Chapter 30: Hopeless?

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngumiti ito.

"I was very excited. I hardly slept that night." parang nag iimagine na sabi nito.

Di ko tuloy maiwasang maiinggit sa kanya. Gusto ko rin maramdaman yung ganung feling. Pero papano na kung di ko naman gusto ang lalaking pakakasalan ko.

"I didn't expect na siya ang mapapangasawa ko. Nung una, hindi kami magkasundo, para kaming mga aso't pusa. He was very arrogant. And very handsome. Pero ayoko sa kanya. Napakayabang kasi."

Napangiti ako.Very handsome and arrogant. Si Russell ang pumasok agad sa isip ko.

"Hindi naman talaga kami ipinagkasundo. Magkaibigan ang mga parents namin ng daddy mo. So nung mga maliliit pa kami parang biru biruan lang na paglaki namin gusto nila kami ang magkatuluyan. Hanggang sa nag high school kami tinutukso pa rin nila kami sa isa't isa. Sa parehong university din kami nag enroll nung college. We stayed sa iisang apartment sa kagustuhan na rin ng mga parents namin. "

Buti pa sila. Ba't pa kasi nauso ang ganitong arranged marriage. Mahilig rin atang manood to si mommy ng mga koreanovela gaya ni Jess. Di ba ganito rin ang nangyari kay Jun Pyo at monkey girl. Pero lilinawin ko lang ha, hindi ako mahilig manood ng mga koreanovela na yan.

Lalo na yang City Hunter na yan. Meron pa nga dati yung Attic Cat. Tapos yung Full house. May endless love pa. Tapos yung stairway to heaven ba yun. Naku sabi ko sa'yo wala talaga akong alam sa mga koreanovela na yan.

"Hindi naman nila kami pinilit. And when we had the chance to get to know each other, I found out na hindi pala siya ganun kahirap mahalin."

Parang pareho yata kami ng experience ni mommy. I felt the same way. I started to like him. I found out lately that I'm falling for him. Hindi siya mahirap mahalin.

"But it was never easy. Marami rin kaming naging problema bago ikasal. I almost gave up. Hindi naman siya babaero pero maraming babae ang nagkakagusto sa kanya at lumalapit. Ayoko ng ganun. Madalas kaming mag away kasi napakaselosa ko."

Selosa.

Selosa rin ba ako gaya ni mommy. Yung tipong gusto kong tadtarin ng pinong pino si sandok at ipakain sa mga zombie. Yung gustong gusto kong dukutin yung mga mata niya pag tinititigan niya ng malagkit si Russell.

Selosa na ako ng lagay na yun? Siguro pag mahal mo ang isang tao ganun talaga.

"Till I found out I was pregnant." sabi nito.

Uhmm..

Siguro naman sa bagay na'to hindi kami pareho.

Teka...

Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa sarili ko. Hindi naman ako nahihilo o kaya nasusuka. Yung last period ko kasi that was 3 months ago. Irregular kasi ako. Naputol ang pagmumuni muni ko ng magsalita ulit si mommy.

"Sobrang saya namin nung ipinanganak ko si Hans. He is a very devoted husband and a father. At hangang ngayon hindi ako nagkaroon ng problema sa kanya. Napakabait ng daddy mo. "

All my life, I never thought I would have this kind of conversation with her. Ngayon ko lang narinig ang love story nilang dalawa.

And I'm proud na product kami ni Hans ng love. Hindi ng isang kasunduan lang. Di gaya ng ibang family na napilitan lang magpakasal ang mga magulang nila.

"Kumpleto na ang family ng ipinanganak kita. Sabi ko tama ang isang babae at isang lalaki." nakangiting sabi nito.

Maya maya lumungkot ang mukha nito.

"Akala ko puro masasayang bagay na lang ang mangyayari. When his parents died, we found out that there was almost nothing left. Palugi na ang kumpanya nila. Nabaon kami pareho sa utang para masave ito. Wala ng gustong matiwala sa amin. Napakalaki ng kumpanya nila at maraming mga empleyado ang umaasa dito."

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon