CHAPTER 57 (EDITED)

En başından başla
                                    

"Bakit ako ang tinatanong mo? Sino kaya yung takbo na takbo diyan?"

"Sino ba nagsabi sayo na sundan mo ko!?! Di ba nga galit ka sa akin?!"

"Sino naman nagsabi niyan sayo?!"

Tama nga naman. Sino nga ba nagsabi sayo Karissa na galit si Marion sayo? Pero hindi na naman kailangan may magsabi pa na galit siya sa akin dahil obvious na obvious naman sa mga kilos niya.

"Halika na nga, bumalik na tayo sa room."

"Ayoko makita yang pagmumukha ni Vince!"

"Maging masaya ka na lang para sa bestfriend mo."

"Maging masaya? Pagkatapos niyang saktan ang bestfriend ko, ganun na lang yun?"

"Teka? Bestfriend? Sinong bestfriend?"

Halata sa mukha ni Marion na naguguluhan siya. Tignan mo itong isa, mukhang wala naman yata alam sa nangyayari. Sa bagay, busy nga pala siya sa girlfriend niyang maldita.

"Sino pa nga ba? Malamang si Ciara!"

"Teka, hindi ikaw?"

Anong hindi ako?! Ano na naman pinagsasabi ng bakulaw na kapre na ito? Lalo na akong sigurado na wala talagang alam itong isa to.

"Anong ako?"

"Hindi ikaw yung girlfriend ni Vince?"

"Pakiulit nga?"

"Ang ayoko sa lahat yung pinapaulit yung tanong ko!"

"At ang ayoko din sa lahat yung nagtatanong ng walang kwentang tanong!"

"HOY!!! Ang iingay niyo! May nagklakla—"

Nagulat ako dahil biglang may sumigaw na guard. Pero si Manong guard yata ang mas nagulat kaysa sa akin. Patay kami nito baka madala pa kami sa office ni Head Teacher dahil nagcutting classes kami.

"Sorry po sa istorbo. Sige, ipagpatuloy niyo po ulit yung LQ niyo."

At parang bulang nawala si Manong guard. Nakita lang si Marion natakot na? Pati guard ng school takot din kay Marion.

"Hindi ka ba talaga ang girlfriend ni Vince?"

Nakakainis! Hindi pa pala siya tapos sa tanong niyang iyan. Saan ba niya napulot ang walang kwentang impormasyon na iyan. Mukha ba kong papatol kay Vince?!

"Hindi ka ba nakikinig kanina?! Di ba nga, yung girlfriend niya ay si CIARA! HINDI AKO!!! AT NEVER MANGYAYARI YUN!"

"Tsk. Japs. I'm going to kill you."

Mukhang alam ko na ang nangyayari. Si Japs na naman.

"Hindi ko alam kung paano kayo napaniwala ni Japs. Pero talagang naniniwala kayo kay Japs?!"

"I need to go back."

"Oh bakit? Saan ka naman pupunta?"

"I'm going to kill that shark."

Hindi pa nakakaalis si Marion bigla naman tumunog ang cellphone ko. Teka, bakit kaya tumatawag si Yaya? May nakalimutan ba ko sa bahay?

"Yaya, bakit ka —ANO?!"

Narinig ko ang pinakaayokong bagay na mangyari.

"Sige, Yaya. Susunod ako. Huwag mo siyang iiwan, Yaya ah. Intayin mo lang ako."

"Bakit? Ano nangyari?"

"Yung mommy ko..."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Sa lahat ng bagay, Mommy ko ang kahinaan ko. Kaya kapag may nangyaring masama sa kanya, masisira ang mundo ko.

"Anong nangyari sa mommy mo?"

"Isusugod ng ospital ang Mommy ko. Kailangan ko siyang puntahan."

"Teka, sasamahan kita."

"Huwag na."

"Huwag kang aalis diyan. Kukunin ko lang ang kotse ko."

Pagkaalis na pagkaalis ni Marion, umalis na din ako. Hindi dahil ayaw ko talaga siyang kasama pero every second is important when it comes to my Mommy.

Alam ko magagalit sa akin iyon pero mas iintindihin ko na lang muna ang Mommy.

Sa sobrang pagmamadali ko, kahit naka-stop un stoplight, tinatawid ko. Wala din naman mga sasakyan na dumadaan.

Pero iyon pala ang akala ko...

PRRRRRRRRRRT!!!

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin