Chapter 12

998 24 1
                                    

Chapter 12

"Bakit ba ako nalasing kagabi? Anong nangyari d'yan at nagkabati lang hindi na naman mapaghiwalay."

Iritado ang mukha ni Yu at napaikot na lang ako ng mata sa paulit-ulit niyang litanya.

Namula naman agad ang pisngi ng kalapit ko at ngumuso kay Yu.

"Nagseselos ka naman ba Yuhan? Magalit ka din kasi ulit kay Elle." Humalakhak pa si Zee.

"I wasn't mad at her." Tanggi kong nakangisi.

"You are!" Pilit ni Elle at pinandilatan pa ako ng mata.

"I'm not." Sabi ko at naglagay pa ng shrimp na tapos ko nang balatan sa plato niya.

Mabilis niya iyong kinuha ng tinidor at sinubo.

"You won't even talk to me." Sabi niya habang ngumunguya at masama ang tingin sa akin kunwari.

"I was trying to calm myself. I was worried as fuck."

Ngumuso ulit siya at naglagay pa ng shrimp sa plato ko para balatan ko at ibigay sa kanya. She's really used to be treated like a princess, this girl. Well, she is anyway.

"That's it! I'm out of here."

Kunwang tatayo si Yu pero pinigilan ni Ei at masungit na sinenyas ang halos di pa napapangalahati ng plato ni Yu.

Yu rolled his eyes and continue giving dagger looks at everyone. Pikon lang siya dahil nalasing kagabi.

"Yung totoo, Yu? You really like Elle?" Kunot noo ni Zee.

"Of course, I like Elle!" Sabi ni Yu na sinimulan ulit ngumuya.

"I like you too, Yu." Irap ni Elle.

He's always been vocal about liking Elle pero alam namin lahat ang totoo. Sinasabi niya lang iyon lagi just to piss me off. Minsan gusto kong magalit dahil baliw siya. But maybe he really likes Elle. Just not the way I like her and he knows it.

Besides, he's gonna find her own Elle but I'm not going to find one. I already have mine, anyway.

Matapos kumain ay pumunta kami sa Fortune Island. Kumontrata kami ng bangka na mag-aantay doon. Madalas kasi binabalikan lang ang naghire pero ayaw ni Elle, gusto niya ay mag-aantay doon.

Nakasabit sa leeg ko ang camera at nakasunod lang iyon kay Elle. Naka maikling shorts ulit siya na puti at itim na bikini top na pinatungan ng parang lambat na white top.

Hindi ko siya hinihiwalayan dahil panay ang pansin sa kanya ng mga lalaki kahit pa marami namang ibang babaeng naka-swimsuit.

She's smiling at the camera at panay ang pose. I'm smiling like a fool. I missed being her photographer.

Dumaan sa tabi niya si Ei at hinila niya para magpicture. Wala naman nagawa si Ei kundi ang ngumiti at sundin ang gustong pose ni Elle. Mula naman sa paghahanap ng babae ay tumakbo si Yu at Zee para makisali sa picture. Naiiling na lang ako. Ako na naman ang wala sa litrato. Later I'll steal a selfie with her. Just the two of us alone. Ayaw kong kasali ang mga ugok na ito.

Ang bilis lang din ulit napagod ni Elle at ginustong bumalik. There's nothing much to to do here anyway. Sadya lang mas puti at pino ang buhangin. Wala ring cottages, stores at kaonti lang ang masisilungan. At mas maraming babaeng naka-bikini na totoong dinayo nina Yu at Zee.

Pero siyempre pag gusto na ni Elle umalis ay wala na silang magagawa.

Inabot ko kay Elle ang dala kong tubig at tumabi sa upuan niya sa bangka. Inaantay na lang namin si Ei na mag-isang naglagalag. We texted him na babalik na.

AS#2: Lost And Found (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon