28: Ang paghahanda

29.3K 385 91
                                    

     “Green o Yellow?”

     Nilaro-laro ni Kath ang ballpen na hawak.

     Napabuntong hininga naman si Daniel ng malakas. Pinagmamasdan niya si Kath habang kinakagat nito ang ballpen. Kunot-noo pa din nitong pinag-iisipan kung anong mas magandang kulay.

     Kanina pa nila pinagde-debatehan ni Kath kung anong kulay ang motif ng nalalapit nilang kasal.

      “Pink na lang kung gusto mo.” Biro ni Daniel. Nilingon siya ni Kath at siniko habang tumatawa.

      “Ang landing color ha?”

      “Pwede naman asing dalawa, green at yellow.” Hinila niya sa harapan ni Kath ang dalawang sample ng tela na pinagpipilian nito.

      “Ehhh… Sinasabi mo lang yan kasi gusto ko. Parang napipilitan ka naman! Dapat gusto mo din.” angal nito.

     Hinila niya ang maliit na katawan ni Kath palikod para sumandal sa kanya sa mahabang sofa. Pinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at tsaka nagsalita si Daniel.

      “Misis. Kahit anong kulay pa yan.. kahit nagmumurang neon green man yan o neon yellow… gusto ko basta gusto mo. Whether it’ll look silly on me or not I don’t care. As long as it makes you happy.”

     Sinilip ni Daniel ang muhka ni Kath. She was smiling extra large.

      “Talaga?” kunwari duda pa ito.

      “Naman! Kahit Batman suit pa ang ipasuot mo sa akin sa kasal natin walang problema.”

Stay by my Side - (Under Revision 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon