CHAPTER 49: STARTING OVER AGAIN

Start from the beginning
                                    

"Ah! I almost forgot! Ipeprepare ko na ang foods!" Nagrush si Stacey papunta sa kitchen. May dala dala kase syang mga paperbags.

Nagiguilty ako.

Pero sa tingin ko mas gugulo ang lahat kung aamin ako.

"I'll help Stacey." Tapos sumunod na din sa kusina si mom Vira.

Kami na lang ni Kelvin ang naiwan sa living room.

Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng puso ko.

Lalo na ng hinawakan nya ang isa kong kamay.

Pinagpantay nya ang mga kamay namin tsaka hinawakan ng mahigpit.

"Wifey.."

Actually parang hindi ko kayang tumingin sa kanya.

Dun lang ako nakatingin sa mga kamay namin.

"Today is the first day of our deal. May inihanda ako. After lunch may pupuntahan tayo."

"O..okay." yun lang ang nasabi ko.

Hinigit na din ako ni Kelvin papunta sa kusina.

Medyo nalula ako sa mga pagkain na inihahain ni Stacey at ni Mom Vira. Sobrang dami kase e.

Oo nga pala ganito talaga maghanda ang mga Vergara. Parang laging fiesta.

"C'mon let's eat!" bigla akong hinila ni Stacey kaya napabitiw si Kelvin sa pagkakahawak sa akin.

Dinala nya ako sa dining area at pinaupo na din.

Dun sana sya uupo sa upuan na nasa tabi ko kaya lang hinila sya ni Kelvin palayo.

At si Kelvin ang umupo dito.

"Psh!" Pinandilatan pa ni Stacey si Kelvin bago umupo sa tabi ni Mom Vira.

Hindi pa rin talaga sila nagbabago. Para pa ring aso at pusa.

"Glazy i-try mo yung lobster. You'll surely love it!" Inilapit pa sa akin ni Stacey yung plate.

Kukuha na sana ako pero naunahan ako ni Kelvin.

Sya ang naglagay sa plato ko.

Kailan pa naging sweet 'tong mokong na to?

Napapangiti tuloy ang mommy nya.

Then susubo na sana ako nang makita kong may hinihiwang something si Kelvin sa plato nya.

Lumaki ang mga mata ko ng magsink in sa utak ko kung ano yun.

Mushroom!

Shete baluga talaga tong lalaking to! Nakalimutan na ba nya na allergic sya sa mushroom?!

Binitiwan ko yung kutsara at hinawakan ko ng mabuti yung tinidor.

At ng tapos na nyang hiwain, agad kong tinuhog yung mushroom.

Then biglang nagfroze lahat.

Awkward silence.

Lahat sila nakatingin sa akin.

Hala.

Anong gagawin ko?

Agad kong sinubo yung mushroom at umayos na ng upo.

Nakatingin pa rin sila sa akin.

Lalo na si Kelvin.

"Ahm.. sorry gusto ko kase ng mushroom." yun na lang tuloy ang nasabi ko.

Then they breathe.

Napatawa ng mahina si mom Vira.

"May allergy kase si Kelvin sa mushroom. Kapag nakakain sya nyan magmumukha syang monster sa sobrang pantal at pula ng katawan! Haha!"

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Where stories live. Discover now