Chapter 36. Fieldtrip Part 1

125 4 2
                                    

[Kylie's POV]

 

Hmmm.. Ano bang dadalhin ko?

ID.  PE Shirt. Yung waiver na pinapirma ko kay nanay. Cellphone. Isang notebook at ballpen. Water bottle. Extra towels at shirts. Snacks. Chocolaaaates~ *__* AHHHHHHHHHHH.

 

*toink

 

Okay balik tayo XD

 

Earphones para sa music. Pillow bear ^___^ Yung bear na pwedeng gawing pillow? Gets niyo? :D Tapos.... Uhhhh. Okay na ata? :D

 

Inihanda ko na mga gamit ko sa bagpack ko na may nakasabit na unggoy :D 

 

:DDD Pansin niyo ba? :DD Talaga?? :DD

 

Ang saya saya ko noh? :DD

 

Ehh kasi... Fieldtrip na! At! At! AT! Makakatabi ko siya! ^_____^

 

Hindi ko parin alam kung paano nangyari un pero... kinikilig talaga ako... tama ba to? diba sila nga ni Maki? Eh bat ang saya saya ko?

 

Hay. Kahit gaano ako kasaya sa mga pangyayari, sinasampal parin ako ng realidad :< Sasarilihin ko na lang nararamdaman ko... Tago ko na lang muna. 

 

 

 

** 1:49am, Saturday

 

Ang usapan kasi, 2am daw kami mag assemble sa school. At hinihintay ko sundo ko XD

 

"Kylie anak~ Halika na. Andito na sundo mo. Iho, upo ka muna." rinig kong sabi ni inay.

 

Dinala ko na yung bag ko. Nag-ayos ng buhok at itinaas ko narin yung buhok ko. Nagpaalam ako sa doggy ko, yung stuffed toy, ayoko siyang isama kasi baka madumihan at mawala ko.

 

Pagkarating ko sa sala, naabutan ko si nanay na nasa pinto "Oh nay, asan na po siya?"

 

"Nasa labas lang siya, binabantayan ko kasi baka mapano siya. Nahihiyang pumasok yang kaibigan mo anak."

 

"Oo nga po eh. Yaan niyo na, ganyan lang po talaga siya. Haha." Hinalikan ko si inay sa pisngi at ganun din siya sa akin. Pinaalala niya na magtext daw ako kung nakaalis at nakarating na kami sa pupuntahan namin. Ibinilin din sa akin na mag-ingat ako, lalo daw na first time kong malayo.

 

 

Lumabas na ako para hanapin yung sundo ko.

 

"Tagal..." sabi niya. may dala-dala siyang maliit na side bag at isang paper bag.

 

"Uii. Ano yan?" turo ko sa paper bag niya na maganda

 

"Ano ba. Unan ko to."

 

"Psh... Halata namang hindi XD" nahiya naman siya. haha. pero di nga, ano nga bang laman nun..

Notice Me (Completed)Where stories live. Discover now