Chapter 6 Envelope From Lady Arwen

31.4K 923 60
                                    

Kaira

Nagkatinginan silang tatlo ng makita ang hawak ko. Napatingin ako sa kamay ko at nakitang hawak ko pa pala ang sword ni Ren. Hay naku Kaira.

"Kaano ano mo si Prince Ren?" Tanong ng babaeng pula ang mga mata

Napataas ako ng isang kilay. Hindi pa nga sila nagpapakilala agad agad na silang magtatanong. Pero, kaano ano ko nga ba ang lalaking yun?

Inilapag ko sa tabi ng pintuan ang asul na espada. "We're not related" sagot ko at inilibot ang tingin sa buong dorm

Napatingin ako sa tatlo kong kasama at napatingin ulit sa paligid. Napahinga ako ng malalim bago magsalita.

"May bata ba dito sa atin?" Tanong ko nang hindi sila nililingon

Puno ng mga stickers ng unicorn, fairies, at babaeng elves ang buong pader. Parang nasa loob ako ng isang daycare center.

"Wala" sagot ng isa sa kanila, "pero may feeling bata samin, diba Suzy?" Natatawang tanong niya sa kasama niya

Nagtawanan sila na parang wala ng bukas. May sunod sunod ring mga bulongan pero hindi ko ito narinig ng maayos. Ngunit nagtaka ako ng bigla na lang sila natahimik.

Hinarap ko sila at nakitang one of them is floating. Lumulutang din ang pula niyang buhok na noo'y kulay tsokolate. She was surrounded by thin metal walls while both of her hands was extended to both sides. At ang babaeng humila sakin papasok ay nasa ibaba niya habang nakataas ang dalawang kamay. 

Umatras ako ng umatras hanggang sa sumagi ang likod ko sa edge ng isang mesa. Napahawak ako sa ulo ko at unti unting dumausdos pababa. I felt it again, for the second time. The same unexplainable pain that stroke me when I drunk the unknown liquor.

Nakita kong tumakbo papunta sakin ang babaeng kulay abo ang buhok habang sumisigaw. Ngunit kahit isang mahinang tunog ay wala akong marinig. Everything was starting to fade and I was deafened by the pain.

Pinipilit kong panatilihing bukas ang mga mata ko pero mistulang may sarili itong buhay at pumikit na lang bigla.

🔥 🔥 🔥 🔥 🔥

Naalimpungatan ako ng mga bulongan sa paligid ko.

"Kailan kaya siya gigising?"

"Magigising nga ba?"

"Tanga oo naman"

"Ba't pa kasi siya nag-collapse"

"Ginulat mo kasi" pang sisi ng isa

"Me? Gush no! Pinikon mo kasi ako!" Sigaw naman ng isa at umalingawngaw ngaw sa buong paligid

"Shut up" sambit ko ng hindi ibinubukas ang ni isa sa mga mata ko

Nandito pa rin ang sakit na nararamdaman ko. It was not as painful as before but it's still there. Matutulog na sana ulit ako ng may yumug yug sakin na para bang mamatay siya kung hindi niya gagawin iyon.

Marahas kong inalis ang mga kamay niya at tinignan siya ng masama, "what?" I asked while rubbing my eyes

Nagkatinginan silang tatlo at ngumiti sakin. Umupo ang babaeng pula ang mga mata at inakbayan ako.

"Pinsan mo ba si prince Ren?" nakangiti niyang tanong

Tumabi rin sakin ang dalawang babae habang nakangiti ng malapad, "hindi ko siya pinsan. Ba't niyo natanong?"

Nagpout ang babaeng purple ang mga mata at tumayo, "sayang" bulong niya pero narinig ko naman

Binatukan siya ng pula ang mga mata habang ang yellow ang buhok ay hinala ako paalis sa higaan. Muntik na akong maout of balance, mabuti na lang at nakahawak ako sa isang bagay.

Teka, ano toh? Nakaharap pa rin ako sa sahig habang nakahawak sa isang bagay. I squeeze it 5 times and realized what it is.

Inalis ko agad ang kamay ko at umatras. Napatakip ako ng mukha sa hiya. I didn't know that I was gripping on her left breast.

"I'm sorry" paumanhin ko ng hindi makatingin sa mukha niya

"It's ok" mahinhin niyang sabi

Napatingin ako sakanya sa gulat. It's ok? I even squeezed her boob but she's not angry. Handa naman akong maparusahan at masermonan.

She was slightly smiling. Her eyes was sincere and honest. She's not angry at all! This girl, she's, she's familiar.

Her curly hair was painted in both silver and pink. Her bright golden eyes was so enchanting. She was wearing a silver dress under her gray cloak.

"Are you? Ummm. Arwen?" tanong ko habang nakahawak sa rem ng damit ng babaeng humila sakin

She held my chin and pulled it down, "she's Lady Arwen. Are you out of your mind?" nanggigil niyang bulong

Napatingin ako sa mga kasama ko at lahat sila'y nakayuko. They were bowing down in respect for, fuck I missed up again.

"I'm so sorry for my manners"

"Stand up Kaira" malumanay niyang utos

Agad akong tumayo at hindi pa rin makatingin sakanya. Huhugasan ko talaga ng sampung beses tong madumi kong kamay.

Nagsitayuan din ang mga kasama ko, "Kaira lang" sabi ko sa kanila kaya yumuko din sila agad

I smirked in victory. Tingnan mo nga tong mga tanga oh. Naniwala lang sakin kahit ok na naman silang tumayo.

"Prince Ren wants to see you at this location" sabi niya at may ibinigay na envelope, "bring your friends with you"

Nakita kong napangiti ang babaeng pula ang mga mata at napakagat naman sa ibabang labi niya ang lila ang mga mata.

Arwin waved at me before she left the room. I was wondering what the prince wants from me while watching her leave. Did I do something wrong? Would he punish me for squeezing her breast?

"WAAAAAAAH! Oh my gosh! Oh my gosh!" sigaw ni red eyed habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. Habang tulala lang ang isa habang nakangiti.

"What's wrong with them?" tanong ko sa naghila sakin

"They're too excited" bulong niya sakin

"Why?" tanong ko ulit

"Because- oi ano yang envelope?" she suddenly asked

Napatingin ako sa hawak kong asul na envelope. Binuksan ko ito at nakita ang gintong papel na nasa loob. Binigay ko ito sa kasama ko.

"Pakibasa nga" utos ko

"Ba't ako?" reklamo niya

"Para exciting"

Tumango siya bilang pag sangayon, "Dear Kaira,

You and you're friends will be transferred to the Royal Section. You have a blood of royalty as well as them. Meet me at the headmaster's office for further informations" basa niya

Halos mabingi ako sa sigaw ni red eyed lalo ng sabayan siya ng isa.

"OH MY GOSH!!!! - WHAT?!!!" sigaw nilang dalawa at tumalon talon habang magkahawak ang mga kamay

"They finally recognized me as a part of the royal family" The girl said and gave me back the paper, "It's been a long time since I entered my uncle's office"

The Lost Princess Of Pazysia [Under Revision]Where stories live. Discover now