Chapter 1

2.7K 37 0
                                    


Chapter 1

AGAD HINANAP ng mga mata ko ang dahilan ng marahang pagsiko sa akin ng dalawang nasa magkabilang gilid ko. Tiningnan ko ang mga mata ng nasa kanan na si Zyann. Hinayon ng aking paningin ang direksyon ng tinitingnan niya at agad kong nakita ang isang maputing babae.

"Pretty." Tumatango-tangong sabi ko.

"Pretty? You're kidding me. The girl's so damn hot!" Nilapit ni Zyann ang mukha sa akin upang marinig ko ang bulong niyang malakas naman.

"Every girl's too hot for you, Zee." Singit naman ni Ei sa likod ko na nakikinig sa usapan.

"Oh c'mon, bro. Look at those tits." Sinusundan parin ng tingin ang babae na sabi naman ni Yu.

"Elle's hotter." Sabad sa usapan ng katabi ko sa kaliwa na si Ex.

She snorted. "Uh-huh. Kaya pala kamuntik na 'kong tumilapon kanina sa lakas ng siko mo sa'kin."

Hinaplos ko pa ang braso na siniko niya kanina. Actually, parang haplos nga lang iyon sa sobrang rahan ng pagsiko niya sa'kin. Gusto ko lang i-exaggerate para sabihin na nagandahan talaga siya sa babae.

Ang ibig sabihin kasi ng akto nilang iyon ay palatandaan na nakakita sila ng maganda o sexy na babae sa paligid. At pag mas malakas ang pagsiko, ibig sabihin, mas maganda.

"You're being OA. I barely—"

"Shut up na Ex, bawal mo maisip na hot 'to. Kahit isipin lang." Sabay akbay sa akin ni Zee na halos pasakal na.

Sinimangutan ko lang ang aking pinsan. Na para namang maiisip talaga ni Ex na hot ako. Alam kong biro lang iyon!

Sa kabila ng sama ng aking tingin ay nginisihan lang ako.

"Ouch! Bawal isipin na hot si Elle? Kill me now!" Nagkukunwaring nasasaktan na sabi ni Yu. Dinakot pa niya ang shirt sa tapat ng dibdib.

"Because she's not, Yu. The word doesn't suit her."

"Bakit, Ei. Kasi she's beautiful and not hot? Umisip ka nga ng bagong banat. Sa tingin mo easy-easy 'tong si Elle para mauto ng ganyan?" Sabi ni Ex na naki-akbay sa'kin.

"Stop the bullshits, pwede?" Simangot ko habang kumakawala sa dalawang unggoy na nakaakbay.

Napapalatak na lang ako at napairap. Sanay na sanay na 'ko sa ganitong mga eksena. At pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall. Nasa gitna kami ng daan bukod pa sa agaw pansin ang mga lalaking kasama ko.

Naglalaro sa 5'8 hanggang 6feet ang mga height nila. Lahat ay may kaputian ang kulay. At lahat ay talaga namang gwapo kaya kahit saan sila magpunta ay pansinin.

Well, para sa akin ay hindi gwapo si Zee dahil simula pagkabata itinuring na ko na siyang monster ng buhay naming mga magpipinsang babae. Kasama ng iba pa naming mga pinsang lalaki. Ngunit kung hindi ako magiging bias ay gwapo talaga ang pinsan ko. Para itong suplado dahil sa mga mata nitong sa tingin ko ay babagay sa isang babae. Maging ang labi niya ay mapula. Matangos ang ilong at perpekto ang hugis ng mukha. Ngunit sa oras na ngumiti naman siya ay parang anghel na pag sinabing magsimba ka ay talagang susunod ka.

Si Yu naman tingin pa lang mukha nang makalokohan. Playboy. Which is totoo naman. Maraming naloloko ang painosenteng ngiti nito at singkit na mga mata.

Si Ei ang pinakamatangkad. Siya naman yung talagang nakaka-intimidate ang aura. Na pag nasalubong mo siya pakiramdam mo ni hindi ka karapatdapat huminga sa parehong hangin na nilalanghap niya. Sa gwapo nito, parang di mo siya pwedeng kausapin. At hindi lang iyon sa itsura. Talagang suplado siya. At hindi palasalita pag may ibang tao kaming kasama.

AS#2: Lost And Found (Completed)Where stories live. Discover now