapit na kami sa sakayan ay tahimik pa din siya. Sabado ngayon, ako lang ang may pasok sa aming dalawa kaya sinundo niya lang ako. Pero hindi ko na siya pinagdala ng kotse. Traffic.

Tinignan niya lang ulit ako at parang pinagiisipan kong ano bang dapat niyang gawin. 

Maya-maya ay kinuha niya ang bag niya na nasa likod niya. Sinilip ko iyon. Grabe ang kalat!

"Ang kalat na naman ng bag mo!" Hindi ko mapigilang punahin siya! Lagi ko na lang kasi nililinis yung bag niya. Ewan ko ba kung ano bang ginagawa nito sa bag niya. Tch. 

Bigla naman niya inilayo yung bag niya sakin at tinignan ako ng masama. Ano na naman nagawa ko?

"Wag ka tumingin! Hindi ko nga alam kung ibibigay ko eh!" Sigaw niya sa akin ng namumulo ang buong muka. Lumapit ako sa kanya pero umurong naman ito palayo.

"Ano ba kasi yon Sandoval?" Lalo itong namula. Tumingin sa malayo at nagsimula ng maglakad habang isinasara ang zipper ng bag.

My Private Sex TutorWhere stories live. Discover now