Chapter 6: Love to Pretend

Start from the beginning
                                    

            "Wala nga, eh. Ikaw na lang?"

            Natawa siya. "That's what I'm going to say."

            "Alam ko," masayang sabi nito. "Better continue resting. After that, kailangan mo nang..." sadyang binitin nito ang mga sasabihin.

            "Geoff," saway niya na ikinatawa lang nito.

            "See you in two weeks, cherie!" tila excited na sabi nito.

            "Bye, Geoff. Take care," paalam niya rito. Pagkatapos ibaba ang telepono ay napabuntong-hininga si Eunice at muling pinikit ang mga mata.

            Sa nakalipas na isang taon ay mas naging malapit pa sila ni Geoff sa isa't isa. But they never tried to enter into a romantic relationship again. Naging mas malapit na magkaibigan lang sila nito. Ito ang nasabihan niya sa lahat ng nangyari sa kanya a year ago. Halos lahat nakukuwento niya na kay Geoff that he became her bestest friend.

            Isa pa, hindi naman talaga siya puwede pang makipagrelasyon sa iba, because... her annulment is still on process. Kahit pa hiwalay na sila ng asawa niya still, kasal pa rin siya hanggang sa walang final decision ang korte tungkol sa annulment case nila.

            Speaking of "asawa".

            Terrence... Nasambit ni Eunice sa kanyang isipan. Napabuntong-hininga na naman siya. Isang taon na nang umalis siya at ibigay rito ang annulment na alam niyang gusto rin naman nito.

            Ang balita nga sa kanya ng abogado niya, pagkalapag pa lang ng eroplano sa Paris, a year ago, on-process na ang annulment ng kasal nila ni Terrence. Aaminin niyang nasaktan siya dahil sa mabilis na pagpirma nito sa annulment papers. Pero ano pa bang aasahan niya? Na magdadalawang-isip pa si Terrence?

            Since then, pilit niyang kinalimutan si Terrence. Binuhos niya ang lahat ng oras sa pag-aaral. Lahat ng dropped subjects niya ay inaral niya during the summer break sa Paris. Hindi niya alam kung paano niya napasa ang lahat ng iyon but she did. Kaya naman nakahabol pa rin siya sa graduation. Because of so much attention on her studies, hindi niya na talaga na-iisip si Terrence.

            Minsan lang, I admit. Pero kahit pala gaano siya ka-busy, sumisingit-singit pa rin si Terrence sa isip niya at naaalala niya lagi ang huling gabi na magkasama sila...

            Nang maalala na naman niya ang tagpong iyon ay agad niyang inalis iyon sa isip. Dapat ang iniisip niya ay ang muling pagkikita nila ni Terrence... sa korte.

            Iyon ang rason kaya siya umuwi ng Pilipinas ngayon. Wala naman talaga siyang plano kundi lang siya pinauwi ng lawyer niya na si Atty. Avila. After thirty days, the court will finally annul their marriage but she better be present when that happened. Nagtataka nga siya kung bakit hindi na lang si Atty. Avilla ang muling mag-represent sa kanya. Ang balita niya kapag pinapatawag siya for further discussion of the case, ang abogado niya ang laging pumupunta  para sa kanya. Kaya hindi niya alam kung bakit ngayon ay dapat na mismong presence niya ang kailangan.

            But okay na rin siguro iyon. Maybe, it's time for her to face Terrence, again. Maybe, it's time for her to settle issues with him once and for all. Gusto niya ring malaman kung kumusta na ito at kung... nahanap na nito si Rachelle. And, probably, kung nahanap na nito si Rachelle, kasama na ni Terrence ang anak nito.

            Maybe, they were a picture of a happy family and after thirty days, kapag napawalang-bisa na ng korte ang kasal nila ay agad na pakasalan ni Terrence si Rachelle.

Love at its Best (Love Series #1)Where stories live. Discover now