"Ano ba yung nangyare? Bakit sya binabato ng mga itlog?" tanong ko dun sa bestfriend ni Althea. Ewan ko ba kung ano na yung pangalan nya! Nakalimutan ko na! 

"Eh kasi oppa, pupunta lang kami ng cafeteria nun ni Althea ng bigla nalang kaming harangan ng mga babaeng yon. Hinawakan pa nila yung braso ko at inilayo kay Althea. Tapos ay pinagbabato na sya ng itlog. Sabi nila nababagay lang daw kay Althea yun kasi inagaw daw nya si Chanyeol oppa sakanila. Tch! Mga immature yung mga fans na yun! Lagot sila kay Chanyeol oppa pag nalaman yun!" paliwanag nya. So, yung mga nagbabato pala ng itlog kay Althea kanina ay yung mga immature fans ni Chanyeol Hyung!

"Ay wait oppa, tatawagan ko lang si chanyeol oppa. He needs to know kung ano yung nangyari kay Althea." tumango ako. Kinuha nya yung phone nya at sinimulan nang tawagan si Chanyeol Hyung.

(PARK CHANYEOL POV) 

"Hyung! Ano ba yung nangyayare sayo? Kanina ka pa tingin ng tingin dyan sa cellphone mo!" tanong sakin ni Kai. Nagshoshooting kami ngayon para dun sa MV namin na Miracles In December. 

"Si Althea kasi, kanina ko pa tinetext at tinatawagan pero hindi sumasagot."

"Hyung baka naman, nasa klase sya ngayon. Ngayon yung first day nila diba?" tumango ako

"Ohh.. Don't worry ok?" tinapik nya yung balikat ko. Ilalagay ko na sana sa bulsa yung cellphone ko ng bigla itong tumunog. Dali dali kong tinignan kung sino yung tumatawag. Baka si Althea na yun! Nadisppoint ako ng makita ang pangalan ni Maine sa caller's ID. Sinagot ko iyon.

"Ohh Maine?"

"Ahmm.. Ano.. Chanyeol oppa... Kasi... Si ano... Si Althea..." pahinto hinto sya sa sinasabi nya. Para bang kinakabahan na natataranta?

"Ano yung nangyari kay Althea, Maine? Nasan ba sya? Kanina ko pa sya tinatawagan pero di naman nya sinasagot. Okay lang ba sya?"

"Oppa.. kasi si Althea.. nandito sya sa hospital ngayon-"

"WHAT? WHY?" napasigaw na ako sa sinabi nya. Bakit nasa hospital si Althea? Anong nangyari? DAMN! Lumapit sila Suho sakin

"Bakit ka sumigaw Yeol? Sinong kausap mo?" tanong ni Baekhyun pero di ko sya sinagot. Hinintay kong magsalita si Maine

"Anong nangyari kay Althea, Maine?" tanong ko sakanya sa kabilang linya

"Eh kasi oppa... Kanina sa university na pinapasukan namin ni Althea, pupunta sana kaming cafeteria pero bigla nalang kaming hinarangan ng mga fans mo. Hinawakan nila yung braso ko at inilayo kay Althea tapos nun nagsimula na nilang batuhin si Althea ng itlog. Sabi pa nila inagaw daw ni Althea ikaw sakanila. Nawalan ng malay si Althea dahil sa kababato ng itlog sakanya. Buti nalang at dumating si Johnny oppa at dinala si Althea dito sa hospital." SHT! Eto na nga ba ang kinatatakutan ko eh! 

"Saang hospital kayo? I'll go there."

"Itetext ko nalang sayo oppa." binaba ko na yung tawag at napasabunot nalang sa sarili ko. Sana naman walang masamang nangyari kay Althea.

"Anong nangyari Hyung?" tanong nila

"Si Althea.. Nasa hospital sya ngayon." halatang nagulat sila sa sinabi ko.

"What? Bakit naman? Anong nangyari sakanya?" tanong ni Kris hyung

"Pinagbabato daw sya ng itlog sabi ni Maine." tumango sila

"I need to go there! Kayo nalang ang bahala magpaliwanang sakanila." tumango sila. Dali dali akong tumakbo palabas at nagdrive papuntang hospital na tinext sakin ni Maine. Nang makarating ako dun ay tinanong ko agad yung nurse kung saan ba yung room ni Althea at sinabi rin naman nya iyon. Nang makarating ako sa labas ng room ay dahan dahan ko iyong binuksan. Nadatnan ko sa loob si Althea na nakahiga at natutulog. Merong bandage sa may ulo nya. Sht! I can't stand seeing her like this. Lumapit ako sakanya at hinawakan yung kamay nya. 

"I'm sorry..." bulong ko sakanya

"Uhmm.. Iwan muna namin kayo..." rinig kong sabi ni Maine. Tumingin ako sakanya at tumango. Tinanguan ko rin si Johnny and I mouthed 'thank you'. Nang makaalis sila ay hinawakan ko ulit yung kamay ni Althea. Damn! This is all my fault! 

"I'm sorry Althea. Kung hindi dahil sa mga fans ko, hindi ka sana magkakaganito." hinalikan ko yung kamay nya.

"I love you..." bulong ko at saka hinalikan sya sa pisngi nya. Dumukmo nalang ako at hinintay sya magising. Gusto ko, ako yung una nyang makita pagkadilat nya..

Dating Park Chanyeol (Completed)Where stories live. Discover now