12: Her Knight in Shining Armor! Welcome to UK!

36.8K 441 17
                                    

     Dali-daling tinakbo ni Kath ang unang phonebooth na nakita niya sa kalyeng iyon. Katatapos lang ang klase niya at patungo na siya sa resto-bar kung saan siya nagpapart-time ng maisipan niyang sumaglit para tawagan ang mama niya.

     Inaatake na naman siya ng homesickness.

     Naisip niya na hindi pala biro ang malayo sa mga magulang at sa bansang pinanggalingan. Ibang-iba ang kultura at mga taong nakakasalamuha niya araw-araw. Kung lalambot-lambot ka madami ang mang-aapi sa iyo.

     Halos mag-iisang buwan na rin siya sa Cambridge pero hangang ngayon hindi pa siya gaanong nakaka-adjust. Kung hindi pa marahil sa mga Pilipinong kasama niya sa dorm baka nag.iiiyak na siya doon. Ang mga ito ang nag-turo sa kanya sa mga pasikot-sikot ng unibersidad at ng mga kalye palibot dito dahil sa sobrang laki ng lugar. Hindi nagkasya ang isang araw ng paglilibot nila para matandaan niya ang lahat. Pinasyal din siya sa hospital at nursing home kung saan siya mag-o-on the job training. Malaki din ang pasasalamat niya sa mga ito dahil sila ang nag-rekomenda sa kanya sa pinagtratrabahuan niya ngayon.

     Sa Uk, hindi pwedeng wala kang trabaho. Hindi porket naka-scholarship siya sapat na ang allowance na nakalaan para sa kanya. Pagkain na nga lang kulang pa iyong allowance na iyon, idagdag pa ang pamasahe papuntang university at mga projects and researches nila. Nahihiya si Kath na humingi sa magulang niya at sa mga second parents niya na magulang ni Daniel.

     Hindi na siya bata. Napag-isip isip niyang kailangan niyang mabuhay doon ng mag-isa. Mahirap pero masaya.

     Pinindot ni Kath ang numero ng bahay nila at pakatapos lang ng ilang sandali na sinagot na din iyon ng mama niya.

     "Ma! Kath po ito!"

     "Anak! Kamusta? Tapos na ba ang klase mo?" tanong nito sa kabilang linya."Kumain ka na ba?"

     "Opo ma, kumain na po ako. Sa katunayan po papunta na ako ngayon sa trabaho. May ilang minuto pa ako bago yung oras ng shift ko. Kamusta na po kayo?"

     Naalala niya ng araw ng flight niya kung gaano ito umiyak. Hinatid siya nito sa airport kasama ni Kiray. Magkanda-haba ang leeg niya noon sa kakatingin sa paligid nagbabakasakaling baka dumating si Daniel para ihatid siya pero isang maanghang na sita lang ang narinig niya galing kay Kiray na hindi ito sisipot. Malungkot naman siyang tinignan ng Mama niya noon na alam na ang lahat sa kanila at sa annulment nila.

     Tandang-tanda niya kung gaano ito nasaktan sa balita. Muntik na siya nitong hindi pinayagan na mag-aral sa ibang bansa.

     "Pagod na kasi ako Ma." iyon ang sabi niya sa mama niya noon ng humingi ito ng eksplanasyon sa paghihiwalay nila ni Daniel. "Kailangan kong hanapin ulit yung sarili ko. Yung Kath na wala pong Daniel. Kasi kahit simpleng tanong katulad ng anong paborito kong ulam, ung sagot ko po e yung paborito ni Daniel..."

     Niyakap lang siya nito ng mahigpit.

     Hindi naman siya nagkamali sa desisyon niyang lumayo dahil sa paglipas ng ilang araw napansin niyang nababawasan na din ang pag-iisip niya dito at Ni minsan hindi niya tinanong sa Mama niya kung kamusta na ito sa pilipinas.

Stay by my Side - (Under Revision 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon