Chapter 7

39.7K 1K 162
                                    

Hi! Naggawa ako ng trailer ng Dating Park Chanyeol. Tignan nyo sa multimedia sa gilid. First time kong maggawa ng trailer kaya pagpasensyahan nyo na kung pangit. lols. Mag bigay kayo ng feedback ah? Tungkol dun sa trailer. thanks :) 

Chapter 7

(ALTHEA KIM POV)

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nagkailangan na kami ni Chanyeol. Hindi na kami masyado nagkakatext. Paminsan minsan nalang. Sya nagiging busy na sya in the past few days. Busy sila sa rehearsal para sa concert and speaking if concert, concert na nila ngayon. At itong si Maine ay hindi mapakali sa susuotin nya.

"Bessy, ano ba kasing magandang suotin?" paulit-ulit na tanong nya habang pinapakita sakin yung mga damit nya.

"Yung Wolf 88 na shirt mo nalang syaka yang shorts mo. Ternuhan mo nalang ng Keds mo." sabi ko nalang nang matigil na sya 

"okie dokie" kinuha nya yung damit at pumasok na sa bathroom ng kwarto ko para magbihis. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na dito sya nag sleep over.

Habang hinihintay ko sya ay biglang nag-ring yung cellphone ko. Kinuha ko yun mula sa kama ko at tinignan kung sino yung tumatawag. Nabigla ako nang makita ang pangalan ni Chanyeol sa caller's ID. Ngayon lang ulit sya tumawag sakin simula nung pangyayaring iyon sa hotel kung saan sila tumutuloy.

"He...hello?" sagot ko pagkatapos kong pindutin yung answer button. Ilang minuto bago sya sumagot.

"a..ano.. Althea, na... nakaready na ba kayo?"

"ahmm.. ako naka ready na. Si Maine, nagbibihis pa lang"

"sige.. Ahm, Althea a..about dun sa kiss" nabigla ako sa sinabi nya. Hindi ko alam pero biglang uminit ang mukha ko pagkasabi nya sa salitang 'kiss'

"what about that?" hindi ko alam ang sasabihin ko kaya iyan nalang ang nasagot ko.

"Ano.. uhmm. Sorry.. dun sa nangyari. Sa bigla kong paghalik sayo. Hindi ko talaga alam kung anong daloy ng utak ko at bigla nalang kitang hinalikan 'non." Aniya

"okay lang." I lied. Syempre hindi okay yun. First kiss ko ang pinaguusapan dito. At nakuha iyon ni Chanyeol ng ganun ganun na lang. Naka reserve pa naman yun sa unang lalaking mamahalin ko *sigh* (>___<)

"sige. sorry ulit. Nga pala. Pag katapos ng concert pumunta agad kayo ng backstage. Tapos isasabay na namin kayo sa pag-uwi." 

"sige."

"ok. see you later then Althea?"

"yes. see you." in-end ko na yung tawag at sakto namang lumabas si Maine sa bathroom suot suot ang damit na sabi kong suotin nya.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon