SBMS4: Choose me... Love me!

36.2K 431 7
                                    

     Napahawak si Kath mula sa veil na nakatalukbong sa ulo niya hangang sa princess cut gown na suot niya. Her hair was drawn back in a bun but curled threads were allowed loose behind her neck and infront of her face. Napahawak din siya sa suot na regalong mga diamanteng hikaw ng mama ni Daniel.

     Smoothening her white gown with her sweaty palms she tried to iron straight what didn't need to be ironed. Kung nakakapagsalita lang ang bouquet niya malamang nagreklamo na ito na nasakal na ng kanang kamay niya. Hindi niya akalain na sa loob lang ng isang buwan na tatapak siya sa simbahang iyon para magpakasal.

     Mabilis na inasikaso ng mga magulang ni Daniel ang kasal nila pagkatapos nilang malaman na may nangyari sa kanya. Stage parents like they are three heads planned meticulously their wedding as if it were theirs. All Daniel and Kath had to do was attend the wedding. 

     Busy ang mga ito na noon ay may kanya kanyang role habang hindi pa nagsisimula ang kasal. Katatapos lang ng pagkuha ng video sa kanila ng naguhang magcocover ng wedding nila. They had to take several shots for the Same Day Edit video that will be posted during the reception. Kakatapos din lang sna i-retouch ng make up team na hire ng Mama ni Daniel para sa buong kasal. At kanina habang inaayusan siya biniro pa siya ng make-up artist na ang aga niya magpakasal baka daw magsisi siya sabay biglang bawi na bitter lang daw kasi ito. 

     Sabagay naisip ni Kath. Dahil sa kalokohan niya ikakasal na siya. She was only 18 and she had many years ahead... if only the years ahead in her mind didn't had Daniel in it.

     Pinaalalahanan siya ng babae na ngumiti siya ng todo habang naglalakad sa altar dahil ito ang magiging pinakamasayang araw ng buhay niya.  Ang swerte niya daw dahil mabait ang mga magulang nila ni Daniel. The artist kept on saying na sana pati din siya pag ikakasal ganoon kabongga at tanggap ng pamilya.  

     Naalala tuloy ulit ni Kath ang reaksyon ng mga magulang nila ng malaman ng mga ito ang nangyari. Tahimik lang ang lahat. Ramdam niya ang mabibigat na tingin ng mga magulang nila kahit pa nakatago siya sa likod ni Daniel.

     "Sandali mare, baka ang ibig sabihin ni Daniel hindi ngayon.. baka pagkatapos nilang mag-aral. Kath, anak, wala namang rason para madaliin hindi ba? Wala pa naman sigurong nangyari sa inyo?" May himig ng pagsusumamo ang tinig ng nanay ni Kath.

     Kunot noong napatingin sa kanya ang lahat. Kahit si Daniel tumingin sa kanya. Napahawak siya sa manggas ng damit ni Daniel at nagbaba ng tingin.

     Huminga ng malalim si Daniel at hinarap ang nanay ni Kath.

     "Tita, sorry po."

     Napaupo ang mga magulang nila, animo nawalan ng lakas. Lumapit sa kanila ang papa ni Daniel at hinaplos ang ulo ni Kath na noon ay umiiyak na.

     "Hija, huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong pananagutan ka ng batang ito. Hindi ako nagpalaki ng isang iresponsableng anak." mahinahong tugon nito tsaka binaling kay Daniel ang mga tingin. "It's not that I don't want Kath as my daughter in law... but I expected more from you Daniel."

     At doon na nagsimula ang desisyon ng mga ito na madaliin ang kasal sa takot na baka biglang lumobo ang tiyan niya.

     Napabuntong hininga ulit si Kath habang nakatingin sa repleksyon sa malaking salamin.

     Pakiramdam niya ano mang oras bigla na lang babagsak sa kanya ang patong patong na mga kasinungalingan niya siguro kasi nasa premises sila ng simbahan. She stood up feeling suffocated so she told her mother who just came in the room that she needed some fresh air.  

     They had to remove her veil for a while. Pinaalalahanan siya na konti na lang magsisimula na ang kasal at aktong sasamahan pa sana siya ng mga ito pero mariing tumanggi si Kath. 

     She was having a panic attack. 

     Patakbong tinungo niya ang likod ng simbahan kung saan walang tao at walang nakakakita. It was a small veneration garden closed down since they will landscape it into a new one. The garden had signages to keep out but she dared enter when she saw a familiar figure.

     Forever dashing in his suit she saw Daniel at the end of the garden near the withered vines of an old arc.

     But Kaths steps was put in a sudden halt when she saw that he wasn't alone... 

     Someone was with him ... Kath couldn't make out what they were talking about since their voices were toned down just for each others ear.

      Napaatras bigla ang paa ni Kath na noong unay nakapako sa pwesto ng bahagyang gumalaw ang pigurang nagtatago sa likod ng arko...

     It was no other than Julia...  

     Ang babaeng inagawan niya.




AN:

E:072817

CANT HELP FALLING IN LOVE WITH YOU - DJP

This was written 6 years ago... (ganito pala kabitin sinusulat ko dati can't help but find it funny! Buti nagustuhan ng previous readers ko dati na nabibilang lang ng kamay ko. Sila na dahilan kung bakit nag-uupdate ako every 2 days! Hihihi and that was 6 years ago na di pa  gumagawa ng movies ang KN na may kasal. HOHOHO! Hirap kaya mag-imagine! AND NOWWWW! My KN heart nga naman oo! For better reading watch SDE. Para F na F gaya ko habang nag-e-edit! *wink wink*

HAPPY READING! 

Stay by my Side - (Under Revision 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon