Chapter 6: Love to Pretend

Comincia dall'inizio
                                    

            That possible idea made her heart twitch. Para bang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso niya. Pero binalewala na lang niya iyon katulad ng lagi niyang ginagawa sa tuwing naaalala niya si Terrence. At kapag masyado na niyang naiisip si Terrence katulad ngayon, hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya.

            Nagising lang si Eunice dahil sa mga katok sa kanyang pintuan.

            "Señorita," tawag ng isang maid mula sa labas. "Handa na po ang tanghalian. Naghihintay na po ang uncle niyo sa baba."

            Bumangon siya at naghikab. "Sige. Susunod na 'ko sa baba. Thank you," she sleepily said. Kusot-kusot ang mga mata ay napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa may ibabaw ng pintuan niya. Alas-dose na pala ng tanghali. Apat na oras din siya nakatulog.

            Agad na nagshower si Eunice at pagkalipas ng fifteen minutes ay pababa na siya ng hagdanan. She's wearing her favorite yellow shirt and white shorts. Mamasa-masa pa ang hanggang balikat niyang buhok dahil mabilisan lang ang pagbo-blower niya roon. Baka kasi mainip masyado ang uncle niya sa paghihintay sa kanya.

            Tuluy-tuloy siya sa pagbaba nang bigla siyang mapahinto dahil sa nakita niyang kausap ng uncle niya sa sala. Napahawak si Eunice sa balustre ng hagdan nang maramdamang parang gustong mauna sa pagbaba ang puso niya kaysa sa kanya.

            Just like before in the coffee shop a year ago, kahit side view lang ang nakikita niya, she's still smitten by his handsomeness and by the way he smiles.

            Masayang nag-uusap ang Uncle niya at si Terrence sa sala. Hindi alam ni Eunice kung ano ang gagawin.

            He's here! Oh my, he's here!

            Suddenly, gusto niyang bumalik sa kuwarto niya at tingnan sa salamin kung anong itsura niya. Biglang gusto niyang magpalit ng mas magandang damit. Parang gusto niyang magtago sandali at pakalmahin ang puso. Gusto niyang tumakbo pabalik sa kuwarto at-

            "Eunice, hija!"

            Napapitlag naman siya sa pagtawag ni Uncle Johnny sa kanya. Napatingin siya sa baba at unang nagsalubong ang mga tingin nila ni Terrence. Nakatingala ang lalaki habang nakatingin sa kanya.

            Kanina gusto lang ng puso niya na maunang bumaba kaysa sa kanya, ngayon gustung-gusto na talagang bumaba niyon at maglulundag sa harap ni Terrence.

            "U-Uncle, hindi mo naman s-sinabi na..." Napalunok siya at nag-iwas ng tingin kay Terrence. Baka mamaya kasi ay hindi niya mapigilan ang sariling bumaba nang mabilis at yakapin ito. Dahan-dahan na lang siyang bumaba habang nakayuko. Ngunit ramdam niya ang mga titig ni Terrence sa kanya.

             Pagkababa niya ay lumapit siya sa mga ito. Nilakasan niya ang loob upang harapin si Terrence. Hindi niya akalain na agad niya pala itong makikita pagkauwi niya. Iniisip niya na ihahanda niya muna ang sarili pero... 'eto na nga sa harap niya ang asawa.

            "Nandito si Terrence dahil may nakalimutan pala kaming pag-usapan tungkol sa isang big project ng Sagittarius," paliwanag ng uncle niya na nahalata siguro ang pagkagulat niya. "Hindi ako puwedeng umalis bukas nang hindi namin iyon napag-uusapan. Wala naman sigurong problema sa'yo iyon, Eunice."

            "O-Of course. Of course, walang problema iyon, Uncle," matapang niyang sabi at saka sinalubong ang mga tingin ni Terrence. "H-Hi," nakangiting bati niya rito.

            Inaasahan niya na pormal siya nitong babatiin o baka nga hindi pa siya pansinin. Ngunit, ganoon na lang ang lihim niyang pagsinghap nang ngitian siya nito pabalik.

Love at its Best (Love Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora