Chapter 58

13.4K 431 44
                                    

Chapter 58

(ALTHEA KIM POV)

4 years later... 

"Bessy!" 

I turned around when I heard her voice. Dali dali akong tumakbo papalapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit. Gahd, I miss her so much.

"I miss you Althea!" she said as she hug me back.

"I miss you too Maine! so much!" sabi ko pabalik at hinigpitan pa ang yakap ko sakanya. Nandito kami ngayon sa NAIA Airport. Sinundo ko sya dahil kararating lang nya galing Seoul.

Sa loob ng apat na taon, maraming nangyari. Noong sinabi ko kay Maine na ihanda na nya ang mga gamit nya at babalik na kaming Pinas, hindi sya pumayag. So, she stayed in Korea while me, I go back here in the Philippines alone. Dito ko pinagpatuloy ang pagaaral ko ng college and luckily, kakagraduate ko lang last April. At ngayon ay naghihintay nalang ako ng tawag para sa una kong trabaho. 

"Kamusta?!" I asked her pagkatapos ko bumitiw ng yakap.

She smiled. "Okay lang! Haha! Ikaw ba? Kamusta ka na? Naka move on na ba?" she joked. Sumeryoso ang mukha ko.

"Joke lang! 'To naman!" tumawa sya tapos ay tinitigan nya ko from head to toe. "Grabe bessy! Ang laki ng pinagbago mo! Mas lalo kang gumanda ngayon. Tapos yung curves mo! Pak na pak! Pang model na! Ganyan ba ang nadudulot ng pakikipagbreak sa isang Park Chanyeol?" sinamaan ko sya ng tingin.

"Joke lang ulit! Hahaha!" 4 years ko syang hindi nakita. Akala ko magiging matured na sya once na magkita ulit kami pero wala paring nagbago! Yung ugali nya, katulad parin ng dati. But I love her in that.

"Tara na nga!" sabi ko sakanya at hinila na sya papalabas ng airport. Dinala ko sya sa bahay kung saan ako tumutuloy ngayon. I am leaving alone simula nung bumalik ako dito. Pinapadalhan naman ako nila Mom ng pera kaya nakakasurvive naman.

Nilagay ni Maine yung mga gamit na dala nya sa gilid at sumalampak agad sa sofa. Tumungo naman ako sa kitchen at pinaghanda sya ng meryenda. Pagkatapos kong gawin iyon ay bumalik akong living room. Nadatnan ko sya na nanunuod ng TV.

"Oh! Kumain ka muna!" sabi ko at inilagay sa lamesa yung pagkain.

"Thanks bessy!" sabi nya sabay inom ng juice. Umupo ako sa tabi nya. Nilipat lipat nya ang channel tapos ay tumigil lang sya ng kumain sya ng cake na inihanda ko. Sakto namang sa pagtigil nya sa paglipat ng channel ay pinalabas sa channel na iyon ang isa sa mga music video ng EXO. Natigilan ako at sa tingin ko ay ganoon din si Maine. 

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon