10: The Ex-Mrs. Padilla

36.6K 493 28
                                    

     Weeks passed and Daniel didn't even bother to call her or to visit her.

    

     Dumaan ang mga linggo na kahit anino man lang nito ay hindi niya nakita.

    

     Naging busy din si Kath sa paghahabol ng grades dahil unti-unting bumaba ang mga marka niya. Pilitin man niyang mag-aral tila walang pumapasok sa kukote niya kundi si Daniel Padilla.

    

     Nagtataka na din ang Mama niya kung bakit doon na siya natutulog at hindi sa bahay nila. Kapag ganoon na ang usapan ngumingiti na lang siya dito at dinadahilan niyang mas madaling mag.commute papunta sa university at sa hospital kung saan siya nag.duduty.

     Tumatahimik lang siya kapag tinatanong nito kung kamusta na sila ng asawa niya. Muhkang nakukuha naman nito ang mga senyales kaya hindi na siya nito masyadong kinukulit ng mga nakaraang linggo.

     Napabuntong hininga siya ng malalim at lihim na sinulyapan ang gate nila, nagbabakasakaling iluwa noon si Daniel na may hawak na bulaklak para suyuin siya.

     Kung ano ano tuloy ang pumapasok sa isip niya na baka binahay na nito si Julia o kaya naman nagtanan na ang dalawa at nilamon ng lupa.

     Dinutdot ni Kath ang lupa ng hinuhukay niyang paso ng madiin.

     "Kung may kakaining buhay ang lupa sana ikaw na lang!" bulong niya habang iniisip si Julia.

     "Kathryn."

     Hindi niya inaasahan na makita si Daniel na nakatayo sa gate nila.

     Buti na lang nakaupo siya dahil baka hindi siya kakayanin ng tuhod niya.

     He looked perfect and he was her husband.

     Sa ilang linggong hindi niya ito nakita muntik na niyang nakalimutan kung gaano ito kagwapo.

    

     Her heart almost flew out of her chest when he grinned at her.

     Weeks without him made her feel dead.

     She was really regretting her decision to move out of the house weeks ago.

     Parang isang droga sa sistema niya si Daniel na hindi matanggal tanggal. Nakaka-adik. Hindi niya alam kung paano niya nakaya ang ilang linggong hindi niya ito nakikita at nakasama.

    

     She was crazy to think that she could live away from him... that she could breath without him.

     Naging padalos dalos siya sa desisyon niyang iwan ito.

     At ngayon, binabawi na niya ang lahat.

     She wanted to run to him and tell him that they could work it out.

Stay by my Side - (Under Revision 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon